Chapter Two- FRB 02

7.5K 121 1
                                    

Chapter 2

It's two in the morning at ngayon ay gising na gising na si Eugene. Dapat ay maaga siya ngayon kasi may kailangan pa siyang pagtutuonan ng pansin. Dapat niya ring matapos ang ipapagawa ng amo niya. Ayaw niyang mabigo siya kasi malaking tao ang darating sa kompanya.

"Hay naku! Bakit ba kasi tumawag pa si Genesis kagabi? Ayan tuloy hindi ko nagawa kagabi ang trabaho ko!" maktol ni Eugene.

Nakalimutan niyang maglinis sa baba ng bahay. Malaki ang bahay na tinutuluyan niya kaya ay nahihirapan siya. Hindi kasi ito kagaya ng iba na pwede na hindi linisin pero itong bahay na binigay ni Rhiel sa kanya ay laging may alikabok.

Ayaw niya namang magreklamo sa mga kaibigan niya. Siya na nga ang tinulungan siya pa ngayon ang aarte? Hindi pwede iyon.

Matapos mag-ayos ni Eugene ay nagluto siya at mabilis na naligo. Sa sobrang bilis niyang kumilos ay 4am palang ay naghihintay na siya ng taxi. Tatawagan niya sana si Seth pero hindi na. Nahihiya na siya kasi lage na lang siya ang tinutulungan. Siya nagtatrabaho pa at hindi pa sapat ang lahat iyon para masuklian ang tulong na binigay ng mga kaibigan niya.

"Ang aga ko nga. Pero gusto kong tingnan ang office kung ano ang hitsura." Sabi ni Eugene.

Matapos maghintay ni Eugene sa kalsada ay may taxing huminto sa kanya at malaki ang pasasalamat niya rito. Isang oras ang byahe niya papunta sa kompanya kaya mga 6am ay nandoon na siya sa kompanya.

Wala namang problema doon kung maaga siyang dadating kasi may guard naman doon. Twenty-four hours ang bantay roon. Hindi nga alam ni Eugene kung bakit ganun kahigpit ang kompanya.

"Salamat po, Manong." Pasalamat ni Eugene sa driver ng taxi. Agad namang nagbayad at umalis si Eugene. Nasilayan niya ang dalawang security guard na ngayon ay umiinom ng tsa-a.

"Good morning po, Ms. Lacson." Bati ng isang gwardya.

Ngumiti si Eugene. "Good morning din po."

Kilala rito si Eugene. Iba kasi ang karisma. Maganda si Eugene at kakaiba ang beauty. Sa lahat ng mga kaibigan niyang babae ay siya lang ang may kakaibang ugali at alindog.

"Naku, Ma'am. Hindi pa po pwedeng pumasok." Sabi ng isang guard sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Eugene. Siguro bago ito?

"Ano ka ba naman, pare! Si Ms. Lacson iyan! Sige ka, baka makick- out ka dito." Panakot ng isang guard. Tumawa ng bahagya si Eugene.

"Bago ba siya rito?" Tanong ni Eugene. Tumango ang guard sa kanya.

"Pasensya na po, Ms. Lacson. Bago po siya."

Tumango na lang si Eugene at tsaka naman binuksan ang isang maliit na pinto. Para lang ito sa mga taong late at pwede ring makalusot ang mga gago na trabahador dito.

Pumasok kaagad si Eugene sa loob. Hindi siya nahirapan na makapasok kasi maliit siyang babae. Height ng mga Pilipina. Pagkapasok ay naglakad siya patungo sa main office. Halos mawalan siya ng hininga pagkabukas niya ng ilaw.

Ang ganda.

Sobrang ganda talaga! Naaliw si Eugene sa kakalakad niya. Kaparehong-kapareho kasi sa guhit niya kahapon. Ang mga sketch niya para sa design ng kompanya.

Nilagay muna ni Eugene ang lahat ng gamit niya sa kanyang upuan. OMG! Ang ganda talaga! Sabi sa isipan ni Eugene.

Habang tumatagal siya sa loob ng office ay unti- unting dumadami ang mga tao. Ang mga kasamahan niya ay binati siya. Natuwa si Eugene kasi nasiyahan ang mga tao sa ginawa niyang desinyo dito sa kompanya.

Now, everyone is nervous and wants to scream. Kinakabahan man ay kailangan maging tama at flawless. Sino ba naman ang hindi? Isang CEO ng kompanya ang dadating dito.

KS#1: Filthy Rich Beast (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon