'Bro, shit, ano gagawin ko?' kinakabahan ako.
'Joem, relax, act normal, saan na ba ang dating Joem na kilala ko?' sagot ni Chuck na nakangiti
Hindi pa kami lumabas sa sasakyan ng ma parking na ito ni Nico sa malaking garage nila kim, pinauna na ni Chuck si Nico dahil alam niy Chuck na wala pa akong plano na lumabas
'Iba ito bro, hindi ito normal na gimik lang, anjan si Dean sa loob' sagot ka na kinakabahan pa rin
'Labas na ta'yo, basta act normal, kaya mo yan. Ikaw pa. Labas na!' sabi ni Chuck na lumabas na sa sasakyan.
Sumunod akong lumabas sa kanya, pina una ko na siya pumasok sa loob at nag desisyon ako na magyoyosi muna.
Kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko, sinindihan ko ito, ito lang ang tanging nakaka relax sa akin.
Ano ba gagawin ko? Andun na si Dean sa loob, anong una kong sasabihin sa kanya? Ano kaya reksyon niya pag nakita niya ako. Ano ka ba Joem, feeling mo rin na naapektuhan siya sa halikan ninyo.
Nakatayo lang ako sa tabi ng gate nila, nawawala sa totoong mundo habang hinihithit ang sigarilyo na nasa kamay ko. Walang ibang laman ang isip ko, si Dean lang, pano ko ba to simulan.
'Alam mo, pag pinagpatuloy mo yang bisyo mo mamatay ka ng maaga jan'
Nanigas ang katawan ko sa narinig ko, alam ko ang boses na yun, ang boses na matagal ko nang hinahanap at hinintay at nandito na pero hindi sa inaasahan ko na pangyayari.
Anong gagawin ko?, dahan-dahan kong tinignan ang tao sa harap ko
'Dean' pabulong kong sambit sa kanya, sana wala siyang mahahalata.
'Uy, Joem, kumusta ka na? Tagal na natin hindi nagkita ah' nakingiti niya sagot
Lintik, ba't parang wala lang sa kanya? Ako lang ba talaga ang naapektuhan sa mga pangyayari. Unfair naman to
'Ah, okay lang naman ako, ikaw, kumusta?' tanong ko sa kanya na pilit na ngumingiti
'Okay lang din naman,' sagot niya
'Kanina ka pa ba?' tanong ko sa kanya
'Actually kanina pa, mas nauna ako sa inyo, pinabili lng ako ni Kim nga mga makakain natin' sabi niya sa akin habang pinakita niya ang mga dala niyang plastic na hindi ko na napansin dahil sa shock ko
'Ah... okay2 ganun ba?' sagot ko habang ngumiti sa kanya, ang gwapo niya talaga, fresh na fresh pa rin, ang ganda ng mga mata niya at ang mga labi niya na parang sumisigaw na halikan ko
'Ehem, uhhhh pasok na ako Joem' sabi niya na nakapagbalik sa ulirat ko.
'Sige bro' maikli kong sagot.
'Tigilan mo na iyang bisyo mo, iikli buhay mo jan' tumawa siya at tuluyan nang pumasok sa bahay.
Pumasok na si Dean sa bahay at ako naman ay nakatulala lang habang pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bahay nila Kim
Pano ba to? anong gagawin ko, parang wala lang talaga sa kanya, ang unfair talaga ng mundo, ba't kailangan ko pag daanan ang ganito, siguro nga ito na ang karma ko.
Dapat magpakalalake ako, haharapin ko to, dapat hindi ako magpakabog sa inaasal ni Dean. Papasok na ako.
Pumasok na ako sa bahay ni Kim at hinanap ko sila.
Dean's P.O.V
Pinark ko na ang sasakyan ko sa labas ng bahay nila Kim, hindi na ako makakapark sa loob dahil nakita ko na may nakapark na na isang puting sasakyan at alam ko kay Nico yun.
YOU ARE READING
Truth or Dare [BoyxBoy]
Ficção AdolescenteNagsimula ang lahat sa isang activity sa isang Sem-ender camp ng isang malaki at sikat na University sa Cebu. Dahil sa isang dare magbabago ang takbo ng buhay ng dalawang magkaibigan na sina Dean at Joem. Mccoy De Leon as James Dean Cruz Nikko Nati...