Una

186 2 0
                                    

Dahil panganay ka, ikaw lahat ang palaging papagalitan

"Puta*** naman ma eh! Si Josie na pabilhin mo ng pampers nyang anak mo! pucha!"

Reklamo ko, hindi pa nga ako nakakakain ng almusal, utos kagad! dagdagan pa ang ingay ng bunganga ng BATANG iyak ng iyak, papatayin ko na yan!!

"Hoy kuya! kapal mo aa.. bakit ako bibili, ako ng nga bumili ng ALMUSAL MO EH!"

"Eh gag* ka pala eh! kumakain ako eh ikaw naka upo kalang diyan!!"

"Ungaaaa.. UNGAAA!"

"PUCHA! MA PATAHIMIKIN MO NGA YANG ANAK MO!! PUTA*** BUHAY TO OH!"

Pero tahimik lang si mama, habang buhat buhat niya yung bunsong kapatid ko, at hinehele hele, at ako nag patuloy na sa pag kain..

Dumating na ang isa ko pang kapatid na babae, mula sa lakwatsa, hindi nga siya dito na tulog, at umaga na umuwi

"Oh sige, magpa umaga ka ng uwi palagi aa.. bata bata mo pa tumutulad kana sa ate mo!!"

sermon ko sakanila..

inirapan lang ako ni Ena, ang kapatid kong pinag sasabihan ko, ou ganito ako sa bahay na ito, tatay na nila ako

hindi na ako nag aral para sakanila, pero puro kalandian lang din pala ang gagawin nila..

"UNGAA!! UNGAA *iyak ng bata "

"pucha ang ingay!!"

"ikaw ang maingay! kuya! bunga nga mo!"

sabi sakin ni Josie

"Alam mo kung hindi kalang buntis malamang matagal kanang patay!"

"Edi patayin mo na ako ngayon!"

"ANO? SABIHIN MONG GAWA! GAGAWIN KO TALAGA!!"

"TAMA NA YAN!!"

napatingin kami kay mama na sumuway samin, tss.. nakakairita sa loob ng bahay, hindi ko na naatim ubusin ang almusal ko at lumabas na ako para iwan sila

Ayokong tumambay sa loob ng bahay, napapaso ang pwet ko kapag andun ako, dito nalang ako sa  labas, kasama ng mga tropa ko..

Walang nakakaalam ng sunod na mangyayari.. Hindi alam ni Danny na sa pag uwi niya, duon na mag babago ang lahat..

Danny Boy ( A mother-son story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon