Ilang months bago ako nakabalik at napag-isipan na mag-update? Haha. Heto na, I'm back! Happy new year!
CHAPTER 30
Kathryn's POV
I've decided na bumaba muna at makipagbonding naman sa kapatid ko since puro lang ako facebook, twitter, at instagram these past few days.
"Kathryn, anak, saan mga kapatid mo?" tanong ni mama sa akin pagdating ko sa sala.
Napatingin ako sa kanya. Akala ko andito lang sila, at nanunood kasama nila?
"Hindi po ba kasama niyo sila dito?"
"Naku, hindi eh. Si Kim, pinatawag daw ni Direk. Hindi ko alam saan yung dalawa" sabi ni dad.
"Ah sige. Hahanapin ko nalang po" sabi ko at lumabas.
Naglakad-lakad at tumitingi-tingin rin baka andito lang yung mga yun, naghahanap ng magawa sa buhay.
"Saan na ba kasi yung mga yun?" tanong ko sa sarili ko.
"Baka andiyan lang" may nagsalita sa likod ko.
Naka-all blank siya. Head to toe. Black cap, black shirt, black pants at black shoes! Peg ba nito si Paul Soriano?! O baka naman kidnapper!
"S-sino ka?"
"Uh..."
"Kidnapper ka no?!" I started to panic.
"Hindi, hindi!! Mukha ba akong kidnapper?!"
"Oo, t-tignan mo nga yang suot mo! Naka all black ka!"
"Eh ano ngayon? Ganun na ba yun, pagnaka-all black kidnapper? Nakablack ka din naman ah" sabi niya at napatingin ako sa suot ko.
Oh shemay. Kathryn, kung magbibintang ka dapat tignan mo muna sarili mo.
Haynaku. Naka all black din ako.
"Sorry naman, nakakapraning eh. Di ko rin kasi nakikita mukha mo" sabi ko.
"Mas mabuti na siguro at 'di mo makita mukha ko. Sige, nice seeing you around here, Kathryn" sabi niya sabay takbo paalis.
BINABASA MO ANG
The BOYS Next Door
FanfictionAno ang mangyayari kung mamimeet ng four chicks ang four dudes next door?