Chapter 3: Rules

65 7 4
                                    


Meca Queen's POV

Tahimik lang at walang imik si GAD habang nagbabiyahe kami kung saan man. Ayoko sa bahay dahil nandun yung chakang mag-ina, nagulat na lang ako nung magsalita si GAD sakto ding napahinto ako dahil umilaw ang green light.

"Hindi mo dapat ginawa yun, hindi mo dapat pinahiya yung tao" mahinahong sabi niya na ikinaikot ng mata ko.

"Duh! Wala akong paki kung allien man siya na nagkatawang tao. Para saan pa na all boys school ang tawag sa eskwelahan niyo kung may babae" masungit na saad ko pero nanatili pa din siyang mahinahon.

"Alam mo ba yung kasabihan na 'Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo?. Yun dapat ang ginagawa mo para hindi ka mapahamak" umiling ako ng makailang ulit dahil nakokonsensya ako sa sinabi niya. Kailan pa ako tinubuan ng konsensya?

"Hindi ko pa yun naririnig, ang alam ko ay 'Kapag chaka ang kaharap mo, para ka na ring nakakita ng demonyo'" sabi ko saka pinaandar ang kotse ng umilaw ang red light.

"Marami kang alam, pero hindi mo ginagamit ng tama. Matalino ka, mabait pero natatakot ka, natatakot kang magtiwalang muli" makahulugang sabi niya na bigla kong ikinainis kaya napahigpit ang kapit ko sa manibela.

"Shut the fuck up! You know nothing!" sigaw ko na ikinatahimik niya.

INIHINTO ko ang kotse sa gilid ng baywalk para mapaghangin muna dahil sa init ng ulo ko. Buong biyahe ay tahimik lang si GAD, na siya namang ikinakonsensiya ko na naman. Pesti! Padabog kong isinara ang pinto ng kotse ko saka bumaba at umupo sa bench na nakaharap sa baybayin.

"Sorry kung masyado akong nangingialam sayo. Ayoko lang talagang makakita ng taong inaapi" tinignan ko siya na parang hindi makapaniwala ng maupo siya sa tabi ko.

Oo diyosa ako, at may kasalanan ako sa bruhang guro niya. Pero hindi niya naman kailangan magsorry. Kinokonsensiya ba ako ng lalaking to? Tsk!

"Kinokonsensiya mo ba ako?"

"Hindi"

"Yun ang dating sakin" inirapan ko pa siya ng tinignan niya ako sa mata.

"Pwedeng magtanong?"

"Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan?" ngumiti na lang siya sakin saka tumanaw sa dagat.

"Bakit galit ka sa mundo?" puno ng kuriosidad na may halong kainosentihan ang nahihimigan ko sa boses niya.

"Hindi ako galit sa mundo, galit ako sa lumikha nito" nakuyom ko ang aking kamao at pinikit ang aking mata habang inaalala ang mukha ng Mommy at Kuya ko.

"Para sakin ang galit ay kalungkotan, nasasabi mong galit ka kasi nalulungkot ka sa mga bagay na nangyayari sayo, mahirap kasing tanggapin na ang parallel lines ay kahit kailan hindi magtatagpo"

"Anong connect?"

"Ang tama ay minsan mali, at ang mali ay minsan tama. Mga bagay na may pagpipilian ka pero kapag nagawa mo na wala ng part two kapag namali ka" tumayo siya sa pagkakaupo sa bench at hinarap ako.

"And cut.. Okay tapos ng shooting. Huwag mo nga akong dramahan, alas singko pa lang hindi pa oras ng primetime bida" pabalang kong sagot na ikinabuntong hininga niya.

"I have three rules for you"

"I have one rule for you. No rules" sabat ko saka tinalikuran siya.

"Gusto mo ba talagang mawalan ng mana?" marahas ko siyang nilingon saka pinaningkitan dahil sa sinabi niya.

"Binablackmail mo ba ako?"

"I'm just doing my job"

"Potangina" murang pagrereklamo ko.

"Rule no. 3. Study Hard kapag may exam, that means walang lakwatsa, walang gadgets, walang party, libro lang dapat" sabi niya habang pinapakita sakin ang tatlong daliri niya.

"What the hell? Ano bang akala mo sakin isang utusan? Bwisist!Alam kong daliri mo yan na may bilang tatlo okay? Hindi ako tanga para hindi malaman yan."

"Mamaya ka na magreklamo at makinig ka na lang ng mabuti"

"Whatever!"

"Rule Number 2. No bullying in any form"

"It's called honesty idiot" hininaan ko lang yung huling sinabi ko baka kasi dagdag niya pa ang ka ekekan rules niya.

"Rule Number 1. The most important rule. No cussing"

"Potanginang! Letseng Rule yan. That is pure bullshit" pagkontra ko umiling lang siya saka nagpatuloy sa pagsalita.

"Kapag hindi mo sinunod ang Rule number 3, at kapag bumagsak ka sa isang exam mo. Goodbye Porsche ka muna and Hello Jeepney" aangal na sana ako ng tinakpan niya ang bibig ko.

"Kapag hindi mo sinunod ang Rule number 2, tutulong ka sa ampunan sa pagpaligo pagpapakain sa mga bata. Pati na rin ang paglilinis sa tinutulugan nila" sumosobra na ang bwisit na to!

"At kapag hindi mo naman sinunod ang Rule number 1. Kada mura mo ay hihingi ka ng tawad sa Dios at hindi lang yan bawat mura mo ay katumbas ng limang bible verse na babasahin at kakabisaduhin mo" buong lakas kong tinanggal ang kanyang kamay. Automatic na tumaas ang isang kilay ko habang pinamameywangan siya.

"Tarantado! Anong akala mo sakin magma-madre? Haler! Mamatay man si Lucifer ay hindi ko yan gagawin" reklamo ko.

"Ang Rule 1 and 2 ay hindi nasunod. Automatic na ang parusa mo" balewalang sabi niya na ikinainit ng ulo ko.

"What? So your telling me na nagsisimula na ngayon ang walang kwenta mong Rules?"

"Two points for Rule Number 1 equals to 10 bible verses and a prayer"

"Do you really think na mapapasunod mo ako? Dream on tutor boy!" kompyansang sabi ko.

KASALUKUYAN akong nakaluhod sa sahig habang nakatukod ang mga kamay ko sa kama at magkadaop ang pareho kong palad, habang nakatayo sa gilid ko si GAD at diretsong nakatingin sakin.

"Magsimula ka na" utos niya.

"Anong gagawin ko?" inis na tanong ko. Bwisit! Kung hindi lang ako blinackmail ng lintek ay hinding hindi ako susunod sa kanya. Paano ba naman tinawagan niya si Granmmy at sinubong ako. Sumbongero ang tangina!

"Three points for Rule Number 1"

"Ano? Hindi naman ako nagmumura ah!" angal ko.

"Minumura mo ako sa isip mo"

"Anak ng-- Paano ka nakakasigurado, aber?"

"Instinct"

"At naniniwala ka talaga sa lintek na instinct mo" napangiti siya ng tipid dahil sa sinabi ko. Nang marealize ko kung anong pinutak ng diyosa kung bunganga ay agad ko itong tinakpan.

"Four points for Rule Number 1"

"Oo na, oo na"

"Ano pang hinihintay mo? Manalangin ka na"

"Hindi ko alam kung paano"

"Subukan mo" pinikit ko na lang ang mata ko at magsimulang nagdasal 'the diyosa way'.

"Hi, ako si Meca Queen Worsnop.. at paano ba to? Salamat sa kadiyosahang bigay mo sakin. Amen"

"Too Selfish"

"Whatever. Happy now?"

"Not yet. Read this" saka niya inabot sakin ang isang kulay blue na bible. Binuklat ko ito at pagkakita ko ng mga letters ay agad akong inantok.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang? Inaantok na ako"

"No"

"Ano? Pero paano ang beauty rest ko?" Letse! Kapag ako naging presidenti ng Pilipinas ipapatapon ko ang lalaking to sa ibang planeta.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Every week po ako magu-UD dito. Walang exact day pero every week. ^^

*Keep Calm and Comment tongue emoticon Kalma lang mga diyosa :)

-ImThePlayer (Galactic Allien)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Genesis Abraham Dela RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon