Hindi na ako aasa.
Hindi na ako magpapakatanga.
Mag-momove on na ako.
Kalilimutan ko na siya.
Pramis.
Kanina ko pa yan sinasabi sa sarili ko. Pagka-gising ko nung umaga, 'yan na agad ang nasa isip ko. Pero bakit ganun? Kung kailan decided na ako siyaka ko naman maririnig 'yung...
"Okay. Mister Cabalhin, please sit beside Miss Lapens at the back."
Puso, kalma ka diyan.
Utak, huwag kang mataranta.
Mata, huwag mo siyang titigan.
Ilong, huwag mo siyang amuyin.
Tenga, huwag kang makikinig sa kaniya.
Ulo, huwag kang lilingon sa kaniya.
Berna, move on na.
Pero ang hirap lang! SFVHNEIRUWEIORUJHRNTBYIUBTIYUJDSK;FSDL;RWEIO!
Wala pa ngang isang araw na nag-decide na akong mag-move on, wala pa nga akong progress sa pag-momove on, EHETO KAMI AT PINAGTABI SA BAGONG SEATING ARRANGEMENT!
Tumingin ako kay Ynna, na patawa tawa at naka-ngisi pang naka-tingin sa akin.
LECHE. Porket hindi na niya katabi si Jaze ah!
Inirapan ko siya at tumingin nalang sa bintana. Malapit kasi ako sa bintana eh.
Bakit naman Lord? Bakit naman kailangang katabi ko pa talaga siya?!
Napabuntong hininga nalang ako. Siguro, isa itong test para sa akin galing kay Lord. Test sa pag-momove on ko. Pero teka lang LORD ah! Wala pa nga akong lesson, may quiz na agad?! Talo mo pa si Sir eh!
Hindi naman po sa kinukwestiyon kita pero naman kasi.. Paano naman po ako makaka-move on kung katabi ko siya, diba?
Lord, alam niyo naman po na itong katabi ko po eh 'yung nanakit, nagpaasa, at ginawa akong tanga hindi ba?
"Pst. Berna."
AYPUSAKAL NAMAN PO!
Napalingon ako sa kaniya na naka-kunot ang noo. Nakita naman kasing taimtim akong nag-iisip dito eh! Buti nalang at free time na namin!
"Ang sungit mo naman."
Oo, kailangan. Para maka-move on na ako sa ‘yo. Gusto kong sabihin pero hindi ko nasabi.
BINABASA MO ANG
Seatmate. (One-Shot)
Short StoryWalangya. Bakit siya pa ang seatmate ko. “Love looks not with the eyes, but with the mind, And therefore is winged Cupid painted blind." PS: I wrote this when I was still a sophomore in high school, please unferstand. #Jeje