Kabanata 8

18 1 0
                                    

Madison's POV






Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si Ace.

Hindi ko maintindihan ang biglang pag-iiba ng kilos niya.

Muli kong tiningnan si Ellairah na nakatingin din sa gawi kung saan pumunta si Ace.

Bahagyang nakakunot ang noo niya at nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay ibinaling niyang muli sakin ang atensyon niya.

"What?" Walang ganang tanong niya.

Nagtataka man ako ay pinilit kong ngumiti at umiling.

"Ah... Sige na Ellairah. Alis na ko." Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at lumabas ng silid na iyon.

Agad kong hinanap si Ace at hindi naman ako nabigong makita siya agad.

Sinubukan ko siyang tawagin subalit, mukhang malalim ang kanyang iniisip kaya hindi niya ako marinig.

Mabilis ang kanyang paglalakad at hindi ko talaga siya maaabutan kung maglalakad lang din ako.

Tatakbo na sana ako para habulin siya nang biglang lumitaw si Lyndon mula sa kung saan at sinamahan siya.

Napahinto ako at parang may kung anong pumigil sa akin na ituloy ang binabalak ko dahil ramdam kong kusa na lamang huminto sa paggalaw ang paa ko.

Medyo malayo ang pwesto nila sa akin kaya't pinilit kong igalaw ang aking mga paa upang makalakad patungo sa gawi nila.

"What the fuck? Anong tungkol kay Ellairah?"

Biglang napahinto sa pagkilos ang buong sistema ko dahil sa hindi maipaliwanag na ekspresyon ni Lyndon.

K-kilala nila si Ellairah?

Nanatiling nakatalikod sa akin si Ace at ganun na rin si Lyndon at batid kong hindi nila nararamdaman ang presensya ko.

Dahil sa inasta ni Lyndon ay lalo akong mas naging interesado.

Kung ganon, bakit hindi sinabi sakin ni Ace ang totoo kanina? Sa tinagal ng samahan namin, kahit kailan ay wala silang nabanggit tungkol kay Ellairah at ni minsan ay hindi nila nabanggit ang pangalang ito, kahit noon.

Ano kayang kaugnayan ang mayroon sila sa isa't-isa?

"She's here." Sagot ni Ace sa kanya.

Nakatalikod man ay napansin ko ang bahagyang pagkagitla ni Lyndon.

Naguguluhan ako sa ikinikilos nilang dalawa at tila bang ang mga ito ay bumubuo ng napakaraming tanong sa isipan ko.

Nakakabaliw isipin kung ano ang dahilan kung bakit ganito na lamang ang inaasal nila.

Magkakakilala kaya sila? Pero mukhang imposible! Ni minsan ay di nila nabanggit sa akin ang pangalan ni Ellairah at isa pa, kitang-kita ko sa reaksyon ni Ellairah na di niya talaga kilala si Ace.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa kanila. Hindi ko napansin na masyado na pala akong nag-iisip at naglalakad na sila palayo mula sa gawi ko.

Susundan ko na sana sila pero may bigla na lamang humila ng kamay ko kaya napatingin ako sa kung sino man ang may gawa non.

Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko maiwasang mamangha sa taong nasa harapan ko. Para bang ngayon ko lamang siya nakita.

Mukha siyang anghel. Katamtaman ang kulay ng kanyang kutis, bagay na bagay sa kanya ang kanyang mahabang buhok. Matangos ang kanyang ilong at nakakaakit ang kanyang bilugang mga mata.

Kahit sinong lalaki ay maaaring mabighani sa kanyang kagandahan.

Mas maganda kumpara sa kanya si Ellairah ngunit, mas pansinin ang kanyang ganda dahil na rin siguro sa paraan niya ng pananamit na malayong-malayo kay Ellairah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untamed SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon