Part 4

26 0 0
                                    

CLASSMATE KO SI EX
Part 4

Althea's POV

"Bitter ka padin ba kay Marlon bes?" Tanong sakin ng chismosang si Leslie.

Isang buwan na simula nung pasukan at deadma parin ako lagi sakanya. Bakit ko naman sya papansinin? Hindi sa bitter ako ah. Wala lang. Kasi ano namang sasabihin ko skanya? Wala naman kaming dapat pag usapan. At isa pa, hindi kami close kaya bakit ako makikipag kwentuhan sakanya? Okay na naman ako sa ganito. Okay na ko nakaklase ko sya. Sinanay ko na ang sarili ko na makikita ko sya araw araw at maririnig ang mga walang kwenta nyang kalokohan.

Pero pansin ko lang ah, pag nasa malapit kasi ako at nakaharap sa direksyon kung nasaan sya, e parang nag iiba sya. Parang nababawasan ng medjo konti lang naman yung kakulitan nya. Ewan ko o ako lang ba? Basta ang weird.

Hindi ko alam kung ano tingin nya sakin sa ngayon. Di nya din naman ako kinakausap e. Baka sya yung bitter sakin hahahaha. Sus malabo naman yun! Yang mokong na yan? Malabong maging affected parin sakin yan hanggang ngayon. Sa pagkakaalam ko may bago na namang girlfriend yan e. Ggo talaga tss.

"Okay class I'll group you into five, start counting 1"

Physics namin ngayon. Isa sa mga pinaka hatest subject ko. Bakit ba kasi nauso pa yang physics na yan azar. Kung anong talino ko sa English, kasing bobo naman ako sa Physics. Pakamatay nalang! Hays

"Cherry anong group ka?" Tanong ko sa bruha

"5 ako bes, ikaw?"

"2" sagot ko

"Ano ba yan, gusto mo lumipat?" Tanong nya

Hindi kasi ako sumasali sa isang grupo pag hindi kasama si Cherry. Ewan ko ba, ayoko lang kasi talaga. Matalino kasi sya aa physics e, at sya lang nagpapakopya sakin, kaya gusto ko kung nasan sya, andun din ako. Ayokong bumagsak noh. Gusto ko mka graduate hahahaha.

"Alam na dis" sabi ko at pumunta na kaming dalawa sa designated group namin.

Nakaupo na ko dun ng biglang lumapit si Marlon sa gruupo namin. Naka circle kasi kami e, bigla naman syang sumingit.

"Oy group 5 ba to?" Tanong nya

Wat da hek. Groupmate ko sya?

"Oo. Dito ka ba?" Tanong sakanya ni Yna at tumingin sakin. What?

"Hehe Oo, bakit? Ayaw nyo? Magaling kaya ako sa physics, malakas din ako kay Maam kaya wag kayong mag alala, ako ang bahala sa inyo" sabi nya na ngiting aso at umupo sa vacant seat sa harapan ko.

"Bes sige balik na ko sa group 2 ah, salamat sa ballpen" sabi ko nalang kay Cherry at nagkunwaring naghiram lang ako ng ballpen saka umalis dun

Eeee. Sa group naman kasi talaga ako diba? Na realize ko na masama mandaya kaya babalik ako kung anong group talaga ko hahaha.

"O akala ko ba group 5 ka? Ayaw mo kasi nandun si Marlon noh?" Sabi sakin ni Jude pagkaupo ko sa tabi nya. Group 2 din kasi sya. Close kami nitong si Jude. Ewan ko nga kung bakit naka dikit to sa Loko lokong Marlon na yun e, nahawa tuloy.

"Ano? Hindi ah. Group two naman talaga ako" sagot ko sakanya kasi totoo naman.

"Sus palusot ka pa. Bakit nga ba hindi mo sya pinapansin?" Tanong nya sakin

Pito kami sa grupo, silang lima lang yung sumasagot dun sa work sheet, kami ni Jude, nagkekwentuhan lang haha ayos sarap buhay.

"Wala naman akong dapat sabihin kasi sakanya, kaya bakit ko sya papansinin? Saka sya din naman ah? Swerte nya kung ako unang pumansin sakanya, ano sya chix?" Sabi ko sakanya

"Hahahaha kinwento nya kaya samin yung past nyo. Antagal nyo pala ah, isang linggo hahaha at sya daw nakipaghiwalay sayo" sabi nya sakin ng natatawa

Talaga sinabi nya yun? Gago. At talagang proud pa sya na sya nakipaghiwalay sakin e noh. Ang kapal talaga ng mukhang ipagkalat sa mga kaklase ko. As if naman proud ako na ex ko sya! Amp.

