CHAPTER 02: The Actor

20 2 0
                                    

CHAPTER 02: The Actor

"WAHHH!!!!!!!"

*screeeeecchhh*

"Miss ano ba?!? Magpapakamatay ka ba??!!?"

Hindi ko na pinansin yung lalaking bumaba ng sasakyan.. basta ang nakita ko na lang dugo sa kamay ko..

"Wahhhh!!! dugo! dugo! huhuhuhu..." T_T Shocks.. Ayoko ng dugo!!!!!!!!

"What??? Ah a-ano M-miss-s ok-kay ka lang?"

Iyak lang ako ng iyak. Huhuhu!!! Mama kooooooooo!!!!

"Ahh miss ano.. u-umupo k-ka muna dito.." inalalayan ako nung lalaki sa pagtayo at pinaupo sa bench na nasa gilid ng kalsada. Pagkaupo ko tumakbo siya pabalik ng sasakyan.. Huwag niyong sabihing iiwan niya ko ng ganito.. Huhu...

Nilalayo ko yung kamay kong may dugo habang iniisip kung may iba pang masakit saken..

Bukod sa tuhod at kamay wala naman na.. Eh ano yung dumudugo?? Huhuhu... Kasalanan to nung lalaking yun eh!!!

"Ahmm Miss heto ohh."  napatingin ako sa hawak niya. Nilagyan niya ng alcohol yung bulak..

"Linisin mo sugat mo..." sabay abot nung bulak..

"Baliw ka ba? Ayoko ngang makita ung dugo kaya nakatingala ako tas ako pa paglilinisin mo? Ikaw na!!" wala sa loob kong bulyaw. Tanga kasi. Hindi niya ba dama na ayaw ko ng dugo. Nakasuper stretch na nga yung braso ko malayo lang sakin yung dugo, papalinisan niya pa sakin?!!? Baliw..

"Mas lalo naman ako no!!"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.. Yung mukha niya sa gilid nakatingin at parang diring-diri.. Huwag niyo ulit sabihing ayaw niya din sa dugo??

"Wahhhh!!! Bwisit!! kalalaking tao takot sa dugo!!" buti pa si Moks. Nung nasugatan ako siya naglinis.. Hayyy...

"Hoy Miss for your information ikaw ang may kasalanan ng lahat. Nakita mong naka-go tatawid ka? Stupid!"

"Aba talag--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko...

Totoo naman kasi.. hehe

Wala na kong nagawa kundi kunin yung inaabot niyang bulak at linisin ung sugat sa kamay ko. Buti sa kamay lang at hindi sa tuhod. Masakit lang tuhod ko kasi napangsandal ko nung natumba ako..

Taas mukha kong nililinis yung kamay ko ng maramdaman kong umupo siya sa tabi ko.. Siyempre ang mukha niya nasa ibang direksyon. Ang arte naman neto! Ako nga kinakaya kong maglinis ng dugo kahit ayaw ko.. tss.

"Miss okay ka na?" biglang tanong? eh?

"Kasi may lakad pa talaga ako e.." ngek.. Akala ko naman concern na.. Saya sapakin e..

"Sige mauna ka na.. Wala ka rin namang natutulong e.. Tsupi!" akala mo ahh..

"Ihahatid na kita.." hinawakan niya ung braso ko at tinayo ako.. Naayos ko naman na yung sugat ko kaya tapos na rin ako...

"Aray naman.." angal ko..

"Tss.. Arte.." aba! tinignan ko siya ng masama ng may mapansin ako...

hmmmmm (-_-?)

O________O

"Johann Gonzales?????"

My Kontrabida ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon