Rivi's POVZedrick is my bestfriend.
Simula grade 2. Siya ung unang unang kumausap sakin nung elementary ako. Mabait siya,matalino ,makulit ,pogi daw sya sabe niya.
Masyado akong mahiyain noon,pero eto siya kinakausap ako, laging kinukulit ,inaasar . Hindi ko siya maiwasan , alphabetical kase ang arrangement ng upuan namen.
Kung minamalas ka nga naman , Bustamante siya , Anievas naman ako.
Sa bawat araw ng walong taong pag-aaral, kami ang laging magkasama . Siya ang kapartner ko sa kalokohan , saya,lungkot ,kakopyahan sa assignment,kaagaw sa pagkain, pantitrip sa mga teacher ,kalaro sa piko ,kulitan sa hallway ,habulan sa playground . At higit sa lahat,siya ang unang takbuhan ko pag may dumarating na problema.
He knows everything about me .
Alam niya kung papano ako papasayahin , bibili siya agad ng Nova para sakin.
Alam niya kung papano ako papaiyakin, he will sing "Broken vow " para paiyakin ako . That song reminds me how papa left us .
Alam niya rin kung papano ako gagalitin , aasarin niya ko na hindi ako nananakawan kase malaki raw ang mata ko .
Masaya magkaroon ng bestfriend . At masaya ako na si zedrick ang bestfriend ko .
Pero sabi nila , dadating ang araw na mawawala din yang closeness naming dalawa , tinawanan ko lang sila . Dahil sa sitwasyon namin ngayon . Malabo mangyari yon .
1st year college , 2nd semester , dun ko lang napansin . Yung bestfriend kong sandalan ko sa lahat ng bagay , naglaho na lang na parang bula. Wala na pala akong kasama , nagiisa na lang pala ako , nagiisa na lang ako dito sa tinahak kong mundo ,ang madilim na buhay ng estudyanteng nangangarap n maging inhinyero.
----
"Please pass your papers forward "
Dali-dali akong nagsasagot ng final exam habang tinatantya ang tingin ng professor namin sa college algebra . Natural na yan sa mga estudyante , last minute kung magdesisyon kapag exam . At pagkatapos paspasan ang pagsasagot, sabay sasabihing bahala na si batman.
Kinalabit ako ni aezeele sa likod , "Bilisan mo, nakatingin na dito si sir, baka nadamay pa sa late ung akin !"
"Bahala na nga ! " Lord , kayo na po ang bahala saken
Pinasa ko na ang papel ko .Scratch that. Pinasa ko na ang blankong papel ko . Napakabigat talaga sa pakiramdam, yung tipong alam mo nang bagsak ka kahit d pa nachecheckan , yung alam mong talo ka na kaht di ka pa lumalaban .
Tumunog na ang bell , naggagayak na ang lahat para umuwi at ipahinga ang sarili. Tapos na ang kalbaryo. Tapos na ang panahon ng impyerno . Ito na kasi ang huling eksamin namin para sa midterm .
Naginat- inat ako , "hayy salamat ! Makakapagpahinga na din ak-- "
"Anievas ! "
Si sir. Halata sa sigaw niya na galit siya habang nakatitig sa isang testpaper. Pupusta ako , akin ang papel na yun .
"Seryoso ka ba sa subject ko ha??! Pinadali ko ang exam ,ginawa kong 1 to 10 lang ! At isa lang ang sagot mo ? ! " wika niya habang binabalandra sa mukha ko ung kahihiyan na sinapit ng papel ko . Kulang na lang ipakain niya sa akin ung papel ko , hello ?? Hindi ba siya aware na malaki ung mata ko .psh.
"Eh sir buti nga may sagot ako kahit isa e ,yung iba wala "
Napatayo si sir. Nakakatakot ang tingin niya , ngumiti ako sa kanya pero wrong move , mas lalo pa ata syang nainsulto sa pagngiti ko.
BINABASA MO ANG
CTRL+Z
RandomPROLOGUE: Kung magkakaroon ka ba ng pagkakataong balikan ang nakaraan , ano o sino ang babalikan mo at bakit ? Alam ko , isa ka ring katulad ko ,umaasa , nangangarap , na sana pwede pa , kaya pa , magiging ok pa . pero tanggapin na natin ,Sa buh...