DTL-Chapter 1

2.2K 19 5
                                    

Diary ng mga Torpeng Lalaki

© Coldprinces @2014

Kapitulo  1

Natigilan si Rain sa paglalakad ng marinig niya ang tawa ng isang babae, sinundan niya ito at nanlaki ang mata ng makita si Umbrella. Hindi niya ito inakala,pagkatapos ng mahabang panahon ay nakita niya ulit na tumatawa ito,

Nag-bell na’t kaya’t dali-dali siyang umakyat sa 4th floor para pumasok sa una niyang klase,Trigonometry,paborito niyang subject,hindi siya nerd na inaakala mo, matalino lang talaga siya at mahilig sa Mathematics, sumulyap sa kanya lahat ng babae pagkapasok niya,pilit na tumitili,hindi naman siya nagmamayabang pero alam niya sa sarili niyang gwapo siya, torpe nga lang..

 

 

Umupo siya sa likod at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat nang pagkaraa’y  ibaba na niya ang libro sa mukha ay muntikan na siyang mahulog sa kinakaupuan niya ng makita na nasa unahan na niya ng upuan si Umbrella at Wayne,si Umbrella na mahal niya at si Wayne na mahal ni Umbrella, inabala niya ulit ang sarili niya sa pagbabasa pero hindi niya maiwasang hindi makinig sa usupan nila, hinilig niya ang ulo para mas malinaw at mas marinig niya pa ito habang nakatabon ang aklat sa mukha nito.

“Mahal na mahal kita Umbrella,hindi-hindi ko hahayaang maagaw ka ng iba,ipaglalabanan natin ang pagmamahal natin,ha? Pero ikaw,wag kang bumitaw sa akin,hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ka sa akin,ha?”

“Hinding-hindi kita papakawalan Wayne,ipapaglaban kita hanggang sa kamatayan, mahal na mahal kita Wayne”

“Mas mahal kita Umbrella,” napangiwi siya sa narinig, bukod sa sakit na naramdaman ay parang bumaliktad ang sikmura niya sa mga narinig niya.

Bumalik nalang siya sa kinauupuan niya at bumaling sa gurong kanina pa nagsasalita sa harapan,Maam Bernardo ang pangalan,nagkaroon nang bunutan kung sinong makakapartner para sa First grading project, bumunot siya sa harapan at, as usual hindi na naman si Umbrella ang nabunot niya,

“Sinong nabunot mo Mr.Rain?”

“Kyaaahhhh! Ang pogi niya talaga”

“Oo nga,crush ko na siya gurl”

“OMG! Mas pogi siya kay Fafa Wayne”

“GRRR! Trisha! Asaan na yung Ballpen ko?”

“Aba’y malay ko,bakit mo sa akin tinatanong”

“Si Denise Neysi ho Maam Bernardo” Aniya habang nakatangin sa kapirasong papel,

“Ok class, Sino dito si Denise Neysi?”

Nakita niyang tumayo ang babaeng chinita,medyo maputi,matangkad at may mahabang buhok, simple lang ito kaya hindi ito kapansin-pansin sa iba. Mukha naman itong matino kaya ayos na ito sa kanya.

“Yiiiiiiiiiiiiiiiiiii~” patuloy na nanunukso ang buong klase sa kanilang dalawa, hindi niya ito pinansin sa halip ay pinasadahan niya ng tingin si Umbrella na nakangiting kinakausap si Wayne, napaiiling na lamang siya at bumalik na sa kinauupuan, ininda ang sakit na nararamdaman at muling tumingin sa nabunot niyang si Denise na nakatitig din sa kanya, naweirduhan siya kaya nagbasa nalang ulit siya ng libro.

Diary ng Mga Torpeng LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon