CTRL+Z

68 4 2
                                    



Umuulan .Sumasabay ang panahon sa patak ngaking mga luha,sa pagbagsak ng aking emosyon, Tama nga sila ,malamig nga ang pasko . Hinang-hina na ako .Pagod na pagod.. Gusto ko nang sumuko .

Ngunit ano nga ba ang mas masakit ?Ang mawala ka ng dahan-dahan o mawala ka ng isang iglap lang ?


Hindi ko maintndhan ,miski ang sarili ko .. hindi ko maipaliwanag .Minahal agad kita..


Bakit?

Hindi ko din alam ..at wala akong balak alamin ,, Kase ang pagmamahal hindi ipinapaliwanag.. pinaparamdam. Sana kahit papano .mahal mo rin ak—

Ilusyon.

Pangarap.

At isa pang ilusyon.

Parang sinabi ko lang na lumilipad ang elepante. Uulan ng pera ,Dadating si Santa Claus , Puputi ang uwak . Puputi ako ..ehem! Nasamid ata ako :3In short .. imposible. Wala nga talagang forever..

Pero gano man kaimposible ang lahat ,maghahanap at maghahanap ka pa din ng paraan , gaano man kakumplikado ang sitwasyon .hahanap at hahanap ka ng solusyon .. 

Kung ayaw may dahilan kung gusto may paraan,ipipilit pa rin natin ung gusto natin kahit gano pa tayo maging mukhang tanga.Ipagpapalit ang lahat alang-alang sa mahal mo.

Oo na..aaminin ko .. tanga pa din ako dahil sayo .


(n/a:Wala akong pinaglalaban ! haha! grin emoticon trip ko lang humugot .! interesado ka ? basahin mo to now na!:D salamat :D)

Simula.

BUwan ng hunyo.Unang araw ngklase .eto ang mahirap sa mga kapwa ko estudyante,lalo na pag tamad ka ng pumila sa kahabaan ng registrar. AKala ko relief goods lang ang nakakaranas ng ganitong katinding pila ,pati COR din pala .


Ung COR ba ? Ito lang naman yung crosswise na papel na kapag nawala mo e wag ka ng magtangkang pumasok..at higit sa lahat wala kang refund sa PUP . Kaya pala ganito ka in demand tong pesteng papel na to..sobrang determinado angmga estudyante,ang daming binaong tyaga't pasensya lalo na't nakatayo kang pipila .


Binilang ko sa isip kung pang-ilan ako , 10 eksakto .. , 2:30 pa lang naman alas- singko pa pasok ko .. 

Nag-inat inat akong kaunti sa pwesto ko .. ang boring .. ni wala akong kakilala o kasabay dito .totally stranger ika nga..

Lumipas ang oras ..

3:00


:30


4:00

ANG TAGGAALLLL !mag eend of the world na wala pa din akong COR ! asar! Abacus pa ata yung gamit ng registrar pambilang .. Anak ng scientific calculator !

"Mr. Adrian Zedrick Bustamante",(insert hallelujiah!)tawag mula sa langit.

"Adrian Zedrick Bustamante! ", este tawag mula sa registrar ..

Oh yess! After so 12345354667 years !sa wakas! Mag ka kaCOR na ko !makakapagaral na ko , makakapasok at higit sa lahat, may refund nako !!!!! yes!! Wala na kong proble---


"Nawalan ng internet "walang emosyong sagot ng babae.


CTRL+ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon