___
I was 10 years old nung una ako naattract sa kapwa ko lalake, hindi ko alam kung pano nangyari yun. Basta, everytime na nandyan yung guy kumakalembang tong puso ko. Bagong lipat sila sa lugar namin noon, we became friends actually pero hindi rin nag-tagal dahil kailangan na nilang lumipat ng ibang apartment.
Nalungkot ako nung nawala siya, pero hindi naman ganon kalungkot. I don't know why, basta hindi ako masyado naging malungkot non pero after that sunod sunod na ang pagiging malandi ng mga mata ko at lumala na din tong attraction ko sa mga kapwa ko lalake.
Noong mga panahon na din na yun, pumasok sa isip ko kung bakla nga ba ako pero hindi ko yun nasagot siguro nga dahil sa bata pa ako. Baka nasa identity crisis na tinatawag nila lang ako kaya hindi ko masyado pinagtuunan ng pansin. Nagkaron din ako ng mga girl crush noon kaya naging panatag ako na hindi talaga ako bakla (Hindi ko pa alam kung ano yung BI nung mga panahon na yun.) Hindi din naman ako mahilig maglaro ng barbie nung bata ako, sa katunayan I hate them. Ang madalas kong nilalaro ay yung larong panlalaki talaga at karamihan ng kalaro ko ay mga lalake. Di naman ako naattract dun sa mga kalaro ko dahil hindi sila yung mga type ko tsaka like hello hindi sila ganon kagwapo.
Isang beses noon, nakita ko yung pinsan kong babae pati yung kaibigan niya. Nag-tataka lang ako kung bakit yung pinsan kong babae eh nakapang-gupit na lalake. Short hair. Hindi ako nag-tanong tungkol dun pero nalaman ko tomboy pala yung pinsan ko. Minsan din nung bata ako, naiisip ko kung pano natanggap ng Tito at Tita ko yun dahil nga sa mga napapanuod ko sa tv laging tinatakwil yung anak kapag nalaman nilang hindi ito straight.
Madalas kaming nagkakasama nung ate ko at yung girlfriend nya. Masaya sila mag-kasama at halatang nililihim nila sa'kin na mag kasintahan sila noon dahil na din siguro akala nila hindi ko pa naiintdhan kasi nga bata pa ako.. Tuwing mag-kasama din kami nila Ate at nung girlfriend niya, naiisip ko kung bakit hindi sila nahihiya kapag nasa mall kami o kung saan man.. Kasi diba bilang bata ka, hindi mo maiiwasan na isipin ang babae ay para lang sa lalake.
1st year highschool naman ako ng natuluyan na akong maattract sa kapwa ko lalake. Kapag naalala ko yung mga panahon na yun, natatawa nalang ako. Sobra ko lang kasing assuming na gusto din ako ng crush ko non. Actually, close friends kami nun. Close friends kami ni Rico pero madalas kaming nag-aaway dahil masyado siyang bully at ako naman eto ang Mr Nice Guy ng room namin. Siguro nag assume na din ko dahil nakakakita ako ng motibo galing kay Rico at dahil na din sa narinig ko noon.
Isang beses, habang nasa classroom kami at nag-susulat lang ng notes na iniwan nung Hitler naming teacher eh hindi ko naman sinasadya na marinig yung usapan ni Rico at ni Marcus.
"Rico, ayos ka lang ba? Kanina ka pa balisa ah." Marcus.
Hindi sumagot si Rico.
"Nag-seselos ka ba dun? Kay Gerald at Heidi?"
"Oo. Badtrip na Heidi yun, inaaway ko na nga pero eto namang si Gerald lapit ng lapit."
"Ano gusto mo gawin nten pre?" Marcus.
"Wala. "
"Ikaw kase, ayaw mo pang umamin... May gusto ka naman ata kay Gerald."
At dun na talaga ako nag simula mag-assume na hindi straight si Rico. Madalas din siyang magalit noon tuwing mag-kasama kami Heidi na bestfriend ko. Lagi nila binubully si Heidi sa di ko malaman na dahilan.
Parang mga ewan lang.
2nd year naman ako ng umamin ako kay Heidi.. Na mahal ko siya higit pa sa kaibigan, at katulad nga ng mga ganitong sitwasyon bagsak ako sa friendzoned. First love ko si Heidi, hindi ko naman itatanggi yun. Oo, babae at dahil dyan nakalimutan ko naattract din pala ako sa kapwa kong lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/6678194-288-k201173.jpg)