Kaya pala. Nagulat nalang ako kasi isang araw, tukso na sila ng tukso sakin kay Marlon. Mga walanju. Nung nag election kami para sa class officers, ni nominate pa nila kaming dalawa as muse at escort pero syempre ako yung muse hindi naman sya escort ko hahaha buti naman. Di naman sya kagwapohan e. Yabang yabang. Psh.

"Pano kung unahan ka nyang pansinin, papansinin mo din ba sya pabalik?" Tanong ulit sakin ni Jude

"Ewan ko sayo. Tumulong na nga tayo sakanila" pag iiba konng topic haha

"Gaga, parang alam mo naman sagot sa mga yan e, pareha lang tayong walang maitutulong sakanila kaya sabihan mo nalang ako ng tungkol kay Marlon wag kang mahiya hahaha" tukso nya sakin

Tamo nahawa na din sya sa Marlon na yun azar.

"Sira ulo. Wala na kong pake sa Marlon na yan. Matagal na ko naka move on, manloloko yan e" sabi ko at tumingin sa grupo nila.

Di naman sya tumutulong sa mga groupmates nya e. Naglalaro lang sa phone nya. Ggo talaga. Mahuli sana sya ni Maam.

"Hoy Marlon, ano yang ginagawa mo? Tumulong ka sa mga groupmates mo. Akin na nga yang cellphone mo!" Hahahah nagdilang anghel tuloy ako

Pero sanay na sya kasi sa teacher namin. Close kasi sila nyan e. Ewan ko ba kung bakit favorite sya ng mga teacher namin, siguro kasi mahilig syang magpatawa. At aaminin ko, kaya hindi nagiging boring yung class namin, dahil sakanya. Pero duh, hindi naman ako natatawa sa mga joke nya. Ang cocorny kaya. Ewan ko ba sa mga kaklase ko kung bakit tawang tawa sila sa Marlon na yan. Hays

"Maam wag mo ng kunin yung phone ko, tinutulungan ko naman sila e, nagreresearch kaya ako sa google" pagpapaliwanag nya na nagkamot pa ng ulo. Parang timang

"Nagreresearch, e nag COC kalang e, amin na yan, pepektusan kita" pabiro ding sagot saknya ni Maam

"Maam wag, matatalo yung clan namin. Kasali kaya dito yung asawa mo, sige magalit sayo yun pag matalo kami dahil dito" sabi nya sa maam namin na parang convincing talaga. Siraulo hays

Pinikot nga ni Maam yung tenga nya at hinyaan nalang sya dun at naglakad papuntang harap.

"Oh kayong dalawa naman bakit nagkekwentuhan lang kayo jan, may talkshow ba kayo?" Tanong samin ni Jude haha

Minsan gusto ko tong teacher na to e, kasi kahit ang suplada nya, may pagka joker din sya. Kaya siguro kasundo nya si Marlon.

"Tinatanong ko kasi si Althea Maam kung ano masasabi nya kay Marlon haha" sabi naman ni Jude kay maam. Walanju din to e!

"Ay bakit? Ikaw pala yung ex ni Marlon dito sa class nyo?" Tanong sakin ni Maam

Anong sasabihin ko? Nakanang.

"Oy bakit narinig ko ang pangalan ko?" Sigaw naman ni marlon sa upuan nya

"Ikaw Marlon ha, Ex mo pala tong si Althea. Ginayuma mo ba to?" Birong sabi nya kay Marlon

Nakakainis parang gusto kong lumabas. Bakit ba kasi kailangang pag usapan pa? Tumawa lang naman si Marlon. Di rin sya makasagot. Awkward na tuloy.

"Osige na nga, tapusin nyo na yan, in 5mins. Mag checheck na tayo" sabi nya at umupobna sa teachers table. Hay chismosang teacher haha sorry

"Namumula ka Thea oh hahaha" tukso sakin ng mga groupmates ko

"Heh! Magtigil nga kayo" sabi ko nalang at ipinasa na ang papel sa chismosa naming guro.

Classmate Ko Si ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon