Chapter 6: Truth

26 7 0
                                    

Chapter 6: Truth
Kaden's POV

Nakakabanas. Nakakainis. Nakakapikon. Nung una, may kausap si Sofia na lalake. Ngayon naman, hinalikan siya ni Yves. Hindi ko alam nararamdaman ko ngayon. Nakakalito. Nag walk out ako kanina habang nag lalaro sila ng truth or dare. Ano ba talaga yung nararamdaman ko?

Ang saya saya ko kasi pag kasama ko si Sofia. Ang saya ko kapag masaya siya, pero kanina nung nakikipagtawan siya sa lalakeng kakwentuhan niya.... Parang gusto kong manapak. Hindi ko din alam kung bakit sinabi kong si Bi ang pinakamaganda sa kanilang apat, ang totoo naman kasi.... Si Sofia lang naman ang maganda para sakin eh.

Nung una ko nakita si Sofia sa bar nun. Na love at first sight ako... Corny man wala akong pake. Sinundan ko siya nung pauwi na siya kaso, lasing ako nun kaya nabunggo ko yung kotse niya sa likod. Nung lumapit siya sakin ay hindi ko alam gagawin ko. Sa sobrang nerbyos ko, ininis ko na lang siya. To make it short, sa una palang gusto ko na si Sofia. Kaya nga ako pumayag sa Deal na maging slave niya ay para mapalapit ako sa kanya.

Hindi ko pa naranasan mag mahal ng totoo. Sa 17 years na tagal ko dito sa mundo ngayon ko lang naranasan umibig ng tunay. Ano bang nangyayari sakin? Para na akong bakla dito. Oy! Hindi ako bakla ha! Nababaliw na ata ako. Nababaliw sa kakaisip Kay Sofia.

Andito ako ngayon nakaupo sa buhangin at nakaharap sa dagat. Nag iisip kung ano na yung gagawin. This is Sofia's fault kaya ako nagkakaganto. Joke lang, kasalanan ko toh. Masyado kasi akong mabagal at medyo torpe pero konting konti lang.

"oy pre!" nakakagulat naman tong si Julian, sumusulpot sulpot nalang

"bakit?"

"alam mo pare, halata naman na mahal mo si Sofia eh. Type ko pa naman siya kaso nauna ka kaya sayong sayo na siya. AY! Hindi pala siya sayong sayo may kahati ka pala. Ang bagal mo kasi pre! Nauunahan ka tuloy ni Yves. Kaibigan ko din naman si Yves kaso nga lang ang gusto ko para kay Sofia ay ikaw. Kaya Kaden bilis bilisan mo, masyado ka kasing torpe."pagkatapos nun ay tumayo na siya at naglakad palayo.

Hindi naman ako 'masyadong torpe', masyadong mabilis lang talaga si Yves at yung ibang lalake. Ano ng gagawin ko?

-----

Sofia's POV

Bakit nag walkout Yun? Anong nangyari dun? Medyo na aw-awkwardan na ako dito. Gusto ko sanang Sundan si Kaden kaso naiinis ako sa kanya. Edi si Bi...tch na yung maganda, siya na! Basta ang alam ko mas maganda ako. Kahit itanong pa niya kahit kanino mas maganda ako. Wala lang siyang taste!

Nagsipunta na din kami sa kwarto namin pagkatapos maglaro. Hindi parin ako makatulog dahil... iniisip ko si Kaden. Bakit nga ba siya umalis kanina? Para sa kanya ba mas maganda si Bi kesa sakin? Bakit di niya ba ako pinapansin? Parang kahapon lang nanood pa kami ng movie sa bahay ko, tapos ngayon parang hindi na niya ako kilala. May pa walkout walkout pa siyang nalalaman. Haayyy... Bahala na nga siya sa buhay niya.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad lakad malapit sa beach. Naupo ako at niyakap ko yung sarili ko, medyo malamig na kasi dito. Ayoko naman umakyat ulit sa kwarto ko para manguha ng jacket. Nagulat ako ng may nagpatong ng jacket sa balikat ko, lumingon ako para makita kung sino. And guess who? Si Kaden

"juliet, bakit hindi ka pa natutulog?"tanong niya at naupo katabi ko.

'dahil iniisip kita'

Pero siyempre hindi ko sinabi yun. "iniisip mo ko?" mind reader ba siya o nasabi ko lang talaga yun?

"hahahaha hindi ako mind reader nasasabi mo lang talaga ng malakas"

"baka naman mali narinig mo, ang sabi ko kasi kanina kaya hindi ako makatulog dahil... Dahil-"

"okay lang yun iniisip din naman kita" iniisip niya din ako?

"ha?"

"wala ang sabi ko matulog ka na" itinayo niya ako at hinatid sa kwarto. Isasara ko na sana yung pintuan kaso hinarang niya

"good night, sweet dreams, I love you"pagkasabi niya non siya na yung nagsara ng pinto. Nag I love you ba siya? O nag iilusyon lang ako?

Aaahhhh mas hindi ako mapakali nagyon! Si Kaden kasi eh! Sinabi niya ba talaga yon? Mahal niya ako? Aaminin ko I.... I like him pero- pero kasi I have trust issues right now. Si Kaden ay isang badboy katulad ng EX ko, paano kung saktan niya din ako? Paano kung iwanan din ako ni Kaden? Paano kung masaktan na naman ako? No. No. No. No. Ayoko ng masaktan ulit. Am I starting to fall for him? Or na fall na ako?

-----

Monday na ngayon at magsisimula na naman ang boring na klase. Sinundo ulit ako ni Kaden sa bahay namin. Siyempre pagbaba namin ng kotse niya back to fake relationship na naman. Bakit kasi kailangan maging gwapo siya? Iyan tuloy nababalow sa kanya yung mga babae. Pero hindi ko naman masisi yung mga babae eh, gwapo at hot naman talaga siya. Medyo mabait din pero ako? Never akong mafa-fall ulit sa isang badboy. Katulad lang din siya ng EX ko na sa una lang. Ayaw ko na sa badboy. Ayaw ko ng magmahal. Ayaw ko ng masaktan. Ayaw ko ng maiwan. Ayaw ko na.

"Juliet! Uy! Juliet!"rinig kong may tumawag sakin

"Ah! Oh? Bakit?"tanong ko ng mabalik na ako sa sarili ko

"Parang ang lalim ng iniisip mo? Share ka naman"

"Anong share? Close tayo, close tayo!?!? Parang last week lang magkaaway tayo. Mr. Zedler hindi tayo friends"sabi ko sa kanya na nagpangiti sa kanya. Sabi ko hinsi kami friends tapos nakangiti siya ngayon. Anyare? Ba't siya nakangiti?

"Hindi tayo friends? Edi more than friends pala tayo?"

"Hindi tayo friends. Hindi tayo more than friends. Hindi din tayo best friends at lalong hindi tayo friends with benefit!!!"sigaw ko

"Edi girlfriend at mag boyfriend pala tayo?"sabi niya habang ine-emphasized yung word na friend

"Just a fake one! At hinding hindi magiging totoo!"

"Bakit ba ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?"

"Wala ka ng pake doon. At kaden, lets stop this fake relations tutal hindi ka na nila sinusundan at iniinis ngayon kaya tapos na yung work ko dito"hindi ko na hinintay yung isasagot niya at umalis doon.

_____
Happy reading!
Pa follow po😊

The Broken Bad Girl (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon