Two: Wish

25 0 0
                                        

"Eh kung Cupid ka nga. Ano namang kailangan mo sa akin, ha??!!!"

"Baka ikaw ang may kailangan sa akin." nakangiting tinuro niya ang sarili. Naglakad siya paikot sa akin. "Diba tinatanong mo kung kailan ka liligaya?" She stops in front of me at tinuro ang lupa. "Ngayon na mismo. Or a minute after this conversation." ngingiting sabi niya na halos hindi na makita ang itim ng mata niya sa sobrang singkit. 

Napangiwi ako. Maniniwala ba ako sa pinagsasabi nito? Eh kung hindi lang ito babae matagal ko na siyang pina-rape sa aso. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. "If your a cupid then prove it to me. Pa-inlabin mo sa akin si Annie." Hamon ko sa kaniya. I knew it, hindi niya magagawa iyun DAHIL NGA SA SINUNGALING SIYA.

Natawa siya bigla. O kitams, nakatira nga ito. How can I believe in that person? "I can do that."

Napatigil ako sa pagngisi. What?! She can do that? If that's the case, wala namang masamang i-try diba? "Sige nga, go and find her. Para magkatuluyan na kami."

"Kaya ka nga pero hindi naman kayo ang nakatadhana sa isa't-isa. Hindi kayo ang destiny and hindi ko dapat sirain ang nakatadhana na para sa iyo. Dahil maaaring magbago rin ang sa ibang tao." Ano? Destiny? Eh hindi naman ako naniniwala. Ang tao mismo ang gumagawa ng TADHANA niya.

Inilagay ko sa tapat ng mukha niya ang palad ko as a sign of "STOP" "Manahimik ka na lang kung puro walang kwenta ang sasabihin mo. Bakit nga ba ako nakikipag-usap sa mga katulad mong naluwagan ng turnilyo sa utak? Mabuti pa, Miss. Umuwi ka na sa inyo. Gabi na." pagtalikod ko sa kaniya saka naglakad palayo. Nonsense na din kung pag-uusapan namin ito.

Pero hinawakan niya ako sa isa kong kamay at napahinto naman ako. "Uy, wag kang dumaan jan. Sige, ikaw din. Hindi mo na makikita iyung tunay na nakalaan saiyo. ^__^V" Punyemas na babaeng to. Mahilig ngumiti. Parang ewan lang. "Please." pinagdikit niya ang dalawa niyang palad at nag-puppy eyes.

"Bwisit ka! San mo naman ako gustong padaanin? Eh open ang park na ito kaya kahit saan pwede akong dumaan." maglalakad na sana ako pero hinarangan niya ako bigla. "Isa! kpag hindi ka talaga umalis jan sasakalin na kita." 

"Please na kasi. May daanan pa dun oh. Dun ka na lang dumaan sa kabilang part ng park." sabay turo sa mala-gubat na daanan. Hindi naman sa gubat siya. Dating Garden ng park pero dahil nga sa napaglipasan na ng panahon at hindi na din natutuunan ng pansin ay ginapangan na siya ng mga Veins. Ayokong dumaan dun. May shortcut nga para mapunta sa sa malapit na hagdanan. Nasa mataas kasi na lugar ang Park at kailangan pang maghagdanan na semento.

"Heh!" binangga ko lang siya at napamulsa saka naglakad. 

"Grabe ka naman. *sniff* Favor lang *sniff* tapos* hindi mo pa *sniff* mapagbigyan *sniff*" 

Tumalikod ako para tignan siya. "O, anong dinadrama mo jan?" lumapit ako sa kaniya kasi nakaupo na siya sa lupa habang pinupunasan iyung luha niya. "B-bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ko. Tinayo ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat. "Hwaaaaaaat! Bwisit naman oh. Mahina ako kapag nakakakita ng umiiyak na babae. Oo na. Ano ba kasi ang meron dun at gusto mo akong padaanin?" naiinis na tanong ko. Ang drama naman ng taong toh.

Pero hindi niya ako pinakinggan bagkus ay nagdiwang pa siya dahil sa pagpayag ko. "Yehey! V^___^V Tara na." Sabay higit sa kamay ko papuntang Garden.

A usual, bawat daanan namin ay may nakaharang na halaman. Natatapilok minsan. Liliko na sana ako dahil dun naman talaga ang papunta sa stairs pero hinatak niya ako papunta sa kabilang direksyon. "Ano ba?! San mo ba ako balak dalhin? Rrape-in mo ako? Kung ganun lang din ay payag ako wag lang dito." pagbibiro ko sa kaniya.

Tinginan niya ako ng masam. As in sobrang sama. Pakiramdam ko ay masama siya magalit kaya nanahimik na lang ako. Nagpaubaya na lang ako kung san niya ako balak dalhin. Tutal ay wala na ring saysay nag buhay ko. Alam kong lalayuan na  ako ni Annie. Drama eh noh. 

"Were here." Pagbitaw niya sa akin. Lumapit siya sa isang Balon at sumilip saka tumingin sakin ng nakangiti. "Wish here." 

"Huwaaat? Anong tingin mo sa akin? Bata? Hindi ako hihiling jan sa balong iyan. Sa mga telenobela lang iyan nagkakatotoo." At bakit naman ako hihiling jan? Simpleng balon lang yan. Unless, kung may lalabas na fairy mula jan.

Siya naman ay abala sa pagtanggal ng mga halamang nakaharang sa butas ng balon. Napangiti siya. "Wala namang masama kung susubok ka diba?" 

"Ha? W-wala nga." She had her point and I had mine. Hinding-hindi ako hihiling jan. Over my dead and sexy body. "Uuwi na ako." sabay talikod ko. Time waster.

"Diba gusto mo ng magkagirlfriend? Humiling ka dito. Wala namang mangyayari o mawawala saiyo kung i-ttry mo di ba? Sabi nila, nung late '90's ay madalas humiling ang mga tao dito dahil nagkakatotoo ang mga hinihiling nila. Bakit hindi mo i-try?" parang commercial lang ng skyflakes eh. "TRY MO!" "Sige na."

Oo nga naman anoh? Hindi naman siguro mawawala ang Virginity ko kapag humiling ako. Ahahah. Pero seryoso na. Dahan-dahan akong lumapit sa balon. Sumilip muna at kumuha ako ng piso sa bulsa. "Masyadong maliit para sa hihilingin ko." Binalik ko ito at sampung piso na ang kinuha ko. "Siguro pwede na ito." nakangiting sabi ko. Pwede naman akong humiling na sana ay ako na lang ang nag-iisang GWAPO dito sa mundo, angkinin lahat ng magagandang babae kasama si Author. Ahahaha.O kaya ay manirahan sa Mars kasama si Anne Curtis pero masyado naman ata akong GAHAMAN kapag ganun. So, THE SIMPLIER THE BETTER.

"Next na ay si Umm..... Sheen Romuldez. xnsujanxcQIUJCNMIWSMAK." hindi ko na narinig ang sinabi ni-- Oo nga anoh? Hindi ko natanong ang pangalan niya dahil nagPRESENT siya. Haaay ewan. Pinikit ko ang dalawang mata ko at hinawakan ng two index and thumb ko iyung sampu saka humiling. "Sana magkagirlfriend na ako. Iyung maganda, sexy, obsess na osess saakin. iyung tipong hindi na titingi  sa iba pang lalaki." then hinulog ko na iyung barya sa loob ng balon. Wala akong narinig na sounds tulad ng tunog na tubig. Naghintay pa ako ng minutes. "Huy! Wala namang nangyari--" napatigil ako ng mapansing wala na iyung CUPID KUNO. Syet! sabi na nga ba. Niloloko lang ako ng baliw na iyung para manakawan ako. Kinapa ko iyung wallet ko sa likod ng pantalon ko. "Andito pa naman. Eh asan na iyun. Hoy! Hoy! Hoy Cupid. Lumabas ka na nga jan. Wala namang nangyari. Sinu--" napatigil ako sa pagsigaw nang maramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko. Nakatalikod ako kaya hindi ko makita kung sino ang nakahawak naiyun. Nakadikit padin kasi ako sa balon.

I started to freak-out. Hindi siya si CUPID dahil mainit iyung kamay niya nang hawakan ako sa kamay but this one. Masyadong malamig. "S-sandali lang." ang boses na parang nasa ilalim ng lupa galing. Kinakabahan na ako. Erin! maging lalaki ka naman. Wala lang yan. Dahan-dahan kong nilingon kung sino man iyung humahawak sa akin. O_O!!! 

"Aaaahhhh!" sigaw ko. Napaupo ako sa sobrang takot ng makita ang isang babaeng mahabang buhok na natatakpan na ang mukha with her matching white plain dress. 

Hindi ko magawang tumakbo o sumigaw ulit. Nangingibabaw sakin yung kaba at takot. Syet. lumabas na siya sa balon at gumapang ng mabagal papunta sa akin. Napapaurong naman ako.

Wag kang lumapit! Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hanggang tuluyan na siyang nakalapit sa akin at akmang sasakalin ako at nagbalck-out na sa akin ang lahat.

Ang Babae Sa BalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon