Pang Anim

87 1 0
                                    

Nakabalik na si Danny sa bahay nila, tahimik, walang ingay..

Kung dati ikinatuwa niya iyon, pero ngayon, para na siyang mababaliw kapag tahimik ang paligid..

Una nyang hinanap ang natitira niyang kapatid, wala sa salas, wala sa kusina, at wala sa kabilang kwarto

Natitira nalang ang isa pang kwartong pinag kukulungan ng ina..

At nakita niya itong bukas na bukas..

Narinig niyang kumakanta ang ina ng isang lullyby

Sinilip niya at nakita nya ang kapatid na si Josie na nakahiga sa hita ng ina sa kama, habang ang bangkay ni Ena ay katabi nito..

naka ngiti si Josie habang kinakantahan siya ng ina at hinihimas ang ulo nito...

Napako sa kinatatayuan si danny, sobrang kaba ang naramdaman niya, sobrang takot, nanginginig, hindi niya alam ang gagawin

nakikita niya ngayon ang kapatid nyang may kasamang isang baliw, at isang bangkay..

hindi na niya alam ang gagawin niya... biglang tumitig sakanya ang kanyang ina..

"Danny.. anak ko!"

tumayo ang ina para lapitan siya, hindi maka atras si Danny, at hindi rin makagalaw sa sobrang takot,

Pakiramdam niya, lumalapit sakanya ang isang demonyong lalapain siya..

Pero.. hindi niya inasahang bigla pala siya nitong yayakapin..

"Danny anak ko, wag kana magalit kay mama huh?"

"p-po??"

"wag kana magalit kay mama, okay? hindi na maingay si Bunso, hindi mo na siya kailangang patayin okay?"

"M-ma??"

Tuluyang nabasag ang boses ni Danny, at sunod sunod na luha ang tumulo sa mga mata niya, gusto niyang yakapin ang kanyang ina, pero hindi niya maiangat ang mga kamay niya sa sobrang takot...

Gusto pa niya sanang mag salita pero hind niya magawa...

"Wag kanang magalit kay mama, at pag pasensyahan mo na si bunso, maingay lang talaga siya, pero tahimik na na siya ngayon.. wag mo na siyang patayin.."

"p-pero ma!"

"Alam niyo naman mahal na mahal kayo ni mama! diba?"

Narinig niyang umiyak narin ang kanyang ina... na siyang ikinadahilan para humagulgol narin ng iyak si Danny...

Nararamdaman niya ang sinabi ng ina, kahit alam niyang baliw na ito, ang sabihan siyang mahal siya nito, ramdam niya

"maa.. i love you po! ma!! Ma!! ma--- sorry ma!! Mahal kita ma!! MAMA!! MAMAA!!"

iyak ng iyak si Danny habang yakap ang ina.. habang ang kanyang ina ay patuloy na hinihimas ang ulo ni Danny

"MA!! MAMA! NATATAKOT NA AKO MA!! MAMA!! MAAAA !!"

pero.. hindi niya inaasahan ang sunod na mangyayari...

Danny Boy ( A mother-son story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon