Chapter 2

24 1 3
                                    

Chanyeol

"Oy pre, dito!" sigaw ko habang patuloy sa paghintay kay Kai na ihagis ang bola upang mashoot ko ito. Kasalukuyan kaming nagbabasketball ngayon ng grupo samantalang 'yung The Anonymous naman e nagba-volleyball.

Napasulyap ako kila Baekhyun and I can't help but to smile. Ang galing niya palang magvolleyball.

Nang sasambutin ko na sana ang bola ay laking gulat ko nang makitang hindi ito sasakto sa akin-kundi lalagpas at ang matatamaan ay si Baekhyun.

"Seulgi, sa-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin sa kasama nang tuluyan na ngang tumama sa kanya ang bola bagay na ikinatumba niya sa sahig.

"Ms. Baekhyun!" bulalas ko at walang ano-ano'y kumaripas na agad ako ng takbo patungo sa kanya.

"Baekhyun!" dinig kong sigaw rin ng iba pa niyang mga kasama. Dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa clinic.

Oh my God.

---

"Okay na siya. She just need some rest and maya-maya rin lang pwede na siyang umuwi. Pakibantayan nalang po." the nurse declared kaya't agad na nawala ang kaba ko. Thank God.

Matapos sabihin ng nurse ay agad na siyang lumabas ng clinic. Hmp? Eh diba nurse ang dapat na magbantay sa pasyente? Ah, pero okay narin 'yun atleast makikita ko nang malapitan at matagalan si Baek. *♥^♥*

Pinakiusapan rin ako nung mga kaibigan niya na ako daw muna ang magbantay sa kanya dito at kung okay na daw siya e pauwiin ko nalang daw.

I know you're wondering kung bakit ko palaging nababanggit si Baekhyun? I even smile whenever I see her. Well, I actually don't know too. Hindi ko siya gusto pero ughhh! I don't know this feeling, aish!

After ilang minutes ng pag-alis ng nurse e saktong dumating naman ang mga barkada ko.

"Kamusta na siya?" - Suho hyung.

"Okay na daw sabi nung nurse." sagot ko naman kaya't tumango-tango nalamang siya.

"Grabe, ang sakit nun ah!" - Tao.

"Walang taong hindi nasasaktan lalo na't ganyan pa ang sitwasyon, Tao. Alien ka na nga lang kung hindi mo maramdaman." walang emosyong sambit ni Kris hyung habang nakapamulsa.

"Alam ko! Kaya ko nga sinabing masakit 'yun e!" giit pa ni Tao kaya't agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Lay hyung.

"Aray! Lay hyung naman! Para saan 'yun!?" reklamo niya pa. Marahil dahil sa napakaingay na niya kaya siya nabatukan ni Lay hyung.

"S-sorry hyung." - Kai. Dahil siguro sa nangyari.

Nagthumbs up nalamang ako't ngumiti at sinabing 'Okay na, you don't have to worry'.

Maya-maya pa'y napansin namin na napakamot si Lay hyung sa kanyang ulo na para bang inaantok pa, "Ah... ha? Binatukan ba kita Tao? Sorry. At teka, sino bang pinunta natin dito? Bakit nasa clinic tayo? Sinong naaksidente?" walang kabuhay-buhay niyang mga tanong. Nakalimot nanaman...

"'Luh! Late reaction si hyung o!" pasaring ni Sehun kayat nahihiyang napangiti nalamang si Lay hyung.

Agad namang ipinaliwanag sa kanya ni Chen ang mga nangyari ngunit dahil isa ngang troll si Chen ay hinaluan niya pa ito ng kung anu-anong biro dahilan upang magsitawanan kaming lahat.

"Ahhh... Chanyeol, maiwan ka na muna namin dito ha? May papagawa lang ako sa kanila," wika ni Suho hyung at agad na pinalabas ang mga nagrereklamong barkada. Hayyy, kawawa naman. Buti pa ako, babantayan lang si Baekhyun.

Unspoken RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon