Chapter Three- FRB 03

7.4K 137 0
                                    

Chapter 3


Maaliwalas ang mukha ni Eugene habang nagluluto ng almusal niya ngayong umaga. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Walang sinumang hahadlang sa kanyang pagkagalak. Hindi man makapaniwala sa nangyari si Eugene ay lubos parin ang kanyang pagtataka. Bago lang kasi siya at hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay mapopromote siya. Hindi naman kasi siya ganun kagaling sa trabaho pero lahat naman ay gagawin niya. Alang- alang sa pamilya niya ay gagawin niya lahat. Ayaw na niyang maranasan ang mahirapan sa buhay.

Napatingin si Eugene sa salamin niya sa kanyang kwarto. Natapos na siyang kumain at ngayon ay naghahanda na siya para pumasok sa bagong opisina na pagtatrabuhan niya.

"Tama na siguro ito."

Sabi ni Eugene sa kanyang sarili. Simpleng black skirt at long sleeves na blouse ang suot niya. Dala na niya ang kanyang sling bag at bagong folder na ipresenta niya mamaya sa Montefalco Corporations. Agad naman siyang umalis at hinanda na niya lahat ang gamit. Kanina ay tinawagan niya sina Seth at iba pang mga kaibigan. Natuwa ang lahat sa naging balita. Sa sobrang galak nga ni Eugene ay hindi na niya namalayan na pinagtritripan na siya. Minsan kasi hindi mawala ang kalukuhan sa pagmomoment ng mga kaibigan niya. Kahit sa pagtawag sa telepono ay walang kapatawaran.

Balewalang sumakay na si Eugene sa taxi. Kinabahan siya at ang sabi pa ni Daryl sa kanya ay magdadasal siya para hindi siya kabahan. Tinupad niya naman ang sinabi ng kaibigan kaya ngayon ay hindi siya masyadong kinakabahan.

"Miss, nandito na po tayo." Napatanga si Eugene. Ilang segundo rin siya nagmulat sa realidad. Agad naman siyang nagbayad at bumaba sa taxi.

Isang malaki, maganda at sosyal na gusali ang sumalubong sa kanya. Halos lumuwa ang mata niya at napatingala pa siya sa sobrang taas ng gusali. Hindi niya alam na may mas malaki pa palang gusali rito sa Manila. Oo nga naman malaki at matataas talaga ang mga gusali.

Naglakad na siya patungong entrance. Sinulubong siya ng mga security guard. Napahinto siya at tinanong kung dito ba ang Montefalco Corporations at tumango naman ang mga ito sa kanya.

Nilibot ng mga mata niya ang paligid. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang galak sa nakikita. Ngayon lang kasi siya makakita ng ganito kasosyal na gusali. Lahat ng mga gamit ay mamahalin. Mas mahal pa nga ang vase na nakapatong at katabi ng mga security guard na nandito sa labas kaysa sa sapatos niyang binili pa sa divisoria.

"Ayos na ayos ka miss ah? Anong kailangan mo?" Medyo nailang at umatras ng bahagya si Eugene. Iba kasi makatingin ang isang ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Pero naglakas loob siyang lumapit at sinabi na rito siya magtatrabaho. Nagulat si Eugene nang tumawa ito sa kanya at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. Nainsulto naman si Eugene sa inasta ng lalaki sa kanya.

"Oo nga sabi manong guard dito ako nagtatrabaho! Bago lang kasi ako kaya hindi ko alam kung dito ba ang Montefalco Corporations!" Napasigaw siya sa inis. Nainsulto kasi siya! Minsan na nga siya magdamit ng pang business attire.

"Naku miss. Hindi ko kasi alam. Tanungin mo lang doon sa tapat ng glass door. May Makita kang nagbabantay diyan na babae. Doon ka magtatanong." Tumango siya at umalis kaagad. Akala mo kung sinong makainsulto. Pantay lang naman ang mga tao sa mundo!

"Good morning po, Miss." Sabi ni Eugene na nahihiya pa. Nabigla man ang babae sa kanya pero hinarap parin siya nito.

"Do you have some appointment to Mr. Montefalco, miss?" Masungit na tanong ng babae kay Eugene. Nagkasalubong naman ang kilay nit Eugene pero hindi niya na lang pinapahalata.

"Ahm no but-" Hindi natapos ang saabihin ni Eugene kasi sinagot at sinabihan na siya ng babae. Nainis siya sa inasal ng babae sa kanya.

"I'm sorry, Miss because we have rules here. If you don't have some appointment to Mr. Montefalco, you can leave now." Sabi ng babae at inirapan pa siya. Napasinghap si Eugene. Walang hiya! Hindi pa nga ako tapos sa pagsalita ay agad niya akong binara!

KS#1: Filthy Rich Beast (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon