CHAPTER 05: WHAT THE HELL???
Higit isang linggo na simula nung nakasama namin ni Moks si Johanne at kahit papaano e nasanay na ako sa mga babaeng basta-basta na lang maka-hi mapansin lang ni Johanne. Kaso ni isa wala man lng pinapansin tong mongoloid na toh. Bakla yata to e.
"Hey listen to this."
at basta-basta niya na lang sinalampak yung earphone niya sa tenga ko. Speaking of the devil!
---___---
Pisti talaga tong mongoloid na toh.
Tinignan ko na lang siya ng what-the-hell look. Kaso hindi siya nakatingin.
---___---
Sayang effort..
"Ano to?" may pinarinig siyang kanta saken.
"What can you say?" hindi pa rin nakatinging tanong niya.
"Ahhhmm~~ ewan? Wala akong alam e. Ayos lang?" Ayos lang naman yung kanta. Ano bang dapat sabihin.
"Useless." Yun lang at umalis na siya.
Taeng yun. Iisto-istorbo sa breaktime ko para lang mambwisit..
BWISITTTT!!!!!!
*wingooo wingooo wingooo wingooo*
ANNOUNCEMENT!!
Bukas na gaganapin ang ating community service sa Manila Bay. Ito ay required para sa lahat ng mga graduating students kaya inaasahan namin ang kumpletong attendance ng bawat klase sa fourth year. Sa karagdagang impormasyon, may ipinaskil kaming poster para sa event bukas. Yun lamang. Magandang araw sa inyo.
*wingooo wingooo wingooo wingooo*
Parang timang naman yung student council president na yun. may sirena pa. Pero~~
Bukas?!?
Agad-agad?!?
Agad akong pumunta sa bulletin board para makita yung poster.
Ehhhh???
7:30 ng umaga??? Ang aga naman!!!
"Miss pupunta ka?" nagulat ako sa biglang nagsalita. Si Moks pala pati si Johanne.
"Miss ka jan! Baliw! Malamang pupunta ako. Required nga e.Bakit ikaw?"
" May lakad sana ako kaso nalaman kong masaya yan kaya sasama ako." ngingiti-ngiting sabi niya. Ano kayang balak neto?
"E ikaw pre sasama ka? Pati ba ito kailangan mong maexperience?" tanong ni Moks kay Johanne.
Nakoo malamang hindi yan sasama. Dugo nga hindi kayang hawakan basura pa kaya! wahahaha
"Yeah. Sasama ako."
"Ehhh?" buntal ko. Eh? napalakas!!
"Why?" taas kilay niyang tanong. Bakla nga yata to e.
"W-wala. hehe"
"Tsss" tsss tsss?? Ahas!!!
*Kinabukasan*
"Okay class. I want you all to participate in this event. Ayoko ng maarte. Ayoko ring may magrekla-reklamo saken jan ahh. Sampalungin ko kayo e.."
"Ma'am huwag niyo nga po samin ibuntong yung inis nyo. Ininjan ka noh? wahahahahahaha" nagsimula na naman tong mga baliw kong kaklase.
Si Ma'am Joey kasi malapit ng maging old maid kaya she's desperate for love. Ehhh ipinanganak yata siya para maging ganun dahil simula nang makilala ko yan wala pang nagiging jowaersss. Kawawa~~
