Si Ronnie

1 0 0
                                    

LIMANG MINUTO na lang at alas-kwatro na kaya niligpit na ni Ronnie ang kanyang gamit. Exam nya sa kanyang masteral degree class kaya di nya afford ma-late. Saktong magsha-shutdown na sya ng kanyang computer ng tawagin sya ng kanyang boss na si Mr. Benito M. Medrano. "Ronnie, a minute lang saglit...," yun lang at  pumasok na ulit ito sa opisina nito senyales na dapat syang sumunod. Bitbit ang gantt chart ng ire-report nyang detalye ng production ng araw na yun ay sumunod na sya kay Sir Benny.

"Ronnie, iha, I know you are in a hurry pero I need to check on your report first bago ka umalis, and I need you to come back this evening para i-monitor ang mga banners na ipi-print...," bilin nito habang naka-upo sa swivel chair.

Umupo ang dalaga sa harap ng lamesa ni Sir Benny., "Ok, sir... No problem po... Mga around 10pm po siguro nandito na ko nun... Nai-prepare ko na din naman po yung mga accomplishments ng printing kanina, at base po sa schedule, we are on the right track... Kailangan lang pong dumating bukas yung inks para po hindi tayo ma-short....," paliwanag ni Ronnie habang ipinapakita ang report nya.

Tumango-tango lang ang kanyang boss. "Ok, just text me this evening when you arrive.. Pero kumain ka na din muna ha, baka magpalipas ka naman ng gutom...," paalala pa nito.

Tumayo na sya at nginitian ang amo. "Yes boss...," saka lumabas na ng office at pumunta na cubicle nya upang kunin ang kanyang gamit.

"And one more thing iha," pahabol pa ng boss nya. "The big boss' son will be here tomorrow for his training, isa ka sa ni-recommend ko na mag-train sa kanya sa production... So better be ready with your training plan...," tinapik pa sya nito sa balikat saka bumalik na muli sa opisina.

VERONICA GAMBOA LAGMAN ang buo nyang pangalan pero pinalayaw sa kanya ng kanyang nanay ay Ronnie. Dalawa silang magkapatid na babae ang palayaw naman ng isa ay Joey, hango sa pangalan nitong Jewelyn. Galing sila sa isang middle class family at parehas na silang tapos sa pag-aaral. Yun nga lang ay naengganyo syang mag-take ng masters degree para na rin ma-refresh sya sa latest trend na may kinalaman sa course nya. At higit sa lahat ay may gusto syang patunayan. Kaya laking pasalamat nya kay Sir Benny dahil pinunlakan nito ang request nyang pumasok sa opisina ng 7 to 4 pag araw ng Martes, Huwebes at Biyernes dahil ang klase nya sa UP ay 6pm to 9pm ng mga araw na iyon. Dahil sa malaking pabor na ito'y walang ini-request ito na may kinalaman sa trabaho na di niya pinaunlakan. Itinuturing kasi nya itong pangalawang ama at guro nya pagdating sa trabaho. Ginagawa nya ang mag-aral at mag-trabaho bilang process engineer all at the same time. Malaking responsibilidad ang ibinigay sa kanya ng kanyang bossing, ang i-train ang anak ng big boss nilang si Ricardo Q. Gonzales, III o RQG para sa nakararami. May balita syang may pagkasuplado daw ang anak ni RQG kaya pinaghahandaan nya na itong mabuti. Pero sa ngayon, focus na muna sya sa final exam nya.

NATAPOS ang exam kaya nag-ligpit na si Ronnie ng kanyang mga gamit. Nilapitan sya ng kanyang friend na si Archie, isa itong kawani ng gobyerno na nagta-trabaho sa National Bureau of Investigation . Pero lingid sa mga kasamahan nito at sa iba at isa itong closet queen. Hindi nga lang ito haltang beki dahil pormal ito at nakabihis pa ding lalaki. At madalas pa nga nya itong gawing "pseudo boyfriend" kapag may mga gathering na kailangang magbitbit ng partner. Liban sa bahagyang pagpilantik ng mga daliri at pagtili pag nabibigla ay pasado na itong boyfriend material.

"Ei, Ronnie girl kamusta? Uuwi ka na ba agad?" tanong nito.

"From here, dadaan muna ako sa McDo to grab something to eat pero iti-take-out ko na lang kasi babalik pa ko sa opisina ei....," sagot naman nya.

Tinaasan sya nito ng isang kilay at nakapameywang pa nang humarap sa kanya, "Hoy babae, we are done with a very toxic exam tapos babalik ka pa sa opisina?! Ano yan, ikaw na ba ang bagong model ng Cobra ngayon at wala kang kapagod-pagod?," sermon nito.

Tinawanan nya lang ito habang palabas sila ng school building. Inayos muna nya ang kanyang salamin sa mata bago sinagot ang kaibigan. "Ano ka ba? Its call of duty and may overtime pay naman kaya carry lang...," kinindatan pa nya ito.

Pumara na sila ng jeep paluwas ng PHILCOA dahil coding ang kotse nito.

Habang nakasakay sila'y itinuloy ni Archie ang panenermon sa kanya, "Hay naku Veronica Gamboa Lagman! Ewan ko sa'yo... Kulang na lang ata patayuan ka na ng monumento dyan, di mababayaran ng overtime pay ang pagod at puyat ano?," concern na banat nito.

Napabuntunghininga sya dahil sa isang banda ay may punto ito. Pero, ganun sya talaga, addict sya sa trabaho. "Kailangan talagang buuhin yung pangalan ko?," natatawa nya na lang na sagot sa kaibigan.

Kilala nya kasi ito na kapag tinawag sya nito sa kanyang tunay na pangalan ay nae-excite ito o kaya naman ay naaasar. Sa pagkakataong ito ay naaasar si Archie sa pagiging workaholic nya. Tinirikan sya nito ng mata sabay sabing, "Bahala ka na nga dyan... Basta bumili ka ng madaming pagkain na ibabaon mo ha, bruha ka talaga....," inirapan pa sya nito at tinawanan lang naman nya,

"Mami-miss mo din ako dahil next sem na tyo ulit magkikita...," sabi pa nya. Lumambot ang itsura nito ay sinabing, "Oo nga girl, di bale text text tayo pag enrollment na ha... 1 sem to go....," at nag-apir pa silang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This TimeWhere stories live. Discover now