CHAPTER 33
KIM'S POV
Kakarating lang namin ni Xian dito sa Pasay kung saan ishu-shoot ang next scene. Andito na ang crew at staff. Si direk naman ay kanina pa palakad-lakad upang icheck kung okay na ba ang lahat.
I've became so busy the past days. Hindi ko na masyadong nakakausap mga kapatid ko. Dahil aalis ako ng maaga, uuwi ng sobrang late.
"Kim, tara na. Start na tayo sa pagmake up sayo. Magarbo daw ang next scene eh" sabi ni Ate Rina sa akin at pumunta na kami sa loob ng tent.
Nagsimula na syang lagyan ng make up ang mukha ko habang nagti-twitter naman ako.
"Kimmy! Grabe! Namiss kita sobra!" approach sa akin ni Maja. Aakapin sana ako kaso nakita niyang nilalagyan ako ng make up.
Umupo nalang siya sa malapit na upuan at binasa ang script bago siya tinawag para lagyan din ng make up.
"Intense ata ang scene ngayon ah?" sabi ng bagong pasok sa tent.
Kilala ko na agad kung sino. Parati kong naririnig ang boses nito. Araw-araw.
Sumang-ayon naman si Maja kay Xian. Umupo naman si Xian sa upuan sa harap ko. Malapit na ako matapos. Inaayos nalang ang buhok ko.
Doon ko lang napansin, nakatitig sa akin si Xian.
"Ba't ka nakatitig?" tanong ko.
"Bawal?"
"Oo bawal haha" sabi ko.
"Sige magpapaalam ako ha?" sabi niya bago lumabas at pumasok ulit.
Tumawa naman ako. Baliw talaga to.
"Uy Kim! Pwede ka bang titigan? Ganda mo eh" sabi ni Xian at tumayo sa gilid ko.
"Baliw ka talaga" sabi ko at pinalo siya ng mahina sa braso habang tumawa ako.
"Okay na yun kung sayo lang naman din ako mababaliw" sabi niya at kumindat sa akin.
"Hoy! Parang awa niyo ng dalawa! Walang forever!!" sigaw naman ni Maja mula sa kabilang side ng tent.
ELLA'S POV
Blue dress?
White fitting shirt and ripped jeans?
BINABASA MO ANG
The BOYS Next Door
FanfictionAno ang mangyayari kung mamimeet ng four chicks ang four dudes next door?