CHAP 6:ANG HIWAGA NG ASUL NA NGIPIN

90 3 4
                                    


Dinededicate ko to sayo .. OO sayo! Sana magbago na tayo

Zedie's POV

Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko . I dont want to dissapoint my family , my
school . Ayoko ng may palyang grades kung maaari .

SIMPLIFY : 1. ((x2/15y(‑10/2)‑2
z4/5*7/5)-1/5
(y3/‑4*2 z3/5 x(3*2/4)5)1/7 *3)-5/10

2. ((a5/15c(‑11/2)‑2 b4/5*7/8)-1/2
(c3/‑5*2 b1/6 a(3*2/2)10)-1/7 )-5/2

Napakakumplikado ng college algebra kung tititigan mo lang , pero sa kada ayos mo ng mumunting numero bawat pagitan nito ,makikita mo , magiging malinaw na ang lahat . Pwede ka ng magpasipol sipol sabi nga ni sir Matias:D

"anak , magkape ka muna " ,  si mama ,patungo sa direksyon ko habang naghahalo ng kape na para raw sakin .

Di ako natinag sa pagsasagot , "salamat ma ",tugon ko sa kanya .



Pasado alas tres ng umaga , nagsimula ako ng alas diyes ng gabi .Tahimik , tanging pagtik-tok lang ng orasan ang maririnig .Binabantayan ako ng isang mumunting liwanag sa lampara , biskwit sa bandang kaliwa , at kape na tila dinapuan na ng antok dahil sa lamig ng panahon . Handog sa akin iyon ni mama ngunit hindi ko naman ininom .

Dahil tiyaga , sipag ,determinasyon ang nagsilbing kape para sa akin , para intindihin ang di maintindihan , basahin ang di maunawaan , sagutan ang di kayang sagutan .

Dahil sabi ng aking ama " Hindi kailanman maaabot ng natural na husay ang kayang abutin ng pinagsamang talino at kasipagan" , kaya heto ako ngayon nagpupursigi sa pag-aaral, sa ilalim ng buwan .


---



 "anak gising na , tanghali na ! " , sigaw ni mama habang kumakatok sa pinto .



" Gising na po ako mama ",Pupungas- pungas pa ako ng mata habang pinagbubuksan ko siya ng pinto.

"Halina't sabayan mo ang tatay mo mag-almusal",nagligpit muna ako ng higaan bago sumunod kay mama . Pero hindi
niya ko iniwanan ,andoon lang siya sa pinto . Alam niya kasing dadalawin pa ako ulit ng antok .

Inabot ko ang cellphone ko bago
sumandok ng sinangag .

" Kit nagreview ka ? " - message sent

Then i start eating my breakfast ...


kit replied . "Hindi .. "



"Sus, as usual naman " isip-isip ko ..

"sabay tayo pasok ? , asan ka na ? paalis na ko "-message sent


Kit replied."Dito na ko school , sa may GYM whatever ! "naalala ko tuloy ung gym kuno .haha :D




Since walking distance lang ang PUP sa bahay namen ,... nagtricycle ako haha !
medyo bangag pa kase ako at parang wala sa sarili .


Pero pagdating ko ,..

"ganito kase yan , if the exponent of x is negative or any variable ng exponent na negative at nasa taas siya , dapat ilagay mo sa baba , " ,nagulat ako sa mga nakikita ko ,Almost half of my classmates nasa court ! lahat sila may hawak na papel at ballpen , lahat nakikinig ! Ganito ang tinatawag na ECE students Sino yung nagtuturo ? Si zanra espuerta ba yun ? di ko matandaan .


CTRL+ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon