"Class, iiwan ko muna kayo saglit ah. Pinapatawag kasi ako sa Principal's Office." sabi ni Ma'am saka lumabas na.
Kami naman, itinuon nalang 'yung atensyon namin sa exam namin.
Mabilis na natapos si Ynna sa Exam niya tapos umubob sa desk niya. Soguro, napuyat siya kaka-review kaya inaantok?
Maya-maya. inangat niya 'yung ulo niya atsaka kinamot yung left eye niya.
Agad-agad ko namang tinabig 'yung kamay niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin.
Gusto ko sanang sabihin na: "Huwag mong kakamutin 'yang mata mo. Malalagyan ng bacteria, ang ganda pa naman ng mata mo."
Pero ito ang nasabi ko. "Huwag mong kamutin."
'Yan lang. Napa-buntong hininga nalang ako sa utak ko. Kahit kailan talaga, ang torpe ko.
"S-salamat, Jelo." sabi niya nalang tapos natulog ulit sa desk niya.
Habang naka-ubob siya, nilaro ko 'yung buhok niya.
"Sige lang Ynna, matulog ka lang. Napuyat ka nanaman eh.." Sabi kong pabulong.
Napa-buntong hininga nanaman ako sa isip ko.
Alam mo Ynna, gusto kita.
Alam kong mejp close palang tayo pero.. ewan ko ba. Nabihag mo 'tong lecheng puso ko eh.
Tangna. Ang corny masyado. Walangya. Dati naman kasi, DoTa at puro aral lang ako. Pero simula nung nakilala kita. Parang.. Parang, nagbago lahat?
Alam mo ba kung bakit, ayaw kong aminin sa 'yo?
Eh siyempre, kapag kasi nalaman mo baka mahimatay ka sa sobrang kilig. Alam mo na, gwapo ako eh.
Pero kidding aside, ayaw kong ipagtapat sa 'yo 'yung nararamdaman ko kasi, ayaw kitangb magkaron ng doble-dobleng sakit ng ulo. Nakng. Naunahan lang ako ni Pat at ni Jaze. Kapag dumagdag pa ako, siguradong gugulo pa ng lalo 'yung buhay mo. Sila pa nga lang dalawa eh!
Atsaka, Kahit ganoon... Alam ko namang MAS GWAPO AKO SA KANILA, 'NO! Tangna. Wala pa nga sila sa kalingkingan ng abs ko eh! Hanggang muta ko lantg sila!
Kaya ngayon. Na Seatmate kita, susulitin ko na. Kahit na seatmate lang kita ngayong Examination Day. Alam ko naman na naging seatmate mo sina Pat at Jaze eh. Hindi ko nga lang alam kung anong nangyare nung nagiong mag-seatmates kayo.
Oo, stalker mo ako. Pero kapag sa mga ganung bagay naman, hindi ko na inaalam. Hindi naman ako chismoso.
Kaya nga ako natatakot na umamin sa 'yo ngayon eh. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari.
*RIIIIIIING*
Nung nag-ring na ang bell, agad kang tumayo tapos pinass ang paper mo atsaka lumabas ng classoom.
Dederetso ka nanaman sa Canteen. Napatawa ako sa naisip ko. Kahit kailan kasi, ang takaw mo.
"Hoy Jelo, matunaw 'yung taba niyang si Ynna. Wagas makatitig sa wagas mong minamahal ang peg mo ah."
Napalingon ako sa nagsalita at sa tumapik sa balikat ko.
"Tss. Hindi 'no." sabi ko nalang.
Si Benito atsaka si Klyde. Mga kaibigan ko.
"Tara na nga sa Canteen." sabi ko nalang.
Habang naglalakad papuntang canteen,
"Tol, kailan mo ba aaminin kay Ynna na gusto mo siya?" tanong ni Klyde.
BINABASA MO ANG
Seatmate. (One-Shot)
Kort verhaalWalangya. Bakit siya pa ang seatmate ko. “Love looks not with the eyes, but with the mind, And therefore is winged Cupid painted blind." PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje