Chapter 3
Sa paglipas ng ng panahon naging regular na si Nash sa shop ko at naging magkaibigan kami. Di nya alam pinagmamasdan ko sya sa malayo. Ewan ko ba parang may kakaiba sa kanya. Makikita mo syang laging masaya pilyo, pero kung titignan mo ang mga mata nya, may natatagong lungkot sa likod nito na di ko maipaliwanag. Gusto kong sumaya sya gusto kong ibigay kung ano man ung kulang sa kanya. Di ko napapansin na nahuhulog na pala ako sa kanya. Hinahanap hanap ko ang pagbisita at pag tawag nya sa akin. Oo madalas kaming mag-usap mula nung nakita ko syang umiiyak dun sa park. Pag di sya nagpupunta sa shop magtetxt sya o kaya magkikipag chat pag OL ako.
Isang araw nagchachat kami.
“ Lila pwedeng magtanong tutal magkaibigan tayo, nagtataka lang ako bakit wala ka pang BF?” tanong nya
Natigilan ako di ko Ini-expect na itatanong nya sa kin to.
“ Bakit ba interesado ka sa love life ko?”
“ Wala lang concern lang ako may hitsura ka naman, panget nga lang JOKE…”
“Ako panget? Grabe kung makapanget ka wagas parang wala ng bukas” sambit ko na inis na inis na. kung alam mo lang kung sino talaga ang mahal ko…
“JOKE lang, to naman di na mabiro, kasi naman mag-ayos ka naman minsan.”
“ Mayos naman ako ha? malinis naman ako magdamit..”
“ Maayos nga kaya lang para kang mangkukulam”
“ Ha? Ako mukhang mangkukulam?? Bakit mo naman nasabi yan?”
“ Kasi po mag mamake-up ka na lang eye liner pa ang naging paborito mo, tas maglilipstick nga kulay itim naman. Natatakot nga yung ibang tao sa 'yo feeling siguro nila kumakain ka ng tao… hehehe”
“ E ano naman kung ganito hitsura ko buti nga yun ng walang mangligaw.." "baka mamaya pag may nangligaw sa kin habulhabulin mo ko..” bulong ko
“ Ay wait naka-OL ang prinsesa ko.” Prinsesa? May GF na sya??
“sino naman yang prinsesa mo? Selos naman ako” sabi ko parang may kumurot sa puso ko ng malamang may prinsesa sya.
“ Siya ang prinsesa ko ikaw ang reyna ko” sabi nya
“ Ay ayokong maging reyna, di bagay sa kin... pangmatanda lang yan...” kainis gawin ba akong matanda?
“ Ikaw na lang ang soulmate ko ” aba’t may happy face pa sya. Hihihi
“ Yoko pangpatay lang yan... baka mamaya multuhin mo pa ko... hehehe” sabi ko sa kanya.
“ hahaha edi destiny na lang” sagot nya
“ Ano ba mga pick-uplines ng kuya mo yan e...may crushie, summer, babe at kung ano ano pa...” hay naku magkapatid nga kayo ni Ingkong.
“ Si kuya? tsk. sige na nga ikaw ang HUN ko my one and only HUN!” natuwa ako sa sinabi nya I like it.
“ Ok ha, Tignan mo mga tawag ko sa inyo kakaiba... sa kanya Ingkong sa yo Hun kasi Ikaw ang Hunny ko... parang si Pooh bear laging nakadikit sa kanya ang Hunny nya... hahaha” sabi ko habang kinikilig.
“ Ganito na lang, you're my honey and I'll be your bee. I'm forever attracted to you.” Bwisit ka Nash wag mo kong pakiligin..
“ Ayyiiiee dumadamoves ha... pede... kala ko ikaw si winnie the pooh... hahaha… sige ako lang ang hunny mo ha??” kung kanina kinikilig ako ngayon nangingisay na sa kilig… hahaha