Wala ulit UD na scenario dahil sa mga happenings these days sa UAAP at sa social media.
Grabe yung bashing ng mga fans sa UAAP. Fans nga ba o fantards? Leche! kung alam lang nila, hindi sila nakakatulong sa UAAP tsaka sa mga players. Parang ang pangit na sa akin ng dating UAAP, wala na yung rival pero friendly competition. Hindi naman about sa players pero sa mga fans.
Yes, La Salle fan ako pero never naman ako ng bash ng Ateneo player pero hindi ko rin naman sasabihin na kesyo Ateneo ang nauna kaya ganti-ganti lang.
Sabi ko nga, tho may LS ang sinusuportahan ko, never talaga ako naging biased when it comes na about sa comments tungkol sa mga player.
Pero nakakabadtrip din kasi yung iba eh, ewan ko ba after na nairelease yung stats ng second week na labanan sa UAAP VB bigla na lang napag-initan si Mika Reyes. Bakit? Ano bang ginawa niyang masama? Naglaro lang naman siya para manalo ah. Bakit ganun? Tsaka bakit may issue na lumabas na may kamag-anak si Kim Fajardo na Statisitian sa UAAP? Heller! Si Bengga na ang nagsabi na walang kapatid si Fajardo sa UAAP head. Nakakainis kasi na pati yung wala naman sa roster ng LS pinag-iinitan. Tsaka yung mga nagpredict ng Final 4 nila dyan parang tanga lang, how can you predict eh nagsisimula pa lang UAAP!
Dumako naman tayo sa ADMU. Yung sa laban ng ADMU vs UST, nadisappoint yung ibang fans kasi naisahan sila ng set bakit? Bawal na ba sila matalo ng kahit isang set? Grabe naman kayo, kayo kaya maglaro ng volleyball. Madali panoorin ang volleyball pero pag nilaro mo na yan baka sumuko ka na agad.
Tsaka di pa rin humuhupa yung tungkol kina Mika-Kiefer-Alyssa. Hay nako, kung saan sila masaya, hayaan na. Kung rebound lang, edi wow kay Kiefer! Tsaka sana wag ng idawit si Mika sa kanila, mahiya naman kayo kay Aly. Past is past nga diba? Kalimutan na. Nakamoved on na bawat sides kaya sana mawala na 'tong issue na 'to at sana mabawas-bawasan na sana yung mga fantards sa UAAP! Mga leche kayo, nanunood lang kayo ng UAAP dahil nanalo yang ganyang team or whatever. Ang totoong fan ng UAAP, hindi lang basta sinusuportahan yung nananalong team kundi yung mga player at higit sa lahat yung mismong sport, yung volleyball.
Sorry, hindi ko kasi mapigilan na hindi magsalita tungkol sa bash keme-keme. Nakakainis. Tapos yung iba feeling coach kung maka sabi ng kung anu-ano tapos yung feeling super-galing na analyst. Kung totoo kang sports analyst, never kang magiging biased kasi lahat ng players/teams titignan mo lang sila ng equal! Mga kumag talaga oh.
Oh sige na. Goodluck na lang sa mga team na maglalaro. ADMU vs FEU; DLSU vs NU .. oh yan, laganap na naman mga feeling analyst at coach sa social media haha!
Jusq po mga tao..