Stories
[Taken from a News Website :]
Manananggal gumagala sa Caloocan City
By: Gemma Amargo
Nababalot ngayon ng takot ang mga residente sa isang liblib na barangay sa Caloocan City matapos na masaksihan ng mga ito ang isang lumilipad na babae na kalahati ang katawan na umaaligid sa bahay ng isang buntis, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa mga residente ng Brgy. Tala, dakong alas- 11:55 ng gabi nang makita ang lumilipad na babae na pinaniniwalaang manananggal na may mahabang buhok at matutulis na kuko at nagliliyab ang mga mata.
Ang naturang manananggal, ayon pa sa mga residente ay umaaligid sa bahay ng isang Tessie Acuna, 31, na walong buwang buntis.
Binanggit naman ni Mang Tomas, isang residente sa naturang barangay na hindi na bago sa kanila ang ganitong mga pangyayari dahil tatlong taon na ang nakakalipas ay sumalakay na ito sa kanilang lugar.
Isang buntis din umano ang sinalakay nito at napatay. Kinuha umano nito ang puso at sanggol sa sinapupunan ng ginang.
Dahil dito, muling nagsagawa nang mahigpit na pagroronda ang ilang grupo ng mga kalalakihan na armado ng matutulis na kawayan at gulok.
Hindi naman umano nila makuhang humingi ng tulong sa pulisya dahil sa pangambang baka pagtawanan lamang sila ng mga ito.[Taken from a News Website :]
Manananggal namataan sa La Union
By: Artemio DumlaoSAN FERNANDO CITY, La Union – Imbis na fetus ng buntis na babae ang hanapin nang namataang manananggal na lumapag sa bubong ng estasyon ng radyo sa Wallace Air Station ay pinaniniwalaang ibig nitong makita ng personal si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumating noong Biyernes ng umaga.
Napag-alaman sa sister radio station (DZNL) ng Manila Broadcasting Company (MBC) na isang security guard ng Voice of America compound ang nakakita sa kalahating katawan ng babae na lumilipad at lumapag sa bubong ng power house bandang alas-12:30 ng madaling-araw ilang oras bago dumating ang Pangulo sa nabanggit na lungsod.
Kaya naman biglang kumalat na parang apoy ang balita at nagkaroon ng haka-haka ang mga residente na posibleng ibig lamang makita ng harapan ang kanyang idol na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naging kontrobersyal na "manananggal" din ng mga tiwaling opisyales ng pamahalaan.
Ilan naman sa mga residente ng nabanggit na lungsod ay hindi kinagat ang kumalat na balita at ang iba naman ay nag-isip nga kung may katotohanan ang napaulat.
Hindi naman kaagad nabatid kung naipagbigay-alam ang kumalat na balita sa Pangulo na nagtungo sa naturang lungsod upang bigyan ng moral support ang naisalbang dinukot na si Jakie Rowena Tiu.
Magugunita na noong 1998 ay may namataan din ang residente na manananggal na umaaligid sa mga kabahayan na pinaniniwalaang naghahanap ng mabibiktima.[Taken from a News Website :]
Magsasaka nilapa ng aswang
By: Joy Cantos
CAMP CRAME — Nanalasa na naman ang kinatatakutang aswang na gumagala pagkagat ng dilim sa Davao del Sur makaraang lapain nito ang isang 52-anyos na magsasaka sa Barangay San Guillermo sa bayan ng Hagonoy kamakalawa.
Ang bangkay ng biktimang si Cornelio Regidor ay natagpuang tadtad ng kalmot ng matatalim na kuko sa iba’t ibang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang kagagawan ng kampon ng kadiliman.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan sa loob ng kanyang bahay ang duguang bangkay ng biktima na wasak ang dibdib at walang internal organ.
Naniniwala naman ang mga kamag-anak ng biktima na aswang ang pumatay kay Regidor dahil walang anumang tama ng saksak ng patalim o bala ng baril sa katawan.
Sa naunang ulat, gumagala ang aswang sa nabanggit na barangay sa tuwing gagapang ang dilim sa kalawakan kaya maaga pa lamang ay nagsisipagsara na ng kanilang mga tahanan ang mga residente.
Gayon pa man, binalewala naman ng pulisya ang paniniwala ng mga residente na kagagawan ng aswang ang pagpatay sa biktima dahil walang nakasaksi na makapagpatunay na aswang nga ang responsable sa krimen.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malutas ang misteryosong pagpatay sa biktima.
BINABASA MO ANG
Urban Legends
RandomIm sharing these Urban Legends with you. These are NOT MINE. :) Credit goes to the Rightful owner. Cover Photos by : xhinitoprinz IAmMissImperfectLady