Part 3

19 0 0
                                    

CLASSMATE KO SI EX
Part 3

Marlon's POV

"Talaga tol ex mo yang si Althea? Weeeh? Feeling ka naman hahaha!" Kanchaw sakin ni Nemo

Lul bat ba ayaw nila maniwala sakin?

"Oo nga kasi tol haha kaya lang isang linggo lang naman kami nun" sagot ko sakanya

"Haha dapat lang siraulo ka e kaya walang tumatagal sayo. Bakit ka naman nya hiniwalayan?" Tanong naman sakin ni Jude

"Ako ang nakipaghiwalay tol hahaha"

"Gago ka talaga, ang ganda ng na biktima mo tapos ikaw pa nakipag hiwalay? Kapal neto" sabi sakin ni nemo sabay batok

Hahahaha ano pa nga ba! Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Noontime break palang at nagsiuwian mga kaklase namin kaya kaming tatlo palang andito ngayon. Kinwento ko sakanila si Althea haha wala lang. Para may sumuporta sakin sakanya. Mas maganda yun diba haha.

"E bakit mo naman sya hiniwalayan brad?" Tanong ni jude

"Kilala mo si Jolina? Nagpaligaw kasi sakin e, crush ko sya ng mga panahong yun, kaso lang isip bata pre kaya isang buwan lang din kami nun haha"

"Kingna mo tol tapos kay Althea isang linggo lang? Haha" sabi ni Nemo

"Hayaan mo na, tapos na yun haha" sagot ko nalang

Bigla namang pumasok si Cherry. Kilala ko sya at kaibigan sya ni Althea. Alam nya kaya na mag Ex kami?

"Hi Cherry" bati ko sakanya pagkapasok nya

"Hello" sagot nya pabalik hahaha astig ko din sya kasi sumasabay sya sa trip. Sya nga din lagi kakwentuhan ni Althea e. Alam kong may toyo din yung babaeng yun, maldita lang talaga sya. Teka bakit ba ako laging nag iisip sakanya?

"Naging kayo pala ni Althea noh?" Sabi ni Cherry at lunapit samin

Ayan na. Marami nading nagsisidatingan na mga kaklase namin. At dahil nga sa malaki ang boses nitong si Cherry e narinig ng iba yung sinabi nya at lumapit na din samin.

"Totoo Marlon? Ex mo si Althea? Hahahaha" sabi ng mga kaklase ko at pinagtawanan pa ko.

Sa section kasi namin kwela ako.
Ako kasi ang star sa classroom namin sa pagpapatawa. Ewan ko ba kung mababaw lang talaga kaligayahan nila o naaaliw lang talaga sila sakin kasi kahit simple lang naman ang mga jokes ko e tawang tawa na sila. Nagtatawanan silang lahat except kay Althea. Hindi sya natutuwa sakin talaga. Kaya umisip ako ng paraan na para mapatawa ko sya. Sa twing nagjojoke ako lagi kong tinitignan ang expression nya kung ngumingiti na ba sya pero wala padin.

Nalaman ng lahat ng mga kaklase ko na mag ex kami. At simula nun, lagi na nila kaming tinutukso. Tuwang tuwa ako di ko alam kung bakit pero si Althea laging nababadtrip. Natatawa ako pag nakikita ko ang expression nyang ganun. Pati teachers namin alam nila na naging kami ni Althea at tinatanong nila ko kung pano nangyari yun. Natatawa ako sa twing binabanggit o napapag usapan nila kami. Hahahaha

"Ayan na si Althea" bulong sakin ni Nemo pagkapasok nya at sabay naman umupo sa harap. Hindi manlang tumingin sakin. Sabagay bakit nya naman ako titignan diba? Haha

Filipino subject namin nun. At yung teacher namin na parang nag mimisa sa sobrang lambot ng boses e paborito akong tawagin sa harap dahil nakaugalian ko na daw matulog lagi sa klase nya. E sino ba naman ang hindi aantukin sa boses nyang parang nanghehele? Sakto at 1 pm to 2 namin sya. Syesta time kaya yun hahaha.

"Marlon dito ka sa harap" tawag nya sakin. Lahat ng mag teachers namin kilala ako sa first name ko dahil nga sikat ako. Sikat akong gumawa ng kalokohan.

"Maam naman, dito nalang ako. Baka hindi na sila makinig sayo at sakin nalang tumingin pag nasa harap na ko" mga ganong banat lagi tinatapon ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ako natatakot sumagot, hindi naman ako pinapagalitan. Yung mga kaklase ko naman natawa naman, syempre titignan ko yung reaction ni Althea. At as usual, hindi parin sya ngumingiti sa mga kalokohan ko.

"Isa. Pag di ka lumipat dito, pakakantahin kita ng bahay kubo" sabi sakin ni Maam. Nagtawanan naman ulit yung mga kaklase kong mababaw ang kaligayahan

"Leron leron sinta nalang maam, wag yung bahay kubo" hirit ko ulit saka tumayo at naglakad papunta sa harap at naupo

Nasa ikalawang row pa sa likuran ko ang upuan ni Althea. Wala lang syang pakealam sa kaganapan sa silid.

"Bakit naman ayaw mo sa bahay kubo?" Tanong ni Maam sakin

"May tanong nalang ako sayo maam?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong haha

"Sige ano?" Nays ayos din tong guro namin e, sabay sa trip haha kahit medjo may edad na lol

"Bakit bitter ang ampalaya?" Tanong ko sakanya na rinig sa buong silid dahil tumahimik sila

"Sus luma na yan tol" sigaw ng mga kaklase ko. Pake ba nila. Wag nga silang basag trip sakin!

"O edi bakit nga ba?" Tanong ni maam

"Bitter sya kasi di sya sinama sa bahay kubo hahahaha hahahaha" sabi ko yung boses ko may halong kwela.

Ewan ko. Ito siguro nakakadagdag sa pagiging nakakatawa ng mga joke ko. Yung boses kong kengkoy. Kahit kasi corny, natawa sila. Ampupu!

"Hay naku kahit kailan talaga. O sige na tama na yan, san hindi na kayo antokin, sisimulan na natin ang ating lesson" sabi nya at nagsimulanng mag discuss.

Ewan ko kung bakit di ako nakikinig kay Maam. Di kasi ako sanay na sa unahan nakaupo. Nakakailang kaya, lalo nat  nasa likod ko pa si Althea. Gusto ko kasi nasa likod ako para nakikita ko ang ginagawa nya hahaha.

"Hoy Marlon, pinaparinggan mo ba si Althea dun sa joke mo?" Bulong sakin ni Leslie na katabi ko.

"Huh? Bakit naman? Hindi noh. Bakit bitter ba sya sa tingin mo? Haha" bulong ko din sakanya

"Ewan ko haha di ka pinapansin e. Unahan mo kaya" sabi nya

Napatingin naman ako ng direksyon kasi naglakad sya papunta sa harap. Nagsulat sya ng sagot sa pisara. Tamo. Di kasi ako nakikinig may pinasasagot pala.

Pero ewan ko nga ba kung bakit di ko magawang kausapin at lapitan sya. Hindi naman sa takot ako na baka masampal nya, kasi alam ko naman na alam na nya na linoko ko lang talaga sya at nagsinungaling ako sakanya. Pero isang taon na din yun e. After nung break up namin nun, naging jowa ko si Jolina. Parang wala lang talaga sakin nun na naghiwalay kami ni Althea.

Para sakin normal lang kagaya nung sa iba kong naging mga girlfriend. Pero ewan ko ngayong naging kaklase ko sya at nakakasama araw araw, parang ewan ko nga ba. Hindi ko alam. Natutuwa ako kasi nakikita ko sya lagi at nababantayan. Ayos na sakin na mapansin nya ko at nasisilayan ko ang mala anghel nyang mukha araw araw saka marinig ang boses nya at ang mga tawa nya. Ewan ko lang talaga kung bakit di ko sya magawang lapitan at kausapin.

Pag walang teacher, deadma lang naman sya sakin. Di ko din naman sya inaabala baka kasi sampalin lang ako haha. Pero di naman ako naiilang na mag joke sa klase kahit nanjan sya, gustong gusto ko nga yun gawin para sakanya e. Kasi umaasa ako na isang araw, mapapatawa ko sya ulit, gaya ng dati.

A/N : Sorry for the lame update hahaha this story was inspired 2yrs ago na, try ko lang kasi i retrieve ang memory hahaha sana may patuloy parin sa pagbabasa thank you :*

Classmate Ko Si ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon