Chapter 01: The Main Casts

36 3 0
                                    

CHAPTER 01: The Main Casts

"Mom, Dad heto na po si Nikki"

"Nikki, hija! oh my.. you look good tonight. How are you?" bati sakin ng mommy ni Moks at nakipagbeso..

"Thank you Tita.. Okay lang po ako.. Kayo din po ahh ang ganda niyo po. Parang hindi nadagdagan yung edad niyo. hehe" haha.. Ang ganda kasi ni Tita Alice. 40th birthday nya tonight at inimbita niya ko sa party niya. 40 na siya pero ang ganda-ganda pa din.

Hmmm yung party pala e formal celebration kaya ang hitsura ko ngayon? heto parang nakakurtina.. Buti na lang kahit papano bumagay.. Hindi kasi ako ganito pumorma kaya ganun na lang reaksyon ni Tita.

"Mom, Moks huwag na nga kayong magbolahan jan. Hahaha.. Nakakakilabot e. hahaha" aba! sira tong lalaking to ahh.

"Shut up Top. Totoo naman sinasabi ko. Tignan mo si Nikki.." sabay hawak sa magkabilang balikat ko at iniharap ako kay Moks..

"Look at her.. She's so pretty.. Kaya nga nagtataka ako bakit hindi na lang kayo ang magkatuluyan e.."

"Tita!" wala sa loob kong pagsigaw.

"What?" maang-maangang tanong naman ni Tita.. Hooh! Buti na lang close kami. Hindi nagalit sa pagsigaw ko.. hehe

"Mom that's impossible.. Can't you see? pareho kaming lalaki?" sabay akbay saken. arkk nasasakal ako..

"tss."

PAK!

Pinektusan ko nga. Sira talaga tong lalaking to e..

"Hay kayo talagang dalawa!! Okay then, hija take your seat here sa table namen and let's eat.."

Siyempre dahil si Moks ang kasama ko sa kanya ako tatabi...

"Wait wait.. Moks huwag ka jan.."

"Eh? Baket?"

"Ah eh kasi..."

"Hi Top.." isang clown..

I mean girl na lumapit kay Top. Grabe! Wagas yung make up..

"Hi babe.."

Eh?

Ano daw?

Babe?!?

"Ahh Mom, Dad, Moks si Diana.. Girlfriend ko.. Diana come on.. Sit here.." at inalalayan niya si Clown sa upuan KO sana..

Buti na lang may upuan pa sa tabi ni Tita kaya dun na lang ako umupo..

Tss.. Bwisit talaga tong payatot na to! Tinignan ko na lang ung nakaserve na pagkain sa tapat ko. Hmm mukhang masasarap. hehe

"Ahemm" narinig kong pagcclear throat ni Tita kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Do you know her?" huh? sino?

"Sino po Tita?"

"That girl. My son's girlfriend.. Do you know her?" napatingin naman ako sa dalawa. Grabe kasi makatingin si Tita. Haha! Nakakatawa na lang..

Pero spell kadiri? T-O-P A-N-D H-I-S G-F.. Yucks! Kung maglampungan yung dalawa akala mo silang dalawa lang nandito. Get a room please! tss..

"Hindi Tita e. Actually ngayon ko lang po siya nakita.." sagot ko. Siyempre nagbubulungan lang kame. hihi :)

My Kontrabida ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon