CHAP 4 :KIT'S CRUSH :)

31 3 3
                                    

(KIT'S POV)



"Miss Rovi Kate Alejandro!",tawag saken ni Sir Danny .


"Since you're not listening,solve this one .If 2x-24 is equals to 25, what is x ? ",naku lagot beastmode si sir .


"Ahh.. ehh .. ",

Lumingon-lingon ako , na kunwari'y nagiisip , pero hindi ko talaga alam ,pasimple kong kinalabit si zedie pero hindi niya ko pinansin.

"Ah ehh ", kinakabahan na ko.

"hindi mo alam Ms. Alejandro?! " biglang kumunot ang noo ni sir .


Napayuko na lang ako , nakakahiya, alam kong madali lang ung tanong pero bakit hindi ko kayang sagutan ? Bakit kahit isang step hindi ko alam?




"24.5" bulong sakin ni zedie .





"24.5 po sir ",nakayukong sagot ko ,phew ! muntik na ko don ahh , pag hindi ka kase nakasagot sa kanya  ,nanganganib ka nang makapasa . He's the terror of the terrors! 




Haisst .Umupo na ko . Panigurado may sermo--



"Uso ang makinig kit , hindi ung nagfafacebook ka jan habang nagkaklase ",sabe na eh ,may sermon na susunod to . 



"Kase kit , reviewhin mo ung chap 1 to chap --"



"oo na wag ka na maingay , nagdidiscuss si sir , mamaya ka na magsermon ",saway ko .



"Akin na nga yan ", sabay hablot sa phone ko .Waaaaah !! MAgiistatus pa ko na nakasagot ako kay sir e ,


"Dapat dito ginagamit sa importanteng bagay ,hindi sa walang katuturan .Mamaya mo na kunin saken to , pagkatapos ng klase ",sabay bulsa sa Samsung phone ko .



Wala akong nagawa , sumunod na lang ako , tama naman siya e . Hindi ako nakikinig sa lessons. Wala kase akong balak makinig .Wala akong balak gumawa ng assignment , wala akong balak magreview .wala akong balak magrecite.



WALA .. As in wala.. 



Pero eto ako ngayon , nakikinig kahit walang maintindihan , nagsusulat kahit hindi  alam  kung ano yung sinusulat . Binabasa ang ayaw mong basahin , Tinitingnan ang ayaw mo makita .Iniisip ang mahirap isipin , Mamahalin ang di dapat mahalin !



Ayoko talaga ng math -_- . Pero lahat ng bagay daw ay may math.Bumili ka , may math .dipa,agwat,timbang ,layo,distansya ,sukat,metro,tubig,kuryente, may math .maligo ka, may math , Kumain ka, math pa din !Kahit umihi ka may tinatawag na projectile motion -__- .Jusko , math pa din..



One time tinawag ako ng kasipagan, pinilit ko magreview , kaso mga ilang minuto lang suko na ko . Eh pano , daig pa mag-utos nung math kesa sa nanay ko.Solve this!Calculate !Identify! Ipagtimpla mo ko ng kape !ipaghugas mo ko ng pwet ! Alipin !

Ang hard ng math saken -_- pinaghahanap niya ko ng x eh NBSB ako , loko pala sya eh , kaya hindi ko sinagutan halos lahat ng tanong sa 1st quiz namen kay sir danny.  5 over 50 lang tuloy ako .



Nakakunot ang noo ko habang nagsusulat ,ayoko na . Suko na ko :'( Ayoko na dito sa ECE. Magshishift na lang ako next sem . 

"galit ka ? " tanong saken ni zedie , tila concern sa pagmumukha ko , minsan lang kase ako magseryoso e ,madalas kase nakangiti ako .

"eto na oh " ,sabay abot sa'kin ng cellphone ko.

"Mamaya na , nagsusulat ako e  ",pakipot ko . Eh kaso baka nagchat na si crush don e .

Tumunog ung phone ko . Alam kong messenger yon kase unique ung tunog ng messenger ko .

