BABA'S NOTE: Ang ibang mga parte ng Maikling Kwento na ito ay hindi totoo. Pero may mga bahagi rin na totoo. LAHAT ng tauhan na ginamit sa kwenting ito ay TOTOO.
Anong meron sa seatmate? Kadalasan 'yun 'yung..
Crush mo?
Bestfriend mo?
Kaaway mo?
Boyfriend mo?
Normal classmate mo lang?
Ganun naman lagi, diba? Pero ba't sa akin, iba?
Sino ba ang seatmate ko? Ang seat ko lang naman ay ang....
"Mr. Guinto, please sit beside Ms. Evangelista." O.O ANO DAW?!
Agad-agad akong napatungo at napatingin sa desk ko tapos nagsimula na 'yung mga hiyawan, arasan at panunukso ng mga kaklase ko.
Bakit kasi, siya pa?
Naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko kasi may hangin na dumaan sa may balikat ko. Oo, nararamdaman ko kahit long sleeves ang uniform namin.
Tinignan ko ang EX KO. Nakatingin din siya sa akin.
Nginitian ko nalang siya. Hindi ko alam kung ang labas ng ngiti ko sa kaniya eh hindi ako komportable sa kaniya o ngiting aso. Basta, ngumiti ako sa kaniya.
*Recess*
"Grabe dudee! Akalain mong.. seatmate mo 'yung EX mo!" Tignan mo 'tong Bestfriend ko. Kailangan talaga ipamukha?
Inirapan ko lang siya. It's not like hindi pa ako nakaka-move on 'no. Nahihiya lang ako kay Pat, sa EX ko. Nahihiya ako kasi, nagbreak kami nang dahil sa akin.
Nagbreak kami dahil pinagpalit ko siya sa isang taong sinaktan lang ako sa huli.
"Ynna! Masyado mo ng iniisip 'yung EX mo!"
"Hoy Nicole. Sarili mo ba tinutukoy mo?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang napa-busangot.
"Move on move on din 'pag may time." sabi ko sa kaniya sabay kain ng chips na hawak ko.
"Ang hirap kaya! --" tapos nagdadada nanaman siya ng kung anu-ano. Kasalanan ko bang mahal niya pa din 'yung EX niya?
Hindi ko siya pinapakinggan at naka-tingin lang ako sa bintana. Hanggang sa may isang mukha ng lalaki ang tumapat dito, kumaway sa akin at nagposing pa.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. May gana pang ngumiti at kumaway sa akin pagka-tapos ng ginawa niya!
Hindi ko siya pinansin. At pinagpa-tuloy ko ang pagkain sa meryenda ko.
Siya. Siya ang pinagpalit ko para kay Pat. Siya.. ang nanakit sa akin. Siya.. siya lang ang nakapagpaiyak at nagpadurog ng puso ko. Siya na pinagsawaan at pinaglaruan lang pala ako. Siya na hindi ko naging boyfriend pero first heartbreak ko.Siya na ipinagpalit ako sa ibang babae dahil nagsawa siya sa akin..
Damn you Jaze.
"Huuuy! Ynna! Ba't ka umiiyak!" Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.
Masakit kasi. Nasasaktan ako. Para sa akin... at para kay Pat. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra at doble doble pa ng sakit na nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman niya.
"Ynna!"
"Nicole! Ang bunganga!" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko na tila nag-uunahan sa pagpatak.
"Ba't ka nga umiiyak, aber?!"
Pero hindi ko na siya sumagot dahil dumating na 'yung teacher namin kaya bumalik na ako sa upuan ko. Upuan kong katabi ng upuan niya.
BINABASA MO ANG
Seatmate. (One-Shot)
Short StoryWalangya. Bakit siya pa ang seatmate ko. “Love looks not with the eyes, but with the mind, And therefore is winged Cupid painted blind." PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje