Hello! Engr. GANDA here! Alam kong wala pang 5 votes ang introduction ng storyang ito, pero kasi wala rin akong magawa dito sa bahay kaya maga update na rin ako. hehehe.
Sana po ay subaybayan nyo ang estoryang ito hanggang huli...
Comments and votes are really appreciated. :)
****
Nasa taas ang picture ni Joseph.
Mei's POV
Eto ako ngayon sa aking kwarto. Nakatitig sa aking mga damit na aking inilapag sa aking kama.
Iniisip kung anong damit ang maganda at naaangkop na aking suotin para sa aming foundation day sa eskwelahan na gaganapin ngayon.
*kriiing**kriing*
Napatingin ako sa cellphone kong nagri ring.
Tinignan ko ang screen para malaman kung sino ang tumatawag.
Crissa's calling...
Si Crissa ay isa sa mga kaibigan ko.
Kinuha ko ang aking telepono at sinagot ito.
"Hello?"
-Mei! San kana? 15 minutes nalang magna 9 na! Bahala ka, makakamulta kana naman.
Napabuntong hininga na lamang ako. Lagi na kasi akong late. Lagi akong natatagalan sa pagpili ng aking damit na susuotin. Hindi dahil sa gusto kong mapaganda, kundi dahil naghahanap ako ng damit na maari kong masuot at nagbabakasakaling hindi maaamoy ang sumpa(putok).
Ang hirap ng ganito. Kaya tulungan nyo na kasi ako. T.T
"Oo na, OTW na freh. Sige sige. Babye!
Then in pinatay ko na ang tawag.
Kinuha ko nalang ang puti kong tshirt na may print na bungo then nag denim pants nalang ako.
Naniniwala kasi akong pag white ang suot ko ay may tsansang di maghahasik ng lagim ang sumpa(putok).
Actually, pinapaniwala ko lang naman ang sarili ko.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kina mama at umalis na.
May dala naman akong extra shirt at deodorant. Just in case lang.
Sumakay na ako ng tricycle papuntang school.
****
Nagmamadali akong lumakad papuntang gymnasium. Matapos kong makapasok ng gate ng school namin. Dun raw kasi ang attendance.
"Pia! Paattendance!" Sigaw ko sa babaeng may hawak ng attendance.
"Oy, Freh! Himala at di ka late ahh. Hahaha" tawa nya sabay abot ng attendance paper sakin.
"Muntikan lang" sabad naman ni Annah na kakarating lang.
Di na ako umimik instead ngumiti nalang ako.
Lumapit naman ako kay Crissa matapos kong mag attendance.
"Oy paii!" Sabi ko sabay sapak sa kanya.
Ganyan kami magbatian. Hehe
Sinapak nya rin ako sabay sabi...
"G*go paii ang tagal mo, di mo tuloy nakita sumayaw si Joseph."-Crissa
"Oo nga, Meh! (Bisaya sya) ang galing nya talaga sumayaw." Sabi naman ni Kayla at nag act pa na kinikilig.
Sinapak ko nga! Di pwedeng kiligin sya noh! Sakin lang si Joseph.
BINABASA MO ANG
Ang Estorya ng Babaeng May Putok
Teen FictionNaghahanap kaba ng kakaibang istoryang mababasa? Yung istoryang hindi mo aakalaing maiisip pa. Ang istorya ng isang magandang babae... Babaeng May pasabog na dala. babaeng may kaakibat na fireworks. babaeng may baril. Babaeng may pasabog Ang babaen...