Love Yourself (One shot)

32 0 0
                                    

Gusto ko lang ikuwento na ilang beses ko i-trinanslate yung content nito from English-Filipino-Englishh-Filipino-English. Pero sa huli, filipino pa rin ang pinili ko. Hehe. Yun lang naman :)

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Jade, alam mo naman kung anong ugali ng lalaking 'yun diba? Malay mo hindi niya...alam mo na"

Umiiling lang ako habang sinasabihan ako ng bestfriend ko. Wala na akong pakialam sa lalaking yun. Ayoko na. Sobrang sakit na eh. Hindi ko na kaya.

"Kahit na, may magbabago ba? Wala naman diba?"

"Malay mo? " Alanganin niyang sagot

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Sino ba siya sa akala niya? Hindi naman siya ang nasa posisyon ko ah?
"Pwede ba Jackie? Alam mo naman kung anong pinagdaanan ko sakanya."

"Sapat na ba yun para iwan mo ang lahat? Kasi kapag ako ang nasa posisyon mo? Wala akong pakialam kung kalaban ko ang lahat ,basta alam kong kaming dalawa la-"

"Puta naman eh! Hindi naman kasi ako kasing tapang mo eh! Okay? Hindi ako tulad mo!" Sigaw ko sakanya. Nilagpasan ko nalang siya at nagkulong sa sarili kong kuwarto.

Huminga ako ng malalalim at dumapa agad sa kama ko. Hindi ko na ulit narinig ang boses ng bestfriend ko. Baka napagod na siguro siyang pagsabihan ako. Mabuti naman, dahil wala na rin akong balak na makinig.

Ilang minuto rin akong nakahiga nang naramdaman kong may dumidila sa paa ko. Binaba ko ang tingin ko dun at nakita ko si Aki. Pomeranian puppy ko. Binuhat ko siya at ilinagay sa ibabaw ng binti ko. "Hello Aki. Tingin mo?Ano bang dapat gawin ni mommy?"

"Arf! Arf!" tahol niya na tila naiintindihan niya ako.

Napangiti ako. Buti pa itong alaga ko, hindi pinapasakit yung ulo ko. Hinaplos ko ang balahibo niya. Umilaw naman bigla yung cellphone ko mula sa study table ko. Tumayo ako at inabot iyon na buhat-buhay si Aki.

Isang mensahe ang bumungad sa'kin

From: Mommy Linda
2:34pm

"Advance Happy Birthday, my baby girl! Sorry, ha? Your mommy can't come home to celebrate with you. Marami kasing pasyente ngayong buwan na to' eh. Ipapadala ko nalang yung hiniling mo na Lamborghini sa bahay. Lovelots. Muwah."

Tulad ng inaasahan ko. Hindi nanaman ako sisiputin ng nanay ko sa birthday ko. Okay lang. Sanay naman ako eh. Naisipan kong halungkatin muna yung gallery ko.

Love Yourself (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon