CHAPTER 9

19 0 0
                                    

Click click click
Offset 0.20m
pull 3.0 mts.
command
Orbit
Pan pan pan
Move
Orbit
Standard View
Top

"You look pale" nagulat ako nang biglang lumitaw si Steph sa gilid ko. Kasalukuyan kasi akong nag i Sketch-up ng ginagawa kong project.

Actually, kanina pa sumasakit ang ulo ko. Pag gising ko hindi na maganda ang pakiramdam ko.
At sa panggugulat sakin ni Steph mas lalong pumintig ang pagkirot nito.

Wala sa sariling minasahe ko ang sintido ko.

"Masakit ang ulo ko" sagot ko kay Steph.

"Halata nga. Alangang masakit ang tiyan mo e sintido mo ang hinilot mo" sarkastikong sagot sakin ni Steph.

Binato ko nga ng takip ng ballpen ko. At tumawa lang ang loka. Nakita ko namang kinuwa niya ang upuan at umupong paharap sa akin.

"Nag pa kang kang ka na ba kay Izzy?"

"Pa what?" anung kang kang pinagsasabi nito.

"Pa Kang -Kang" makahulugan siyang ngumiti sakin.

At sa mga ngiting yan. Hay naku gets ko na kung anu yung pakang kang na yan.

"Eto oh" inabot ko sa kanya ang wet tissue malapit sakin.

"Aanhin ko to?" tanong niya pagka kuwa niya ng inabot ko.

"Punasan mo ang utak mo, ang dumi" naka smirk kong tugon sa kanya.

"Sus.. " sabay tapik niya sa balikat ko. "..ano wala padin, hanggang chukchak lang kayo?" hirit pa niya.

"Eto oh" abot ko ulit ng panibagong wet tissue sa kanya.

"Ayy naku tigilan mo ko sa kaka bigay mo ng wet tissue na yan ahh tinatanong lang kita, be open minded" naka irap pa niyang sagot habang inilalayo ang inaabot kong tissue.

"Pag open minded, open legs nadin?" tanong ko sa kanya.
Shit. Nakaka offend ata ang pagkakasagot ko. Napansin kong medyo natigilan siya.

"If i don't know you. I might get offended.,Pero knowing you. Walang preno talaga yang bibig mo. Haiys Hindi naman sa ganun"

Napa buntong hininga lang ako. Shit. Sobrang kirot talaga ng ulo ko.

"Okey, hindi na kita tatanungin. Pero you look pale talaga," sasagot pa sana pero naramdaman ko nalang na sinisipat na ni Steph ang noo ko.

"God. Ang init mo" naka kunot pa ang noo niyang bulalas sakin.

Agad ko namang sinipat ang sarili ko. Oo nga takte. Ang init ko nga.

"Mag half day ka nalang. Masyado ka nang na oover work" nag aalala niyang suhestyon sa akin.

Under the Beautiful StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon