"Ano ka ba what are bestfriends for?" sabi nya at hinigit na ako papunta sa mga ramps..
Siya ang kababata ko, sya ang lagi kong kasama noon, pagdumadalaw kami ni Momsy dito sa Pilipinas. Mag bestfriend ang mga mommy namin, Mas matanda sya sa kin ng 3 taon. Natatandaan ko noon nung unang punta namin dito sa Pilipinas. Nagtatago pa ako sa likod ni Momsy di kasi ako sanay na may ibang bata. Wala akong naging kalaro, kaya takot ako sa ibang bata. Natatakot ako at baka awayin nya ako. Pero sadyang mabait ang Bessie ko kinuha nya ang kamay ko at dinala sa kwarto nya. Di nya pinagdamot ang mga laruan nya, nakipaglaro din sya sa kin. Dun lang ako nakaranas na magkaroon ng kaibigan. Ang sarap pala ng Feeling ng ganito may nasasabihan ka ng mga problema, may kadamay ka sa mga kalokohan. Mula noon napapadalas na ang pag punta namin ng sa Pilipinas, I even encourage my parents to let me study here. Para makasama ko sya. Tinuruan nya akong magtagalog para daw di ako maibenta, Hehehe baliw. Lagi syang nandyan when I needed her most, si Helene.
MONTEFALCO MANSION
*Ding Dong* *Ding Dong*
Nandito ako ngaun sa Gate ng mansion ng mga Montefalco. Magdedeliver ako ng muffin na order ni Ingkong.
" Sandali lang po." Binuksan ni manang ang gate.
"Magandang Tanghali po Manang." Bati ko
" Ay kayo pala Ms. Lila. Pasok po kayo. Ba't kayo pa nagdala ng Muffins? Papunta na po ako sa shop nyo e."
" oki lang po may dineliver din ako dito sa subdivision nyo kaya sinabay ko na order ni Ingkong." Ngiti ko
" Oo nga po kanina pa ko kinukulit ni Sir sa Muffin nya, mukhang badtrip nanaman, lam mong yan lang ang nakapagpapakalma sa kanya e."
Pumasok kami sa likod, papunta sa kusina. Kahit matagal na kong nagpupunta dito di pa ko nakakapasok sa ibang parte ng bahay. Palaging sa kusina ang derecho ko. Umupo ako sa stool sa counter at pinatong ang box ng muffins. Binigyan ako ni manang ng isang basong tubig.
"gusto nyo po bang kausapin si Sir?" tanong ni Manang
" Naku wag na ho. Kung bad trip yan di iinisin nanaman ako nyan. Buti pa umalis na ko bago pa nya ako mahuli dito. Hehehe" Patayo na ko ng biglang may nagsalita sa pinto.
" Hun? What bought you here?" si Nash nakatingin sa kin na kumikinang ang mga mata.
" Hi, paalis na ako e. dinala ko lang yung order ng kuya mo." sagot ko sa kanya.
" wait dito ka muna, I'm bored samahan mo muna ako dito." Lumapit sya sa akin at Hinawakan nya ang kamay ko habang naka puppy eyes na nagpapacute sa kin. Waaahh o tukso layuan mo ako... Shemay ang init ng mukha ko. Wag mong sabihing?? Waaahh tingin palang nya nagbablush na ko. Lintek ka Nash wag mo akong pakiligin.
" a, e, m..may gagawin pa ko e." pautal utal kong sagot sa kanya.
" sige na, tara ililibot kita sa bahay namin." Hinila nya ako at inakbayan.
" ang ganda ng bahay nyo," mangha akong tinitignan ang paligid.
Modern ang motif ng sala nila. Very cozy at ang ganda ng ambiance. May library sila ang ganda, daming books nalula ako sa dami ng mga libro sa gilid may fireplace, Fireplace sa pilipinas? At maybaga pa ang fire place. Nilapitan ko ito at namangha ako... ilaw lang pala un di totoong apoy, ang galing. Sa entertainment room parang mini theater ang dating nya, na may mga lazyboy na nagsiswivel, ang kyoot. Then dinala nya ako sa paborito nya daw na kwarto. Oppss.. ano ang iiisip nyo? Wag green whole some ako, Kayo talaga... nagpunta kami sa Music Room.