"Renz ? sino to ? "

"Waaaaah !! akina yan !!",pilit ko kinukuha ung phone ko sa kanya, baka may mabasa sya don :(

"sino muna to ? "

"basta!akin na kase !",sigaw ko sa kanya , buti nlng lumabas si sir,bumili ata ng  fit & right -_-

"Ano Rovi Kate Alejandro? ?! crush mo si Renz Collin Reyes  ? !" sigaw niya, hala !may gaadddd! nasan na ung kahihiyan ko -_- . nakita kong lumingon si renz. Hala , tumingin sya , :(  . Alam kong narinig niya ,. Hala, baka isipin niya na ang cheap ko ,kase crush ko agad siya :(.Anong gagawin ko??. Youre  dead Mr. Zedrick Bustamante!


"Diba kit?! crush mo si r-----",tinakpan ko yung bibig niya, di kase titigil to e . 

"Ang daldal mo talaga zedie ! nakakainis ka ! sarap mo pektusan e ! "

"mm---mm! , joke lang naman e, ang pangit ng lasa ng kamay mo ,galing kabang CR ? "

"Oo kakahugas ko lang  ,ang sarap diba -_- "beast mode na ko , oo! sobra , Si Renz kase eh tinatawanan ako . Wala na kong mukhang maihaharap sa tao -_-.

"Anjan na si sir , wag kayong maingay ",biglang singit ni johnmark.

Mas lalo akong hindi ginanahan makinig ,Ano kayang iisipin sakin ni Renz .Ang cheap ko naman masyado ,ilang linggo pa lang nakikita crush ko na agad siya , bwisit kase tong si zedie e !Kung ano-ano sinasabe  -_- .Hindi naman kase totoo yun e. Hindi nga ba totoo ?? 

 maygadd!!Miski sarili kong utak kontra sa iniisip ko .Mag-uuwian na badtrip pa din ako -_-.

"Bat mo sinigaw yon ? hndi naman totoo -_-",tanong ko sa kaniya,habang naglalalakad pauwi. 

"I'm 100 percent sure kit ", sabay subo ng bida na may suka. 

"Naaapektuhan na ng bida yang utak mo zedie -_- .kung ano-ano na ung inisip mo "

"Buti nga saken may maaapektuhan , pag kumain ka kaya neto may maapektuhan kaya ? ",ang hard talaga saken neto -_-

"Yabang mo talaga -_- .Pero pano mo nga nasabe ? " ,tanong ko . 

"Simple lang , tiningnan ko sa oras ng chat mo kay renz , I saw 11 pm , and that's one of the signs ",paliwanag niya .

Tanda ko pa , nagigising ako ng 11 pm just to say goodnight to him , and also ichecheck ko kung nagchat na sya , lagi akong excited. Everytime na tutunog ung phone ko , im hoping that it was him .Lagi akong umaasa , naghihintay , kahit maximum of 3 words lang ung chat niya .Kung hindi "ok" ," ge"  ung reply niya, minsan puro  "ahh ganun " , .Masaya pa din ako, hanggang kelan  kaya ? 

"Tandaan mo kit, wag kang tataya kung alam mong matatalo ka . Isipin mo muna.Alamin mo muna ,kung may patutunguhan yung oras na binibigay mo para sa kanya "

"Ano na naman yang sinasabe mo ? ",palusot ko , 

Ayokong malaman niya na nasa ganitong sitwasyon na naman ako , ung umaasa, tapos masasaktan , Magmamahal ,tapos marereject lang  . Paulit-ulit na scenario na to sa buhay ko . Paulit-ulit rin ang pangaral ni zedie, hindi pa din ako natututo ,  ..

Ayoko ng masaktan ,

Ayoko ng maghintay , 

Ayoko ng umasa.

Pero eto na naman ako, handa ulit maging tanga . 

"Wala , sabe ko hindi ka pa ba aakyat ?  ayan na ung bahay niyo oh",sabi  niya 

"Hindi ka ba aakyat samen ? "

"Hindi na , ikamusta mo na lang ako kay tita Vilma at kay Tito Rodel ",sigaw niya , nasa pinto na kase ako ng bahay , medyo malayo na ang agwat namin sa isa't-isa .

"Sige"







(N/A:HAIISSSST!Happy new year guys! :D akalain mo nakadagdag pa ko haha ! puyat pa ko neto badtrip wala akong maisip na twist -_- , may gagawin pa kase akong importanteng surprise :D sana magawa ko ! haha next time nlng ung chap 5 :D pasukan na e :D )





















































CTRL+ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon