Second chapter
Tuwing hapon nakakagawian ko ng mglakad lakad sa park bago magdinner. Routine ko na yun pampawala ng stress. Binitbit ko ang aso kong si BTOB para maipasyal na din sya. Ang sarap talaga dito peaceful place at sariwa ang hangin.
Naglalakad kami ng biglang nakawala si BTOB. Tumakbo siya at tumigil sa harap ng lalaking nakayuko. Inamoy amoy ni BTOB ang mukha nung lalaking nakayuko, maya maya pa hinahalikan na nya ang mukha nung lalaki. Parang may malaking dinadala ang lalaki sa hitsura nya. Biglang pinahiran ng lalaki ang kanyang mga pisngi, di nga ako nagkamali umiiyak sya. Nagdadalawang -isip ako kung lalapitan ko ba sya o hahayaan na muna si BTOB sa kanya. Napanasin kong pamilyar ang lalaking nakaupo sa damuhan, kaya't nilapitan ko sya.
" Excuse me, pasensya ka na ha? Naabala ka ata ng aso ko." Sabi ko habang nakatitig sa ulo nyang nakayuko pa din. Inangat nya ang kanyang ulo sa pagkakayuko at tinignan ako. Nagulat ako sa nakita ko, si Nash ang kapatid ni Ingkong, mukhang may problema..
" Nash..." sambit ko lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ang mga kamay nya..
"may problema ba?" tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at tumungo ulit.
" Nash.. ano ba problema mo baka makatulong ako.."
" W.. wala ito.. wag mo na akong pansinin.." tinignan nya ako at ngumiti ng pilit.
" Sige kung ano man yang problema mo iyak mo lang.. dito lang ako sasamahan kita.. You don't have to tell me your problem. I just want to stay here with you para damayan ka kung ano man yang dinadala mo.." di ko alam ang nararamdaman ko. pakiramdam ko naawa ako sa kanya na kinikilig... shocks kinikilig ako, hawak pa din nya ang kamay ko. Ang shonga ko talaga may problema na nga ung tao pinagnanasahan ko pa... hahaha.. ako na ako na ang molondee.
" Maraming salamat Lila.." pinisil nya ang kamay ko.. waaahhh wag mong pisilin Nash. Putek mamamatay na yata ako, mamamatay na ko sa kilig. Hahaha naramdaman kong umiinit ang mukha ko.
" Ano ka ba ok lang yun. Friends naman tayo di ba?" Ngiti ko habang nakatingin sa malayo, Shemay di ako makatingin sa kanya kinikilig ako at mukhang namumula na din. Ang Init na ng mukha ko.
" Lila? May sakit ka ba?" pilit nyang tinitignan ang mukha ko.. at biglang hinawakan ang noo ko.
" ano ba wala no!" sabi ko habang umiiwas sa tingin nya. At hampas sa kamay nya.
" e bakit namumula ang mukha mo?" Toink! Nabuko ako... hahaha
" wala napagod lang ako sa kakahabol kay BTOB kanina. Ang bilis tumakbo e." palusot ko. Sana naman maniwala..
" weeehh di nga?" Pang-aasar nya. Patay mukhang di ako titigilan nito.
" Sige Nash una na ko, mukhang ok ka na naman e." sabi ko sa kanya habang tumatayo. Pero hinila nya ako paluhod ulit. At tinapat ang mukha nya sa mukha ko.
" may gusto ka sa akin no?" waaaahhh ang lapit ng mukha nya, pero Lah feelingero.. kahit crush ko sya medyo nainis ako.
" Hmp, kapatid mo nga si Ingkong ganyang ganyan din yun pag iniinis ako e." sambit ko
" o bakit ka niinis? Wag ka ng mainis type din naman kita e." aba't kinindatan pa ko ng mokong. Waaahhh nawala ang inis ko nung kinindatan ako. Kailangan maka-alis ako dito baka makahalata to.
" Di ka rin feelingero no? bat mo naman nasabi na may gusto ako? Pshhh.." kunwari galit ako.
" Ibig mong sabihin di mo ko type?" pagpapacute nya.