Part 2

188 9 1
                                    

MJ POV

Nagising ako kasi may talon ng talon sa kama ko na parang unggoy na nakawala sa cage nya. Minulat ko mata ko at nakita ko ang isang unggoy.

"Ano ba problema mo? Umagang umaga naninira ka ng araw! Leche tabi nga jan" sabi ko at tinulak sya

"Ano ba its a special day because liligawan ko na si aj!" Sabi naman niya. Sayo lang special sakin hindi. Bitter mo teh! Heh! Leche manahimik ka

"Hmmm ano ba plano mo??" Sabi ko

"Basta maligo ka na at magbihis" sabi nya sabay hila sakin patayo at abot ng towel tapos pinapasok sa banyo

Hayyy nakakawalang gana, mas gusto ko pang magsaya kasama yung mga alak kaysa makita naman tong mahal kong may mahal ng iba. Hay! I just need to be happy for him, but its too hard.

Nagtagal ako sa banyo ng mga 30mins at lumabas. Naka upo sya sa kama ko at nakatingin sakin

"Hindi ka lalabas?" Sabi ko

"Hindi, okay lang naman kahit jan ka eh." Sabi nya sabay kindat

"Ha-ha-ha" sabi ko at kumuha ng underwear,bra at yung shorts na black jumpsuit at yung white fitted shirt at lumabas at pumunta ng banyo (wagas ka naman ate maka at)  nagbihis na ako at lumabas. Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko si jon, mccoy, paulo at tom. Huwaw! Mamaya complete na tong mga to.

"Oh asan yung iba?" Sabi ko

"Andon na sa venue" sabi naman ni mccoy

"Ganda mo naman miss" sabi naman ni jon sabay kindat

"Hoy tantanan mo nga best friend ko" sabi naman ni ronnie

"Alam mo kaya di nagkakaboyfriend tong best friend mo ng dahil sayo" sabi naman ni paulo

"Mabait naman yang si jon eh, aalagaan nya si maddie jane" sabi ni tom.

"Nakakaloka ka tom ah, tagal na naten magkakilala maddie jane pa rin tawag mo sakin." Sabi ko sa kanya at kinurot yung pisngi

"Ako na lang pang-gigilan mo" sabi naman ni jon

"Osige" sabi ko sabay kurot sa pisngi at kiniliti sa bewang, tumayo naman si ronnie sabay pinalupot nya yung kamay nya sa bewang ko at buhat palabas.

"Tama na yan malelate na tayo." Sabi naman ni ronnie

"Grabe naman yung pagka overprotective mo" sabi naman ni jon

"Hmppp baba na dali" sabi naman ni ronnie. Bumaba na kami lahat at buhat buhat pa rin ako ni ronnie tas sinakay nya na ako sa kotse.

"Hindi mo talaga papatabihin samin si mj no?" Sabi naman ni paulo

"Kaya nga" sabi naman ni jon na nakapout.

"A-----yokooooo" sabi naman ni ronnie.

Nanahimik na lang ako kasi parang nililibing na yung puso ko sa sobrang sakit--

"Oh bat ang tahimik mo mj" sabi naman ni tom.

"Parang di mo naman alam" sabi naman ni paulo at siniko naman ni jon

"Shhh" sabi ni jon

"Ano ba yon?" Nagtatakang sabi ni ronnie

"Ah wala yon, diba ayun na yun?" Sabi ni jon

"Ah oo nga, andito na tayo" sabi ni ronnie na bumaba na ng sasakyan.

"Ibobokya nyo pa ako mga ugok kayo" sabi ko naman na nakatingin sa kanila

Story Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon