Part 2

22 1 0
                                    

CLASSMATE KO SI EX
Part 2

Althea's POV

"Hala bes diba sya yung kinwento mo samin dati na naging jowa mo nung third year ka?" Tanong sakin ni Cherry sabay turo sa gunggong na papansin na nasa harap na gumagawa na naman ng kalokohan.

Si Marlon yung tinutukoy nya. Walanju yan! Kahit sino lang ang mapagtripan. Asshole talaga kahit kailan hindi nagbabago.

Sa kasawiang palad naging kaklase ko pa sya sa huling taon ng highschool life ko. Malas ko naman. Andami namang section bakit napunta pa yan dito? Oy hindi ako bitter ah! Ayoko lang talaga makita sya at lalong lalo na makasama sa iisang classroom araw araw sa loob ng isang taon. Sarap tuloy tumalon sa tulay haays kung hindi lang sana ako maganda e.

Simula ng nakipaghiwalay sakin yang gagong yan! Oo sya talaga nakipaghiwalay sakin. Grabeeeh lang. Sya palang gumawa sakin nyan ah. Akala mo naman ang gwapo gwapo nya para ganunin nya ko. Walanju talaga yang taeng yan sana di nalang sya nabuhay! Ginawa pa talagang excuse na pinagbawalan na daw sya ng nanay nya na mag girlfriend? At ako naman itong tanga e naniwala agad! Kung alam ko lang na saksakan ng pagka siraulo yang Marlon na yan e di ko sana sya pinatulan.

Malay ko ba. Transferee lang naman ako ng third year ah. At nagkataon namang kaklase sya nun ng nag iisa kong kaibigan sa school na to dati. Kaya nagkakilala kami. Hiningan nya ko ng number nun, binigay ko naman agad. Kasi gusto ko lang nun dumami kaibigan ko saka muka naman syang friendly at masaya maging kaibigan kasi di sya mahiyain.

Niligawan nya ko ng tatlong araw at ako nga kasi si tanga, sinagot ko naman agad sya. Kasi ewan. Ako kasi yung tipo ng tao na mabilis lang ma fall. Kaya na develop na din ako sakanya at nagpadala sa mga sweet sweetan nya sakin.

Nagtagal kami ng isang linggo. Antagal diba. Sobrang tagal. Sa loob ng isang linggong yun, akala ko hindi nya ko iiwan. Kasi nga hatid sundo nya ko nun sa classroom namin. Nagsasabay pag lunch. Sweet sya sakin at pinakilala nya pa nga ko dati sa mga barkada nyang mga sira ulo din. Akala ko magtatagal kami kasi akala ko mahal nya talaga ako. Pero akala ko lang pala lahat ng yun. Huli na ng malaman ko na sirulo pala sya. Hindi pala sya seryoso sakin at trip nya lang ang jowain ako.

Sa sobrang kapal ng mukha nya, sya pa mismo yung nakipaghiwalay sakin at dinamay pa nanay nya. Sana sinabi nya nalang na ayaw nya na sakin, hindi yung nagsisinungaling pa sya! Nasaktan ako? Oo. Kasi umasa ako. Nadala na ako sakanya. Nasanay na din ako sa isang linggo na lagi kaming magkasama. Pero lahat yun hindi totoo sakanya. Trip nya lang pala.

Nag move on ako. Kinalimutan sya kahit magkatabi lang yung classroom namin, iniwasan ko sya. Minsan nakikita ko sya, ang saya saya nya. Parang hindi talaga sya affected sa break up namin. Nainis ako ng sobra kasi first time may gumawa sakin nito. Ako yung laging nakikipaghiwalay sa mga nagiging jowa ko. Siguro kasi minadali ko ang lahat, at hindi ko muna sya kinilala kaya naloko ako ng isang gago.

Isang beses nun ng dumaan ako sa classroom nila, nasa may pinto sya. Gusto kong umatras nun ng makita ko sya kaso lang baka isipin nyang takot ako sakanya. Dapat malaman nyang hindi na ako affected sakanya. Kaya dumaan lang ako dun na parang di ko sya nakita, pero nung nakalagpas na ko, tinawag nya ang pangalan ko. Asa naman syang lilingon ako diba?

Nung gabi ding yun tinext nya ko. Oo alam ko number nya, kahit binura ko na, alam kong sya yun kasi memorize ko number nya. Tanga ko. Sinabi nya saking gusto nyang makipag kaibigan at wag ko daw sya iwasan. Neknek nya. Ayoko nga! Kaya nagpalit ako ng sim. At simula nun hindi nya na ko na kontak!

Dalawang linggo palang ang nakakaraan ng sinabi sakin ng kaibigan konna kaklase nya na may bago na palang girlfriend si Marlon. Tingnan mo nga naman. May iba na naman yata syang bibiktimahin. Walanju talaga sya. Yan ba yung patitigilin sa pag.aaral pag mag girlfriend? Sinong niloko nya? Okay. Oo na. Ako na kasi. Alam ko naman yun e. Tanga nga kasi ako pagdating sa lovelife.

Akala nya siguro di ko alam na may bago na sya pero nung time na yun inis nalang ang nararamdaman ko, sakanya pati na rin sa sarili ko kasi nga naniwala ako sa excuse nya tangna sya pa talaga nakipag hiwalay sakin. Nakakahiya!

Gusto ko syang sampalin sa twing makakasalubong ko sya pero dahil mabait ako, hinayaan ko nalang yun. Kinalimutan ko yung nakaraan. Hanggang sa ngayong nasa harapan ko sya nanggigigil ako sakanya dahil ang kapal ng mukha nya.

Tinisod ko sya at ang walanju, kinindatan lang ako. Sira ulo. Akala nya siguro natutuwa ako sakanya. Asa sya! Nakakainis lang kasi magiging impyerno na naman buhay ko kasi nandito sya. Ayokong nakikita ko sya at naririnig mga kalokohan nya kasi hindi ako natutuwa sakanya.

I know its been a year at alam kong hindi big deal sakanya yun. But for me, it was never easy. Yung pride ko at ego natapakan. And he lied and i believed in his lies. That makes me abhor him to death.

A/N : sorry kung chaka hahaha sana magustuhan nyo yung story para mainspire akong ituloy sya hahaha :D thank you☺

Classmate Ko Si ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon