Chapter 4: A new life

220 3 5
                                    

Kath's POV

Pagmulat ng mata ko. Napangiti agad ako. Gwapo naman pala ang tinatawag na pangit at angas noon. Masarap pala sa feeling yung pag gising na katabi mo pala ang taong mahal mo. At nararamdaman mo pa ang pagmamahal niya dahil sa yakap niya. 

Habang tinititigan ko siya ay hindi ko namalayan na gising na rin pala ang lalaking mahal ko.

"Good morning asawa ko." sabi niya kahit husky pa ang boses niya. Oh sht! Ang hot naman.

"Good morning din!" sagot ko sa kanya na may sabay na ngiti. Hindi ko talaga mapagkakaila na mahal na mahal ko itong lalaki na ito.

Tinitigan ko ang kwarto na pinagawa para sa aming dalawa. Maganda naman pala ito. Warm, nice, and modern. Yung makaka kuha talaga ng atensyon ng mga tao. Pero mukhang hindi nakuha ang atensyon ko eh. Kasi nasa iba yung atensyon ko. Hihi

"Tulala ka ata?" tanong ni DJ habang tumatawa-tawa. Hinampas ko siya ng unan, "Sus! Bakit mo alam? Kanina mo pa ako tinititigan no?" pang-aasar ko sa kanya. 

Siya naman ang namula. Nako! Tama pala ang hinala ko sa kanya. Tumayo na ako galing sa kama. Kung sa view pa ni Daniel ay nakatalikod ako.

"Magbihis ka nga ng maayos." sabi niya. Mukhang wala namang mali sa suot ko ah? Naka shorts ako, sando, at WALANG BRA! Omg. Nakakahiya. Napalaki tuloy ang mata ko.

"Ang hot mo kasi." sabay takbo papuntang CR. Na ano yun? Mukhang baliw. Dinala pa ang unan papuntang CR. Parang may tinatago kasi siya eh. Bahala siya dyan, bababa nalang ako at magluluto.

Habang nagluluto ako ay may biglang sumigaw, "Hmmm! Ang bango naman 'yan." Napangiti naman ako dahil alam kong magaling talaga akong magluto. Ito na rin ang nakahiligan ko. Papalapit siya sakin. Akala ko ang ulam ang aamoyin niya. Nilapit niya ang ulo niya sa leeg ko, "Hmm. Ang bango talaga."

Nanaas tuloy ang balahibo ko. "Ano ba DJ! Ang baho baho ko pa. Di pa ako naliligo." sabi ko. Tinitigan ko siya ng masama at napa-pout naman siya. Kahit kelan talaga ay napacute ng lalaki na ito. Dapat unti-unti ko ng sanayin ang sarili ko na wala na kaming katulong at kami lang dalawa ang nasa condo na ito.

"Kahit na wala ka namang ligo ay napakabango mo parin." sabi niya habang tinaas-baba pa ang kilay. Nang-aasar ba 'to? "Gusto nga kitang kagatin eh." dagdag niya pa.

Namula tuloy ako dahilan ng pagtawa niya. Bampira kaya 'tong magiging asawa ko? Nakakatakot! Hindi naman siguro. Kay gandang lahi kaya nila. Maganda mama niya, gwapo naman papa niya, anyare sa kanya? HAHAHA. Joke lang.

Pagkatapos kong magluto ay inilagay ko na ang lahat ng pagkain sa lamesa. "Tara! Kain na tayo." pag-aaya ko sa kanya. "Talaga? Tara. Excited na akong kumagat." sabi niya at hinampas ko naman siya.

"Na ano ka? Wala naman akong sinabi ah?" pagdedepensa niya sa kanyang sarili habang tumatawa. Napakunot naman ang noo ko.

"Joke lang naman. Ikaw naman, sineseryoso mo lahat. Huwag kang mag-alala. Nirerespeto kita." sabi niya sabay ngisi at hinalikan ang noo ko.

Bigla nalang namula ang buong katawan ko lalo na ang mukha ko, ano ba tong lalaki na ito? Pinapakilig ako eh.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang may tumawag sa akin. Nakita ko naman sa screen na si Isaac ang tumatawag. Sinagot ko naman.

"Isaac!" sagot ko ng pasigaw. Napakunot naman ang noo ni DJ. Sinenyasan ko siya ng 'wait lang'

Matapos kong kausapin si Isaac ay bumalik na ako sa lamesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arranged Marriage?! (A KathNiel Teen Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon