Luhan
"Gising na Baek! It's almost 7, hey!" sigaw ko kay Baekhyun na hanggang ngayon ay nakanganga parin habang natutulog. Hayyy, kahit kelan talaga tulog mantika 'tong bruhang 'to.
Jusmiyo naman kasi, mag aalas-syete na ng umaga at hindi parin gumigising 'tong si Baekhyun! Ma-lelate na kami sa school!
At kung nagtataka kayo kung bakit imbes na magulang eh ako ang nanggigising, well our parents let us live in one condo unit dahil malalaki naman na daw kami. Me, Baekhyun, Xiumin and Dyo were bestfriends same as our parents.
"Byun Baekhyuuuuuuuun!" hindi na 'ko nakapagtimpi't napasigaw na ako. Antagal kasing bumangon eh!
"Hmmm... Ano ba, istorbo ka naman eh. Kitang natutulog ako eh..." giit niya habang nakapikit parin.
"Eh kasi nga po m—" naputol 'yung sasabihin ko nang biglang binuksan ni Xiumin nang napakalakas ang pinto.
*Booogsh*
"HOY ECHUSERANG BRUHILDA BUMANGON KA NA D'YAN KUNDI ISUSUPALPAL KO NA 'TONG EYELINER MO SA'YO!" walang tigil na bulalas ni Xiumin na s'yang ikinagulat ko. Minsan lang kasi naming makitang ganyan 'yan e.
Dala ng gulat ay napabalikwas si Baekhyun sa pagkakahiga at parang bata sa pagdadabog na dumiretso sa cr.
"SA LABAS NIYO NALANG AKO HINTAYIN!" sigaw ni Baekkie sa loob ng banyo.
"Nyahahaha! It works! Let's go na Luge, hintayin nalang na'tin siya sa baba," sabi niya sabay evil laugh at tsaka nauna nang lumabas.
Napatawa nalamang ako sa inasal nito, "Baliw talaga..." sambit ko't sumunod na sa kanya.
***
7:14 am
Matapos ang halos 15 minutes na paghihintay namin ay finally natapos narin si Baek. Mabuti na nga lang at 7:30 pa ang pasok namin.
"Ang bilis mo ha." Dyo said in a sarcastic way ngunit inirapan lamang siya nito.
Lumabas na kami at tinungo ang kotse namin at pumasok na ng school.
"Hi Luhan! Waaa, you're so pretty!" salubong sa'min ng isang babae at agad akong binati. Ganda ko talaga.
"Hi." bati ko pabalik dito at nginitian ito. At sunud-sunod narin ang bumati sa'kin pati narin kila Baekhyun.
Our group's the most popular here in Midwinter Academy... though meron pa namang other groups. The name's The Anonymous Cuties. O 'diba? I'm the one who named our group! And mayayaman kasi ang mga nag-aaral dito, and Baekhyun's family are the one who owns this school.
Pagpasok sa room ay binati rin kami ng classmates namin atsaka naupo narin kami.
"Classmates wala daw si Ms. Jung!" dinig kong sigaw ni Minwoo na siyang isa sa mga varsity ng school. At ang tinutukoy niyang si Ms. Jung ay ang teacher namin sa Science na first subject namin.
Agad na nag-ingay ang mga kaklase ko. Hayyy, better narin 'to kesa naman sumakit pa ang mga ulo namin.. Oy, joke lang! Running for honors kaya kaming apat.
"KYAAAAAAAAAAAAH!!!!!" tilian ng mga kaklase naming babae kaya't napalingon kaming apat sa may pintuan. As expected, dumating na nga ang grupong The Awesome Hearthrobs. Some of them are smiling and some of them just ignored our classmates. Ito ang isa pang grupo na popular din, it's like kami sa girl group and sila sa boy group.
Hindi maipagkakailang gwapo talaga sila at pag sineryoso mong pansinin e tingin pa lang ng mga 'yan para ka nang malulusaw. Actually type ko nga 'yung isa sa kanila e... si Oh Sehun. Cute niya kasi eh tsaka nakakatuwa 'yung pagiging cold niya. I find it cute.