Ellairah's POV
Kanina pa okupado ang utak ko dahil sa dami ng pumapasok sa isip ko.
Kahit anong pilit ko ay hindi mawala ang lahat sa alala ko at hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako.
Pinipilit kong intindihin ang mga dahilan kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito pero, hindi sapat ang mga ito, hindi ako makuntento.
Ngayon ay panibagong araw nanaman...
Panibagong araw ng pagharap sa katotohanan.
Sa katotohanang kailangan kong tanggapin.
Ang katotohanang minsan ay ayaw ko nang harapin.
Ngayon ang unang araw ko sa kolehiyo.
Unang hakbang patungo sa pangarap namin, sa pangarap ko.
Unang araw na kailangan kong harapin ang mundong ito na hindi na siya ang kasama ko.
Naramdaman ko ang paglalim ng paghinga ko kaya bago pa man muling tumulo ang mga luha ko ay bumangon na ako.
Sapat naman ang tulog ko pero pakiramdam ko ay sobrang kulang nito dahil parang kulang ang enerhiya ko.
Mag-aayos na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid.
"Gising ka na pala." Malumanay na usal niya. Nanatili siya sa pwesto niya at diretsong nakatitig sa akin.
Alam kong pinapakiramdaman niya muna ako kaya hindi siya gaanong nagsasalita.
"Yes mom. Bababa na ako mamaya." Matipid na sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Hindi naman ako nagtagal sa pag-aasikaso kaya ilang sandali pa ay nakababa na ako.
Pareho silang naghihintay ni dad sa akin.
Seryosong-seryoso si dad habang may kausap sa telepono, batid kong tungkol sa negosyo iyong pinag-uusapan nila ng kausap niya sa kabilang linya.
Agad naman akong inasikaso ni mommy.
Sobrang tahimik ng paligid at tanging pagkilos lamang ng bawat isa ang maririnig.
Bahagya ko silang tiningnan at alam kong may kakaiba sa ikinikilos nilang dalawa.
Hindi maiwasang mangunot ng noo ko sa kakaibang pakiramdam at sitwasyon na idinudulot ng katahimikang nasa pagitan nilang dalawa.
"Anong problema?" Seryosong tanong ko nang hindi tumitingin sa kanila at itinuloy ang aking pagkain.
Ramdam kong natigilan sila sa kanilang ginagawa subalit ipinagpawalang bahala ko na lamang. Animo'y wala akong napansin.
"Wala baby, business lang." Nag-aalangang sagot ni mom. Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.
Tumango na lamang ako kahit hindi ako kumbinsido. Alam kong may problema at ayaw lamang nilang sabihin ito.
Hindi na lamang ako nagtanong pa dahil mukhang wala rin naman silang balak sabihin ang totoo.
"Dun din pala mag-aaral ang mga pinsan mo." Pambasag ni dad sa katahimikan. "Nais ng lolo mo na magkakasama na lamang kayo habang hindi pa natin nalalaman ang totoong nangyari sa kambal mo." Pagtutuloy niya.
Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy lamang ang pagkain ko.
"Baby is it okay?" Nag-aalalang tanong ni mom. Ibinaling ko muna ang aking mga tingin sa kanya bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Untamed Secret
ActionAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat. Ang bawat pangalan, lugar at pangungusap ay nagmula sa sariling kaalaman at pag-iisip ng may akda. Kung may kaparehong pangalan at pangyayari ay hindi ito sinasadya. Ang istoryang ito ay...