Prologue

797 26 3
                                    

"What is your problem, lady?" matigas na tanong niya sa'kin.

I crossed my arms and looked up because he's tall and to show him I'm not afraid. Tinaasan ko siya ng kilay. "Inunahan mo 'ko sa linya, Sir," I sarcastically added the 'sir'.

Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya at nag-ayos siya ng tayo. To be honest, nakakatakot 'yong itsura niya. Kung hindi lang siguro ako si Kathryn Bernardo, kanina pa ako natakot sa kanya. Mukha kasi siyang badboy. Mala-Gino Dela Rosa ng Princess and I 'yong getup niya. White shirt, leather jacket, and black skinny jeans.

"Look, lady. It's not my fault na umalis ka sa linya. Yes, you were ahead of me pero umalis ka and that means I get to have your place now," sabi niya at tumingin ng diretso sa counter.

Nanggagalaiti ako! Malapit na 'ko sa counter eh! Dalawang tao nalang tapos ako na! Jusko! Ano bang problema ng lalaking 'to at 'di man lang mapagbigyan?! 'Di man lang naawa sa 'kin?! Babae kaya ako! Tsaka isa pa, New Year ngayon! Ang haba ng pila! Jusko!

Pupunta na sana ako sa likod para maglinya ulit pero narinig kong nagsalita 'yong lalaki kaya napalingon ako.

"Someone's spending her New Year's eve at the mall," pagpaparinig nito.

"Talagang ginagalit mo 'ko ha..." bulong ko sa sarili ko.

Bumalik ako sa kanya at inilipat sa basket niya 'yong mga nakalagay sa basket ko.

"What the—!"

"Ayan! Dahil kinuha mo 'yong linya ko, ikaw maglilinya para sa'kin!" bulyaw ko sa kanya.

Akmang kukunin niya 'yong mga nilagay ko pero inunahan ko na siya.

"Hep! Hep! 'Pag kinuha mo 'yan, hihilahin kita at mawawala ka rin sa linya!" pananakot ko sa kanya. Well, alam kong lame. But what choice do I have?

He arched his right eyebrow and smirked at me. "Try me," sabi niya at inilipat nga ng gunggong 'yong akin.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang ilipat 'yong mga 'yon. Tinatapik-tapik ko pa 'yong paa ko sa sahig dahil alam kong konting-konti nalang ay mawawalan na 'ko ng pasensya.

"Hmm...I think my friends and I won't be needing this," tukoy niya sa isang bote ng alak. "Mind if I put this on your basket? Pakibalik nalang rin," sabi niya. "Please," and he flashed a grin before putting it.

This time ay napapikit na ako at huminga ng malalim. Sinusubukan niya talaga ako! Nasa pinakadulong part kaya 'yong mga alak! Ano? Ako pa magbabalik?! Pwede niya namang ipaalam 'yon 'pag nasa counter na siya! Talagang ginagago ako ng gagong 'to!

Lumapit ako sa kanya at sa basket ko. Kinuha ko 'yong bote ng alak at binuksan 'yon. Ang sakit pa nga sa kamay, eh. Pero 'di ko nalang pinansin dahil bwisit na bwisit ako sa lalaking 'to. Nang mabuksan ko ay ginawa ko na ang gusto kong gawin sa kanya.

Binuhos ko 'yon sa kanya.

Rinig naman ang mga pagkagulat ng mga tao sa paligid namin. Maski siya ay nawala rin 'yong nakakainis na ngisi niya sa labi. Napatingin siya sa suot niya na basa na at saka sa'kin. Bigla namang nawala ang ngisi ko nang makita ang mukha niya.

'Yong mukha niya. Mukhang siyang papatay. Shit, Kathryn. Anong ginawa mo?

***
A/N : Happy New Year, KathReids! :)

Jaye'sWhere stories live. Discover now