Texting Clan

30 2 5
                                    

**RATED SPG, at the bottom portion of the story. Apologies first TT_TT**


Click. Click. Click.

Ang tinig ng bawat type ko sa keyboard ng aking celpon. Hahaay, natamaan na naman ako ng kabagutan. Makahanap nga ng mapaglilibangan. Toinks! Narinig ko ata ang tunog na yun? Di bale. Naisip kong i-dial yung kaibigan kong si Lori na kasama ko sa KPOP cover group. Oo, KPOP. Like capital K-P-O-P. Tingin nila adik na ako eh. Eh di naman, di tulad ng iba huehue. At yun, as soon as I got myself searching for her number in my phone's contact, nagpadala ako agad ng mensahe ko sa kanya kung saan dun nakasabi na:

[SMS-Miki]

"Sinong mga guy celebrity ang available sa RP text clan nyo, Lori?"

RP—ibig sabihin, Role play. Role player ako ng Korean idols. Devoted na ako sa RP since then. Almost four years. Nakakaaliw naman. Sobraaaaa~

[SMS-Lori]

"Sali ka? Dapat yung sikat, okay? Haha!"

Eto naman, I do not even know sinong i-rrole play ko, sabi ko sa isipan, medyo buhol-buhol na nga utak ko sa kaiisip kung sino'ng Korean guy idol ang magiging character ko. Isip. Isip.

[SMS-Miki]

"Mag-dDonghae na lang ako ng Super Junior."

[SMS-Lori]

"Pwede din, pero hanap ka pa ng iba. Yung bago ngayon."

Isip pa ako ng isip. Actually, mas into Korean girl idols naman talaga ako eh. Never pa akong nag-guy character before. And yet,

[SMS-Miki]

"Mag-sSeohyun na lang ako ng SNSD or Minkyung ng Davichi XD"

Reply ko sa kanya, at ayun, pagkabigong tono ang natanggap ko mula kay Lori.

[SMS-Lori]

"Mag-lalaki ka. Promise. Mag-lalaki ka."

And in the end, nahila nga ako sa mga mala-mahikang pakiusap ni Lori sa'kin sa text, naging Lee Donghae ng Super Junior nga character ko. And this will be my first. Ngayon, all I need is to sign the application form and after that keriboom yun na, either tanggap ka o hindi. Bahala na si Batman. But what's the newest thing—smut rp ang sinalihan ko. Ibig sabihin, ihanda ang mata, utak, at imahinasyon, masisira ang pagkainosente ko. Nagbuntong hininga sabay tingin ang mga mata sa kisame na may halong pagkalito at kaguluhan.

"Sasali ba talaga ako? Itutuloy ko pa ba? Para naman ako'ng sasali sa isang singing contest nito." Pabulong-bulong ko sa sarili na may kasamang hindi maliwanag na tinig galling sa tila baga'ng nalilito'ng mga labi din. Isa pang ikot ng pag-iisip, ni galaw ng mga kamay ng relo ay di ko namalayan, natagalan pala ako 'dun. Ano ba 'to, daig pa'ng nag-ccomtemplating sa isang thesis paper! Keribells na'to, sabay na may halong tinig ng pag-iyak at ingitan sa sarili. Eh ayun, sinimulan ang pag-fill up ng form. Kaba at pagkabigla, nangapos medyo ang hininga ko.

"What a form-" Sabi ko sarili ko na di pagkanchaw ang tono, nabigla lang, napasa na kasi ni Lori nang ganyan kabilis ang form, active nga naman babaeng yun.

Basa. Basa. Basa. May dalang rules nang RP texting clan na kasing kasama sa form, at mata ko'y nagliliparan sa iba't ibang linya dito nang mabuti.

"NO CROSS RPS?" Napatanong ako sa sarili na sabay ang pag-tagilid ng ulo ko sa kanan, tingi'ng patudyo 'nang sa'y mahulog sa isipa'ng 'baka bawal mag-dadalawang characters? Yung paglilipat-lipat ng RP texting clans? Yun ba yun?' Gayunman, sunod-sunod ang pag-sagot ko sa bawat tanong na nakasaad sa form na 'to, walang labis, walang kulang. Lahat ay tatak katapatan. Gender. Facebook account. Age. Name. Lahat talaga. At nang pindutin ko ang send icon, ayun, napadala agad sa mga admins at pag-aantay na lang ang ginagawa ko ng mga panahong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You from a DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon