Chapter 1

514 20 6
                                    

"You better move, lady. Or else you'll be here for the rest of your life," I heard him chuckle saka tumingin sa unahan niya. "Aaah, finally," pagpaparinig niya at tumingin sa 'kin na may mapang-asar na ngiti.

Agad naman akong bumalik sa realidad. Nandito pa rin pala ako sa tabi ng counter. At napansin ko na isang tao nalang at ang gago na ang susunod. Gosh, Kathryn. Lakas ng imagination mo. Sana totoong binuhusan mo ng alak eh, 'no?

Bilang ganti ay binigyan ko naman siya ng matalas na tingin. Parang gusto kong pumatay! Nakakaasar! Ayoko! Ayoko ng bumalik sa dulo at maglinya ulit! Pero 'di rin naman ako pwedeng umalis nang hindi binabayaran 'to. Kailangan ko 'to! Nandito napkin ko!

Kaya ang ginawa ko, naghintay ako hanggang matapos yung ale na nasa unahan niya. Nang inilagay na 'yong pinamili nito sa plastic, inunahan ko na 'yong gunggong at nilagay sa counter 'yong sa'kin.

"Excuse me, Miss?" rinig kong reklamo niya pero 'di ko siya pinansin. Busy ako maglagay, eh. "Excuse me?!" this time ay mas malakas na kaya napatingin na 'yong cashier.

"Uh, Ma'am, bawal po sumingit," sita sa akin ng cashier kaya napatingin ako sa kanya.

"Thank God. Someone has—" pinutol ko na ang sasabihin nito at lumapit sa kanya.

"Ano bang sinasabi niyo, Miss? Kuya ko 'to. Sabay kaya kami," sabi ko at pinilit na isuksok 'yong braso ko sa braso niya.

"Ah, ganon po ba? Sorry po, Sir, Ma'am," sabi ng cashier at sinimulan ng i-scan 'yong mga pinamili ko.

Tinignan ko naman 'tong katabi ko at nakakunot na naman 'yong noo niya. Tiningnan niya ako ng masama at handa ng bulyawan ako pero inunahan ko na siya.

"Ano ka ba, Kuya! Ba't 'di mo pa ilagay 'yong sayo? Akin na, tutulungan kita," sabi ko at kinuha 'yong basket niya para ako na ang maglagay. Mabuti nalang at 'di na siya nagsalita pa.

Habang naglalagay ako ay naririnig ko ang bulungan ng cashier tsaka no'ng naglalagay ng mga pinamili sa plastic. Nabigla ako nang magsalita 'yong cashier. "Miss, ano daw pong pangalan ng Kuya niyo?" tanong niya habang may malanding ngiting sumisilay sa kanya. Oo, malandi!

Napaisip ako. Ano bang pangalan nito? Then suddenly, may idea na pumasok sa isipan ko.

"Juanico po ang pangalan niya," sabi ko at ngumiti sa cashier.

"Juanico?" tila natigilan 'yong babae at gusto kong matawa sa mukha niya.

"Oo. Juanico Berting Bernardo," at saka ako ngumisi.

Nang dumapo ang tingin ko sa kanya ay masama ang tingin na ibinigay niya sa akin. Kulang pa 'yon, ulol!

"Thank you, Ma'am," sabi nila nang mailagay na lahat sa plastic bag. "And...Sir," dagdag nila sabay tingin kay Kuya mula ulo hanggang paa.

"Pfft..." hindi ko mapigilang tumawa. Sumisigaw ng 'sayang ka' ang mukha ng dalawang mahaharot.

Tumingin ako sa lalaking ito at nakita ang matatalas niyang tingin kaya agad akong tumigil.

Ngumiti ako sa dalawa at nagpasalamat saka tumingin sa lalaking nakatayo lang sa tabi ko. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin na nagsasabing kunin niya na 'yong plastic. Pero tinaasan lang ako ng kilay ng gago.

"Buhatin mo 'yan," sabi niya at dire-diretsong naglakad.

"Aba't—!" napakagat ako sa labi ko dahil sa frustration. Nakakainis talaga!

Wala akong ibang choice kundi dalhin 'yong plastic bag at sundan siya. Medyo naligaw pa nga ako dahil 'di ko nakita kung sa'n siya dumaan pero nagpasalamat ako sa leather jacket niya at madali siyang ma-identify.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jaye'sWhere stories live. Discover now