Pang apat

104 1 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at usap usap na pati sa ibang lugar ang nangyari....

Samantalang si Danny, wala ng panahon para bisitahin ang mga kapatid, may lumapit sakanyang isang matandang lalaki na mukhang taga tanod

"Nabalitaan mo na nangyari sa kapatid mo dun sa city hall?"

"Bakit po? anong nangyari?"

"ginahasa yung isang kapatid mo dun iho!! tapos nakunan yung buntis mong kapatid!"

"p-PO??"

Agad siyang pumunta sa city hall para tignan ang lagay ng mga kapatid, GALIT AT POOT ang naramdaman niya ngayon!!

nakita niyang nakahiga at iyak ng iyak si josie habang duguan pa ang suot suot nitong damit, dala ito ng aksidenteng pag kunan sakanya

At yakap yakap nito ang kapatid niyang si Ena na tulala at diretso lang ang tingin

"Anong nangyari??"

"kuya..."

"SABIHIN YON PUCHA! SINONG NAG GAG* SAINYO! "

"ku--ya!"

tuluyan ng nabasag ang boses ni josie, putlang putla pa naman ito.. nanlilisik ang mga mata ni Danny

Inalis niya ang mga kapatid niya sa lugar na iyon at bumalik sila sa bahay nila dahil wala na sialng mapupuntahan

May trauma parin ang dalawa niyang kapatid kaya natatakot itong pumasok sa loob

Nadatnan nila ang ina na nag luluto sa kusina at ngumiti sakanila

"Oh saan nanaman kayo galing? luto na ulam ,kain na kayo!"

sabi niya sa mga anak niya na para bang walang bakas ng pag kabaliw

"Ma..."

"Wag kang lalapit Josie, baliw na yan!"

"Kuya! baka tumino na siya! DIBA MA??"

ngumiti ang kanilang ina sakanila.. at inihanda ang mga pagkain sa lamesa

"oh tara na! kain na kayo!"

sabi nito, pero nag aalangan parin ang magkakapatid sa kinikilos ng ina..

Bigla itong kumuha ng nakapulupot na kumot at binuhat na para bang may bitbit na bata

"Tignan niyo tong bunso niyo, ang tahimik na niya no? hindi na siya maingay!"

sabi ng nanay nila.. inisip nila na akala ng nanay nila na ang bitbit niyang nakapulupot na kumot ay ang kanyang bunsong  anak

"m-aa??"

nabasag nang tuluyan ang boses ni Josie, at humagulgol na ng iyak..

"Ang baliw, habang buhay ng baliw.."

sabi ni Danny, at sunod niyang ginawa ay kumuha siya ng tali at tinali ang kamay ng ina, at kinulong sa kwarto nila..

Iyak ng iyak ang kanyang ina, na para bang ayaw niyang mahiwalay sa mga anak niya.. kada minuto kada oras, tinatawag niya ang pangalan ng mga anak niya

"DANNY ANAKk!! Josie.. Ena!! bunso... Danny.. Josie.. Ena,, bunso!"

habang naririnig yun ng magkapatid, hindi nilang maiwasang masaktan at lumuha sa nangyayari sa nanay nila..

Sinigurado ni Danny na hindi makakalabas ang kanyang ina, para makatulog sila ng matiwasay, napansin nilang tahimik parin hangang ngayon si Ena..

Biglang bumangon si Ena, at pinilit buksan ang nakasaradong kwarto para makapiling ang ina

"ENA ITIGIL MO YAN!!!"

"Ma... mama..."

"ENA ANO KABA??"

sinampal sampal na niya ang kapatid pero tawag parin ito ng tawag sa kanyang ina..

tila nawawala narin sa sarili si Ena dahil sa nangyari sakanya

Tumulo na ang luha ni Ena, nag kulong siya sa kabilang kwarto at hindi na nag pa istorbo pa

Danny Boy ( A mother-son story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon