Pasabog #4

82 4 1
                                    

Mei's POV

"Kyaaaah! Omg friend, kenekeleg aketch!"

Sigaw ni Crissa.

Oo, kanina pa yan sigaw ng sigaw.

Andito kami ngayon sa canteen. Niyaya kami ni Jd dito after namin maglandian-- este, magka kilanlan sa daan.

Hehehe.

"Tumigil ka nga jan Crissa, baka may maka rinig sayo. Nakakahiya." Bulong ko sa kanya.

Ikaw ba naman yung kasama mo sigaw ng sigaw. Syempre nakakahiya diba?

Tsaka baka marinig din ni Jd na kasalukuyang bumibili ng pagkain.

"Sus, kunwari kapa, freh. Kinikilig ka rin naman! Hahaha! Ayiiee!" Sabi nya pa sabay sundot sa tagiliran ko.

"Ano kaba, tumigil ka nga." Saway ko naman.

Sa totoo lang. Kenekeleg rin naman talaga ako ehh. Hahaha! Sino ba naman di kiligin, ang gwapo kaya! Hehe.

*hut**hut*

Pagsinghot ni Crissa.

"Oh?" Sabi ko sabay kunot ng noo.

"Friend, ilang oras kana bang di nakakapagpalit ng t-shirt? Sumasabog na ang bulkan." Bulong nya.

Napaamoy naman ako sa sarili ko.

Omg!

"Oo nga, sh*t!" Irita kong sabi.

Tinignan ko muna si Jd na nagbabayad na sa counter. At nag umpisa ng tumayo.

"Bihis lang ako friend, balik lang ako agad. Wag mo agawin si Jd ahh."

Tumango naman sya kaya nagmadali na akong dumiretso sa exit. Tutal, malapit lang naman dito sa canteen ang c.r. ehh.

Ngunit bigla naman ako napahinto sa paglalakad.

May demonyong-anghel kasi ang papasok sa pintong lalabasan ko ehh.

"Mei..." tawag sakin ng demonyong-anghel. Or we can also call him "D.A" for short.

Inirapan ko naman sya at dumiretso na papalabas.

*****

Crissa's Pov

Tinitignan ko si Jan habang papalapit na sa table namin.

Sh*t ang gwapo nya talaga. Sana magkatuluyan sila ni Mei. Ahihihi.

"Ahh. Crissa, si Mei?" Tanong nya sabang inaayos ang mga pagkain. Then nagpalinga linga sya sa paligid.

"Nako, nagpalit ng damit. Basa na kasi ang likod nya ehh, mahirap ng baka magkasakit yun." Pagdadahilan ko. "Babalik rin agad yun." Sabi ko sabay ngiti.

"Ahh. Ok." Sabay ngumiti rin sya.

Sh*t!

Lord, kung hindi po para kay Mei si Jan. Ibalato nyo nalang po sya sakin. *,*v

Napakunot ako bigla ng noo ko sa nakita kong papalapit.

"Miss Crissa Tandingan. Can we talk?" Agad nyang sabi.

Nakikita ko sa mga mata nyang may hinanakit sya sa akin. Well, who cares? Di ako papatinag.

Tumayo ako.

Para may drama. ;)

"No, we have nothing to talk to." Sabi ko sabay irap at umupo ulit.

Ang Estorya ng Babaeng May PutokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon