Introduction

153 5 5
                                    

vote and comment po please! T.

,si Mei po yang nasa taas. :)

***
Maganda ang tanawin sa labas, kasing ganda ko.

Mainit ang panahon, kasing hot ko.

Tumingala ako sa langit at nakita ko ang rainbow, makulay ito. Kasing kulay ng buhay ko.

Naamoy ko ang paligid, umaalingasaw ang masangsang na amoy.

Huminto ako sa aking paglalakad. Tumingin sa paligid ko. At ng namataan kong ako lang ang nag iisang naglalakad at nasa lugar na ito.

Dahan dahan kong itinaas ang aking kaliwang kamay.

Unti unti kong tinignan ang aking kaliwa kung saan mamamataan ko ang aking kili kili. At...

"Errrr. Sinasabi ko na nga ba ehh. Sakin nanggagaling ang kanina ko pang naaamoy na mabaho na yun." Sabi ko sa aking sarili sabay baba ng aking kamay.

Namamasa na rin kasi ito.

Itinuloy ko nalang ang aking paglalakad at binilisan ito. Upang ako ay madaling makaka uwi sa aming tirahan.

Ewan ko ba kung bakit ganito! Lagi naman akong naliligo! 2 oras pa nga ako bago matapos ehh. Tatlong beses rin akong nagsasabon ng katawan. Dalawang beses naman kung maglugod.(lalo na sa part ng aking kili kili). Halos nagpapalit palit na rin ako ng brand ng deodorant na gamit.

Una, Reksona, sumunod, Nivea, at iba pa.

Sinubukan ko na ring gamitin ang katialis, tawas! Kalamansi, kamatis, lemon.

Kaso wala pa rin.

Sinubukan ko na rin ang isang pamahiin na sinabi ng aking lolo.

Maglagay daw ako ng piso sa kaliwa at kanan kong kili kili at maglakad sa lugar namin hanggang sa malaglag ito ng di ko namamalayan. At pagnalalaglag na ito at may kumuha... malilipat na sa kanya ang sumpa!(putok).

Sinubukan ko sya, actually, di lang piso ang nilagay ko. Kundi limang piso na talaga! Para malakas at mabisa!

Kaso, sadyang malakas talaga ang sumpang naka agapay sa akin, kaya di pa rin sya tumatalab. Huhuhu

Ang dami ko nang nasabi pero di pa pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Mei Pasabog. Last name ko ang Pasabog. Hayss. Ewan ba? Talagang sinakto pa. T.T btw, may isa akong kapatid, si Moy Ayen. Nakababata kong kapatid. Ang mama ko ay si Maria at si Pedro naman ang aking Ama.

Maganda ang aming lahi, matangkad, makinis ang balat, buo ang ngipin(sila lang, pustiso na sakin eh..) syempre may magandang mukha. At mabait rin.

At sa dami ng aming lahi, saakin pa napunta ang sumpa(putok) hayys. Hayaan mo na!

Btw, malapit na pala ang foundation day ng aming eskwelahan, malamang sa malamang ay buong araw na naman kaming nasa eskwelahan. at kasalukuyan na naman akong naghAhanap pa rin ng deodorant na mag aangkot sa aking isinumpang kili-kili, maaari ba kayong mag suggest? Please! Please! *.*

Engr. Ganda's note: Hahaha. Wala lang. vote and comment for the next pasabog.

Ang Estorya ng Babaeng May PutokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon