One: The Cupid

31 0 0
                                    

"Andito na naman ako." 

Kelan ba ako hindi na pupunta sa Park na ito? Kapag pumupunta ako dito ay puro BAD MEMORIES ang naaalala ko dito. Hindi dahil dito nagaganap kundi dito ko binubuhos lahat ng lungkot, galit, inis, poot na nararamdaman ko. I don't know kung bakit. Siguro walang istorbo dito. Wala na kasing napuntang tao sa lumang park na ito. Nababalot na nga ng mga halamang gumagapang ang mga rides dito at kinakalawang na din. Maalikabok na siya kasi hindi nililinis ng mga tao. May bago na kasing Park sa kabilang street. Mas naganda at mas bago iyung park.

Matagal na din akong nagpupunta dito. And kadalasan, para maglabas ng kung anong nararamdaman ko.

I spread my hands at inilapag sa sandalan ng bech at tumingala. Maggagabi na pala but I can't go home na heartbroken. Kanina lang kasi ay binasted ako ng babaeng nililigawan ko and I don't know why. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at maglaslas o kaya ay magbigti. Ayoko namang mag-emo. 

"Haay. Lord, how can this happen to me." napapikit ako. Mahal ko si Annie. I can say na kaya kong iwan ang lahat to be with her. Obsess na ba? Ganiyan kasi ako magmahal, O.A. "Kailan ba ako magiging maligaya?"

"Ngayon."

Napadilat ako bigla ng mata. Sino iyung nagsalita? Ako lang ang tao sa park na ito kanina pa. As I said earlier, wala ng care ang mga taong ito sa Park na ito. Halos ako na nga ang mag-may-ari nito. Pero sino nga iyung nagsalita? Hinanap ko kung saang boses nanggaling. "Sino yan?!" kinakabahan na ako.

"Present!" masayang sabi ng babaeng naka-indian sit sa swing na kinakalawang at nakataas ang kanang kamay.

Nanlaki bigla ang mata ko ng makita ang babaeng iyun. White sleeveless dress na hanggang tuhod. Naka-white din na step-in at may hanggang dibdib na buhok. "HALIMAWWWWW!!!!!!!" Pagtuturo ko sa kaniya at sa sobrang pag-uurong ko sa kinauupuan ko ay bumaliktad ang Bench. "Aww."  

Nasa ulunan ko na siya nakatayo. Nakayuko siya to see my UNBELIEVABLE-EXPRESSION. 

O__O! Sino ba naman ang hindi magugulat kung may susulpot bigla from SOMEWHERE lalo na kung alam mong ikaw lang ang tao dun. "Ha? Hindi ako halimaw, noh! Cupid ako!" nag-pout siya at napameywang. 

Agad naman ang tayo ko. Pinagpagan ko iyung likod ko at napalunok. "Hoy! Ke-bata-bata mo pa nagddrugs ka na agad." sermon ko sa kaniya. Cupid? As in C-U-P-I-D????!!

"Oo nga! Bakit hindi ka ba naniniwala? Maganda naman ako to be a Cupid." pangangatwiran niya. Nagpacute pa ang G*go.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Cupid? Cupid na DAMULAG? na BABAE at WALANG PAKPAK. "Sino naman ang nagsabi na pamantayan ang pagiging maganda? Eh bakit wala kang pakpak? Wala ka din Arrow and Bow. Ni hindi ka nga naka-diaper. oh, ilang taon ka na?" sunud-sunod ko na tanong sa kaniya.

"Haleer? San mo ba napupulot ang mga descriptions na iyan? Sa T.V?" punyetang cupid yan. Ang arte! Eh kung sipain ko kaya to pabalik sa langit? De joke lang po. "We don't need borrow and arrows like that. Kasi hindi natututunang mahalin ang isang tao dahil lang sa pagpapana sa kaniya. Baka ikamatay pa niya. And last, hindi ako manok anoh!!!! I'm seventeen and that's enough to be a good cupid." sagot niya. Confident pa ang babaeng ito. Baka TOTOO nga? No! Hindi nagpapakita ang mga Cupids sa mga tao.

"Ehh?" nakangangang nasabi ko na lang. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako o hindi eh. Baka nasobrahan lang ito sa drugs o iniwan ng bf niya.

"Eh kung Cupid ka nga. Ano namang kailangan mo sa akin, ha??!!!" sigaw ko sa kaniya.

Ang Babae Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon