Chapter 4: First Day

3 1 0
                                    

Sabrina's POV

Kasalukuyang nagmamadali kami at naguunahan sa pagligo dahil ngayon na ang First Day Of School. Pero tinanghali kami ng gising lahat kaya ngayon ito kami at di magkanda-ugaga.

Hoy! bilisan mo late na tayo ang tagal mong maligo.-inis na inis na sabi ni Lorien.

Oo na! Ito na nga oh. Magbibihis nalang.-padabog na sagot ni Sophie.

Guys ano ready na ba mga gamit nyo baka may nakalimutan pa kayo?.-magalang na tanong ni Jenine.

Beb sakin hindi pa pwede pakilagay mo naman ung sandwich sa bag ko.-paguutos ni Sophie.

Mga Beb dapat maganda tayo ngayon kasi 'First Day Of School'. -Pagpapacute ni Precious habang naglalagay ng lipbalm.

Oo nga! Tama. -pag-sangayon ni Sophie kay Precious.

Ano ba kayo late na nga tayo tapos kung ano-ano pa inaatupag nyo.-Inis na sabi ni Lorien habang nagsusuklay ng buhok.

Tara na guys! -aya ko sa kanila.

Let's Go.! -Dugtong ni Jenine.

Ano ba kayo First Day pa lang sigurado wala pang lesson tapos late pa dadating yung mga teacher. Mag ayos muna tayo para maganda tayo pag pumasok.-pagmamaktol ni Precious.

Oo nga tapos magpapakilala pa tayo sigurado isa-isa niyan.-singit ni Sophie.

Sabagay malapit lang din naman. -Dugtong ko.

Oh sya! Sige na mag-ayos na kung mag-aayos pero bilisan nyo lang wag masyadong matagal ha.-pagpapaliwanag ni Jenine.

Yesss! -sabay na sabi ni Precious At Sophie at nag-apir pa ang dalawa.

Hay nako! Bilis nga!-buntong hininga ni Lorien.

*******
Kasalukuyang naghihintay kami ng masasakyan. At pasalamat naman dahil may taxi agad. Pinara na namin agad at mabilis lang kaming nakarating.

Lorien's POV

Hay nako! Inis na inis talaga ko dun sa dalawang un kay precious at sophie. Dahil puro pakikay at pa VIP. Late na nga puro paganda pa. Nandito ko ngayon sa hallway papuntang C.R. at nag-iisa dahil di na ko nagpasama pa dahil late na. Lintik naman kasi kung kaylan pa ko late tsaka pa ko naihi. Bigla akong nagising sa pag-iisip dahil naramdaman ko nang sumasakit ang pang-upo ko. Dahil tumilapon ako sa semento dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Aray! Letche naman Oh! Ang sakit. Ikaw di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo naka skate boar pa kasi di naman marunong.-pasigaw na sabi ko sa lalaking nakabangga sakin gamit ang skateboard niya mukha naman kasing hindi marunong gumagamit pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman. At mukhang may mga gasgas pa ata ako sa braso at kamay.

Oh ano! Bat dika makapag-salita ha di ka man lang ba hihingi ng tawad.-pasigaw kong sabi habang nakasalampak pa rin sa sahig. At mukang umuusok na ang ilong nito sa galit dahil sa mga nasabi ko.

Ano! Ako magso-sorry? Never! dahil una di ko kasalanang tanga ka dahil di ka tumitingin sa daanan at pangalawa bakit ikaw marunong ka bang mag skateboard? Kung makapagsalita ka di mo ba ko kilala? Transfer ka siguro no? Well kung ganon magingat ka dahil umpisa pa lang to ng bagsik ko.-nakakatakot na banta nya habang matatalim ang tingin sakin.

Oo transfer ako. So paki mo. At hindi mo ko matatakot! Bakit sino ka ba?!.-pagmamatapang ko.Wala na siyang ibang ginawa kundi ang talikuran nalang ako at naglakad papalayo. Hay nako napakasama naman ng lalaking yun.Biglang pumasok sa isip ko na late na nga pala ko kaya agad akong tumayo at nag-ayos ng sarili, di ko na ginawang magpunta pa sa C.R. dahil nagmamadali na kong naglakad kahit na kumikirot pa rin ang aking mga gasgas pati na rin ang pangupo ko.

Kasalukuyang nasa pinto na ako ng room namin ngayon. At nakakahiya dahil pinagtitinginan na ako dahil late na nga ako.

Good Aftenoon Ma'am, Sorry i'm late.- Bati ko sa teacher naming nakaupo sa kanyang silya.

Good afternoon din. Miss... Ano nga ulit ang name mo hija?-tanong ng aking guro.

Lorien po.-nahihiyang sagot ko.

Ah halika dito, Introduce yourself.-tawag na sakin.

Hii, I'm Lorien Santos, i'm transferre. Nice to meet you. -Nahihiyang sambit ko.

Okay miss Santos, Take your seat.-singit ng teacher namin.

Hi Ma'am, Good Afternoon sorry i'm late.

Nagulat ako sa boses na yun at pag harap ko hindi ako nagkakamali siya yung lalaking nakabangga sakin kanina. Sa dinami-dami ng pwedeng maging kaklase ko bakit siya.


Nagtama ang landas namin nakita ko rin ang pagkagulat sa mata niya. Pero hinayaan ko lang ito at umupo na. At tinarayan siya.

Okay, Mr Vincent take your set.-Sabi ng teacher namin.

Tara dito pre, Bat ngayon ka lang?-Dinig kong sabi ng isa sa apat na lalaking magkakatabi.

Uyy beb, Bakit nga pala ngayon ka lang?-Pagtatanong ni Jenine.

Baka mahaba pila sa C.R.-Pagpapatawa ni Sabrina.

Hindi ano ba kayo, baka naman nag date lang sila nung lalaking yon.-Pang-aasar ni Precious.Sabay turo sa lalaking nakabangga sakin.

Oo nga no, Pogi din naman.-Pag-sangayon ni Sophie.

Okay class, Quiet. Lets start our lesson. Ngayon since first day pa lang naman papagawin ko muna kayo ng inyong talambuhay.-Pagsingit ng aming guro kaya di na ako nakapag-paliwanag sa kanila. Mamaya na lang siguro.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Ko O Mahal Ako ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon