CHAPTER 3

13 1 0
                                    

"Hahahahha, grabe Reka. nakakatawa talaga tong movie na to" si Steph yan. Katabi ko siya ngaun sa pwesto ko. Actually, pumunta lang yan dito sa kin para manggulo eh. Kunwari pa siyang nanunuod ng "White Chicks" na movie.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag le lay out plano. 2weeks ko na tong tina trabaho. At gusto ko na siyang tapusin ngaung sabado. Para kung sakaling i eedit, hindi ako magagahol sa one month na palugit.

"Ay snob?" pangungurot niya pa sakin.

"aray ko huh. May ginagawa ako and for pete sake, napanuod mo na yan for almost 5 times, hindi ka pa ba nagsasawa? " baling ko sa kanya. Yups starting nung monday ng ipapanuod ko sa kanya ang movie na yan. Ayun, hindi na nagsawa at talagang pinaulit ulit.

"Correction gurl, pang 7 ko na to. Pinanuod ko to sa unit ni Drix" tila namamangha pa siyang pagyayabang sa akin.

"Anu dalawang beses nyung pinanuod?" sarkastikong tanong ko.

"hihi. Ou. Kasi nung una naming panuorin yun. Na distract ako. Panu naman kasi si Drix. Bigla akong hinalikan
Syempre ako naman hin..asfhdjkd."
Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil sinubuan ko ng binilot na papel ang bibig niya. Magkatabi lang kami diba.

"Baka kung san pa mapunta yan kinukwento mo, yung interior ba na pinapagawa sayo natapos mo na?" pag-iiba ko ng topic. Haiys, pag kasi ganun na ang ikukwento niya naku, detalyado at talaga namang mapapa face palm ka.

"I already finished it since yesterday noh, ako pa ba?" pagyayabang niya sa akin. Well, Steph Saldoval is one of the great Interior Designer na nakilala ko.

"Kaya pala lakas mong maka invade sa comfort zone ko lumayas ka na nga may tinatapos pa ko" saad ko pa.

"Sus, sige na nga dito na ko , gudluck sa ginagawa mo Architect" pagewang gewang pa siyang nagmarsha pa layo sa akin.
Napailing nalang ako.

After 2 hours....

Yes, sa wakas natapos ko na din. Anung time na ba? 3:37pm. Basa ko sa orasan na nasa desktop ko. Tamang tama lang pala para makapag early out ako. Naubusan na ko ng stock sa apartment ko magsha shopping muna ako.

Tumayo na ko at nag ayos ng gamit ko. Nang makatapos ay tinignan ko ang pwesto ni Steph. Asan na yung babaeng iyon?

"Meri, asan si Steph? " tanong ko sa katabing table ni Steph.

" Umuwi na kanina pa. Hindi ba nagpa alam pa sayo..hindi mu nga daw siya sinagot eh" sagot sakin ni Meri.

Under the Beautiful StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon