Ellairah's POV
Maagang natapos ang klase ko ngayong araw.
Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong umuwi dahil hindi rin naman matahimik ang utak ko sa pag-iisip.
Ngayon ay kasalukuyan akong nandito sa sala namin. Hindi na muna ako umakyat sa kwarto dahil sobrang tahimik doon at lalo lang akong mababaliw kung muli akong magkukulong doon.
Ginawa kong komportable ang pagkakasandal ko sa sofa. Prente kong inihilig ang batok ko sa sandalan nito.
Sa pamamagitan nito kahit papaano ay narelax ang katawan ko.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng yabag papalapit sa direksyon ko.
Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ito.
"Nandito ka na pala. Kamusta ang araw mo?" Si mom. Ramdam kong umupo siya sa tapat ko kaya bahagya kong idinilat ang mata ko.
"Okay naman." Tanging sagot ko sa kanya at muling pumikit.
"Hindi ka manlang ba magkukwento?"
"Where's dad?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
Nanatili akong nakapikit at pinapakiramdam siya.
Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin ngunit, hindi niya alam kung sa paanong paraan niya ito gagawin.
Narinig kong bumuntong-hininga muna siya bago magsalita.
"Hanggang ngayon ba ay iyon parin ang iniisip mo?" Sa tono niya ay alam kong dismayado siya.
Alam kong nag-aalala siya at hindi ko na maaalis 'yon sa kanya subalit, hindi niya rin naman maiaalis sakin ang mag-isip.
"Hindi naman 'yon nawala sa isip ko." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo.
Mahabang katahimikan ang nangibabaw bago siya muling nagsalita.
"Baby, hindi ba pwedeng kalimutan nalang natin ang lahat. Tapos naman na iyon. Nangyari na at wala na tayong magagawa."
Napakunot muli ang noo ko dahil sa narinig ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko ngunit nanatiling ganon ang pwesto ko.
Tiningnan ko siya ng diretso at kitang-kita ko sa mata niya ang pag-aalala.
"Anong sabi mo mom?" Tanong ko na para bang gusto kong hilingin na sana ay nagkamali lang ako ng dinig.
"Ang sabi ko ay kalimutan nalang natin ang nangyari. Nangyari na ito at wala na tayong magagawa."
Hindi ko naiwasang magulat sa sinabi niya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo mom?" Hindi makapaniwalang usal ko. Napaayos ako bigla ng upo mula sa aking pagkakasandal at matiim ko siyang tiningnan. "Parang sinabi mo na rin na kalimutan nalang natin si Elisha."
Nakita ko namang nagulat siya at umiling-iling.
"No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin-----"
"Ayun kasi ang dating sa akin." Pagputol ko sa sasabihin niya.
Lalo siyang nanlumo sa sinabi ko at halos hindi makapagsalita.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Panimula niya nang muli siyang makapagsalita. "Masyado kang tutok sa bagay na iyon at nakakalimutan mo nang maging masaya."
"Tss. Masaya ako, noon mom. Noon, nung nandito pa siya." Sabi ko at lalo lang siyang nalungkot.
Napayuko siya sandali at nung muli siyang mag-angat ng kanyang mukha ay may luha na sa mga mata niya na nagbabadyang pumatak.
BINABASA MO ANG
Untamed Secret
AcciónAng istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat. Ang bawat pangalan, lugar at pangungusap ay nagmula sa sariling kaalaman at pag-iisip ng may akda. Kung may kaparehong pangalan at pangyayari ay hindi ito sinasadya. Ang istoryang ito ay...